4장

4 0 0
                                    

"Yun lang? Hindi mo ba ko naalala?"

Bukod sa hindi ko alam ang sasabihin, hindi rin ako makapagsalita. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag hinahawakan nya ko. Ngumiti lang sya at tinapik ako sa balikat.

"Okay lang. Take your time." Nakangiting sabi nya.

"Magkakilala tayo?" Litong lito na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at tumayo.

So totoo nga yung mga panaginip ko? Flashbacks?

"Pumasok ka na dun. Malamig na dito sa labas. Aka magkasipon ka." Sabi nya nang nakatingin sa malayo. Pumasok ako at nahiga. Pero hindi pa rin ako makatulog. Naramdaman kong pumasok na din si Jin.

Nanatili lang akong gising dahil binabagabag padin ako ng isip kung sino batalaga si Jin. Bakit bakasi hindi nalang sya magpakilala?

Pasikat na yung araw nung makaramdam ako ng antok.

*

Nagising ako, tanghali na. Pero wala kahit isang tao. Saan kaya sila nagpunta? Naghilamos ako at lumabas. Naglakad lakad ako para hanapin sila. Napadaan ako sa isang maliit na parang palengke. Medyo malayo na sa tinuluyan namin.

Tumingin tingin ako. Puro pagkain, lamang dagat na mukhang sariwang sariwa pa. Malapit lang kasi dagat dito.

"Waaaaa!!!" Iyak ng batang nakasalampak sa kalsada at kinukusot yung mga mata nya. Siguro nasa 3-4 years old lang sya. Tinitignan lang sya ng mga tao. Kaya nilapitan ko sya.

"Wae? (Why?) San si mama mo?" Tinignan nya lang ako at umiyak ulit. Kinalabit ko sya.

"Mamaaaa!!!" Iyak nya ulit. Parang nawawala sya. Kinarga ko sya at pinatahan. Nung kumalma na sya, tinanong ko nasan ang mama nya.

"Moreugetteoyo." Bulol na sabi nya. [Moreugetteoyo = Hindi ko alam.]

Naglakad lakad kami nang karga ko sya at sinubukan hanapin yung mama nya. May matandang nagsabi sakin na dalhin nalang daw yung bata sa police station. Baka hanapin din daw sya ng magulang nya.

Nagpunta kami at inireport. Pero anong oras na hindi pa din dumadating yung magulang ng bata.

"Sige maam. Umuwi na po kayo. Kami na bahala sa kanya." Sabi nung pulis at kinuha sya sakin. Pero nagwala yung bata at umiyak ng umiyak.

"Kuya, baka pwedeng iuwi ko nalang muna sya. Hindi titigal yan umiyak eh. Bibigay ko nalang sayo number ko. Saka jan lang naman ako tumutuloy ngayon. Ihatid nyo nalang po kami dun." Sabi ko sa pulis.

"Hindi pwede. Baka biglang hanapin ng magulang niya yan."

Sakto naman dumating yung nanay ng bata. Umiiyak at mukhang stressed na stressed.

"Yebin! Akala ko kung saan ka na napunta." Kinuha nya ito sa akin.

"Salamat ha pero yung kapatid kasi niya nasa hospital. Eh hindi ko naman siya pwedeng isama doon. Ang tatay niya nasa Seoul. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Hagulgol ng nanay niya.

"Baka pwedeng iwan ko muna siya sa inyo? Isang gabi lang. Pasensya na." Pagmamakaawa niya. Isip ko, dapat bang iwan niya?

"Hindi po ba kayo natatakot na baka kung anong mangyari sa kanya pag nasa akin siya."

"Kaya mo bang gawin yun? Nakikiusap ako. Please. Isang gabi lang. Kukunin ko din siya bukas."

Nagdoubt ako pero sige. Kawawa naman sila.

Pinasakay nila kami sa police mobile at hinatid kami sa compound. Bago pa kami makapasok, nakita ko na yung mga lalaki na nakaupo sa labas at mukhang may hinihintay.

Intro: What Am I to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon