6장

1 0 0
                                    

Nagstay kami ni Yoonjae sa dorm nila. Pinatulog nila ko sa kwarto ni Jungkook dahil solo nya lang magisa ang kwarto. Tumabi sya kay V. Si Yoonjae tumabi sa kuya nya. Pero hindi pa din ako makatulog. Nasanay na ko magpuyat dahil ilang linggo din akong walang pasok.

Lumabas ako at naabutan kong naka-on ang TV kaya tinignan ko kung sino ang nanonood. Wala namang tao.

Naupo ako sa sofa at nanood. Maya-maya, may biglang nabasag sa kusina kaya sinilip ko kung ano. Nakita ko si Shiyoon na nakahiga sa sahig at walang malay.

"Shiyoon !!!" Tinapik tapik ko yung mukha nya para magising pero wala pa din. Malamig ang mga kamay nya.

Tumakbo ako sa unang kwarto kung saan tulog na tulog si Jin at Yoonjae. Ginising ko sila at napabangon naman nung sinabi kong walang malay si Shiyoon.

Binuhat agad ni Jin si Shiyoon nung hindi sumasagot. Tinignan ni Yoonjae kung humihinga at napabuntong hininga naman sya. Kinuha ni Yoonjae ang susi ng sasakyan at nung naihiga na sa loob ng kotse, inabot nya ang susi kay Jin.

"Lorraine. Dito ka nalang." Sabi ni Jin pero hindi ako pumayag.

"Sasama ko. Tara na." Sumakay ako sa backseat. Ipinatong ko yung ulo ni Shiyoon sa lap ko at ppinapaypayan ko sya.

Mabuti nalang at wala masyadong tao nang dumating kami sa emergency room. Napagod lang daw sya sabi ng Doctor. Ilang araw na kasing sunod sunod na wala silang maayos na tulog.

Kinausap si Jin at Yoonjae sa labas ng Doctor. Kasama ko si Shiyoon na tulog. Ang putla nya at malamig ang balat.

Biglang nagblangko ang isip ko at pagmulat ko. Nakita ko si Shiyoon na nakahiga. Walang malay at may brace sa leeg. Puro gasgas ang mukha nya at puno ng dugo.

"Nasaan ako?" Napatingin ako sa kanya at gising na.

"Shiyoon ..." Tumulo ang luha ko. Nagulat naman sya.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Natatarantang tanong nya. Sakto namang pumasok si Jin at Yoonjae. Nakita ni Jin na umiiyak ako. Inalalayan nya akong lumabas. Naiwan sa loob si Shiyoon at Yoonjae sa kwarto.

"Nakita ko sya.. na-nakahiga tapos puro basag na salamin. Wala syang malay tapos... tapos puro dugo ang mukha nya..." Nagpapanic na sabi ko.

"Kumalma ka." Hinawakan nya ng mahigpit ang dalawa kong kamay. Pinunasan nya ang mga luha ko.

"Bakit pakiramdam ko kasalanan ko?" Umiiyak na sabi ko.

"Wala kang kasalanan. Wag ka nang umiyak." Pinunasan nya ang mga luha ko. Naalala ko yung tshirt na nasa loob ng box ni Shiyoon na naiwan sa ilalim ng kama ko. Butas butas. Yun yung suot nya sa aksidente.

Pumasok ulit kami sa loob nang mahimasmasan ako. Tulog silang dalawa. Dumating yung iba at alalang alala. Ginising nya si Yoonjae at nagpaalam na iuuwi nya na ko pero magpapaiwan nalang daw muna si Yoonjae. Iniwan na namin sila at sinamahan akong umuwi ni Jin. Hinatid nya na ko sa Daegu para makapagpahinga.

Ginising nya ako. Hindi ko namalayang nakarating kami dahil tulog ako sa byahe. Binuksan ko yung pinto at nagpaalam na sa kanya.

"I'll check on you every now and then. Tumawag ka lang kung may kailangan ka." Ngumiti sya at umalis na din.

Pumasok ako sa restaurant at nagulat si Nanay kung bakit namamaga yung mata ko. Tinanong nya kung okay lang daw ba ako.

"Okay lang po ako. Kulang lang po sa tulog." Palusot ko.

"Saan ka ba galing ha? Nasaan si Yoonjae? Bigla kayong nawala." Nagaalalang tanong nya.

"Bumisita lang po kami sa Kuya nya. Nagpaiwan muna po sya dun. Uwi din po bukas yun." Sabi ko at nagpaalam na aakyat na.

Intro: What Am I to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon