Chapter III

76 2 0
                                    

Julius once heard a tale about time. It is said that man has this 'three slow-motions' in his life. The first slow motion is the time when you see a person's death. Ito iyong mga pagkakataon na kung kailan nakikita mo ang kamatayan ng isang tao sa iba't ibang paraan. Second, it's the time when a man meets its love. Ito yung unang tibok sa unang pagkakataon na nakita mo ang taong alam mong mamahalin mo. The time will get slower and slower as fate is trying to make the knot that will make the both hearts unseparable. The third one is your own death. Gaya ng kung paano nakikita ng iba ang kamatayan mo ay siyang nasasaksihan mo. Your life will start appearing in front of you in those microseconds - deciding if ever you made your life better or the otherwise.

He experienced the first slow motion when his grandfather died from falling down the stairs. Hindi makakalimutan ni Julius ang mga nakita niya; na kung paano gumulong ang lolo niya sa hagdan dahil sa hindi ito nakakakita. Wala siyang maggawa dahil musmos pa ang kanyang isipan. Umiyak na lang siya doon na naghihintay ng tulong.

He experienced the third slow motion when he was get hitten by truck. Somehow, before he blacked-out, he saw his life rewinding in front of him. Mga masasayang ala-ala ng mga kaibigan, mga outings ng pamilya, mga kasalanan, at ng isang pag-ibig. He can't tell the face of that person that got blurred. Pero hindi niya natapos ang panonood sa sariling buhay nang may biglang tumawag sa kanya na humatak sa kaluluwa niya pabalik. He's about to give up but somebody still needs him. Isang tao na kailangan niyang protektahan kahit ano pa ang mangyari.

The second slow motion, meeting your fated other - that must be what's happening to him because right now he felt like the world stopped moving. Ang hangin na nagpalipad sa mga talulot ay tumigil; sa hangin lumulutang ang mga perlas galing sa mga rosas at mga mumunting dahon sa mga puno. Ang maingay na tahol ng aso ay nawala rin na iniwan ang aso na nakabuka ang bibig. Ang mga naglalakad sa kalsada ay parang mga statwa na tumubo mula sa mga kinatatayuan nila. Ang kotse, mga ibon na lumilipad, mga boses at salita - lahat ay tumigil na. Tumigil na.

Mahigpit ang kanyang pagkakayakap. Ang kanyang mga kamay ay nakaikot hanggang sa likod nito. Napagtanto niya ang maliit nitong pangangatawan na para bang isang babae, at ang mabangong amoy nito na katulad sa mga bulaklak. Nagawa niya ito dahil sa biglang bugso ng damdamin. He felt like a hug is needed in this moment. At tsaka, kung hinayaan niyang umalis si Solomon ay baka hindi na ito muling magpakita.

"H-hindi ako makahinga..." sabi ni Solomon na nasubsob ang mukha sa dibdib ni Julius. Dahil nga sa laki ng katawan nito ay nagmukha siyang insekto na mapipisa. Agad namang bumitaw si Julius na bumalik ang nawalang katinuan - at ang oras ay muling gumalaw.

"Ah, pasensiya na," taas niya ng kamay na para bang aarestuhin siya ng pulis. Namumula ang pisngi niya sa biglaang pagyakap sa binata. "W-what I j-just did... I'm..."

Nautal si Julius na walang maisip na dahilan. Sol then started laughing, then covered his mouth. Hindi alam ni Julius kung alin sa sinabi niya o ginawa niya ang nakakatawa. Namumula rin pala ang mga taenga ni Sol!

"No, no. Huwag mo akong tignan ng ganyan. Kasi nabigla lang ako sa ginawa mo," tuloy pa rin ang tawa ni Sol na halos may luha nang lumabas sa gilid ng kanyang mga mata. Napangiti na lang si Julius na nagagandahan sa nakikita. Para bang nabunutan ng tinik ang puso niyang nasasabik.

"Aa, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talagang yakapin ka. Like, there's an urge inside me that wanted to comfort niyo. Pasensiya kung nagulat kita. Did you dislike it?" Tanong ni Julius. Tumigil na sa pagtawa si Sol na inayos na ang postura.

"No, I'm not. I'm just shocked," he honestly said, then he gave the man a questionable glare. "Did you dislike it?"

"Huh? The hug? No, of course not!" Ngiting-tawa ni Julius. "I'm the one who initiated it so why should I dislike it?"

Black CloverWhere stories live. Discover now