08:45 PM, Black Clover.
Ilang beses na nilang tinignan ang orasan at tama nga sila! Walang duda na pasado alas-otso na ng gabi at ang bar ay punong-puno na ng mga tao at maingay na musika. Pero hindi pa rin nila maintindihan kung ano ang ginagawa ng barista sa harapan ng bar counter. Dapat alas-singko pa lang ay nagalsa-balutan na ito para sa mga taong panggabi. Hindi kaya nakalimutan nito na barista siya at ngayon ay nagpapanggap na bartender?
"Dude, ano pa ba ang ginagawa mo rito?" Tanong ng isang kaibigan na may ngalang Dominic. Inakbayan niya ang kaibigan na nakasimangot habang pinapanood ang mga taong nagsasayawan. "Ngiti naman diyan. Tinatakot mo ang mga girls."
"Ayaw ko ng kausap Dominic," inalis niya ang akbay ng kaibigan at tumalikod papunta sa kusina.
Tinignan ni Dominic ang ibang bartender. "Anong nangyari doon?" Napakibit-balikat ang lahat na hindi alam ang sagot. Tumango na lang si Dominic na kumuha ng shot glass at naglagay ng alak bago sumunod sa kusina. Doon niya nakita si Julius na nagtitimpla ng kape.
"Hindi ka dapat umiinom ng kape tuwing gabi. Alak inumin mo kung gusto mong matulog," naglakad sa katabing lamesa si Dominic na pasandal na umupo. Iniabot niya ang alak kay Julius. Pero hindi nito ito pinansin. He shrugged his shoulders and took the drink himself.
"Ano na naman ba ang problema?" Tanong niya matapos ang isang inom sa alak. "Sa tuwing may problema ka nananatili ka sa Black Clover sa hanggang magsirado ito sa gabi. You did it once. Ano na naman ito ngayon?"
"Nothing," sagot ni Julius.
Tinignan ni Dominic ang seryosong mukha ni Julius at napabuntong-hininga. Inubos niya ang natirang laman ng baso. Uminit ang lalamunan niya ng bahagya na nawala naman. Sanay na siyang uminom ng alak kaya hindi agad nalalasing.
"May problema ka ba sa pera? Sa pamilya? Sa career? Negosyo?"
"Wala nga akong problema diba? Kaya umalis ka nga muna at hayaan akong mag-isa."
Natapos na ni Julius ang ginagawang kape. Nakita ni Dominic na sobrang itim nito, hindi normal sa paborito nitong inumin. Inilagay ni Dominic ang baso sa lamesa. Pero hindi siya umalis dahil lang sa binantaan siya ni Julius. Kung may tao siyang kinatatakutan ay si Alexandra na iyon. Bugbog sarado siya nito nung huli na pumunta ito kasama ni Robert isang gabi.
"Kung wala sa mga sinabi ko... then, is it love?"
Walang nasabi si Julius na ininom ang siguradong napaka-pait na kape. Hindi pa ito nangangalahati pero ibinaba na ang inumin. Halata sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa ginawa. Umubo ito ng paunti-unti. Napa-isip si Dominic kung ito rin ba ang ginawa ni Julius sa umaga.
"So, pag-ibig nga? Nga naman," napatango si Dominic. Alam niya ang ganitong uri ng sitwasyon. Isang lalaki na nagmahal, nabigo, at ngayon ay umiiyak. Pero hindi umiiyak si Julius. Hindi pa.
Julius thre the coffee to the nearby sink and started brewing a new again. Pinanood siya na Dominic na maghanda ng bagong mga ilalagay. Napaisip si Dominic kung dapat ba niyang kumuha ng isa pang shot.
"So what? Did you guys have a fight? Or break-up? Tell me. Maybe I can help," Dominic insisted.
Julius heaved a sigh. "We didn't broke up. Wala naman kasing kami."
"Oh," singhot ni Dominic. "Ah... I somehow get the picture. Walang kayo... Pero gusto mong maging kayo, tama ba?"
Julius wafted his hand away as he rolled his eyes. Iniwasan niya si Dominic. Tinapos niya ang kape na mas nagmukhang kape na ngayon at naglakad papunta sa snack bar. Hindi siya tinantanan ng kaibigan na sumunod rin. He avoided him again by going to the VIP longue. Pero aso talaga si Dominic na sunod ng sunod.
YOU ARE READING
Black Clover
Short Story"It will be better if you will just forget everything and pretend that nothing happened between us," he said those words but none of them mean anything. He's holding his tears, and a heart that is about to break. He loves him, of course he does. But...