Chapter IV

84 2 0
                                    

Lumipas ang oras. Hindi na nila napansin na madilim na sa labas habang nagkukwentuhan. Nagpanik si Julius nang makita ang madilim na paligid na patakbong lumabas para tignan ang tindahan na binilhan niya ng mga bagay. Nadismaya siya nang makita itong sarado na. He made a short yelp saying that the owner will going to kill him. Sol chuckled with the sight and apologized. Julius gave him a funny face that made Sol laugh.

"Hindi mo naman kasalanan iyon. Ako ang nakalimot," lumapit siya kay Sol. His hieght towering the petite guy.

"Pero kung hindi kita inimbita eh baka naggawa mo iyong pinagagawa sa iyo," Sol said.

"Hayaan mo na iyon. Sasabihin ko na lang na nakalimutan ko," biro ni Julius sabay hawak sa ulo niya. "Something happened to me kaya nagkaroon ako ng amnesia. I'll just tell him na nagka-amnesia ako kaya hindi ko nabili ang gusto niya."

"Don't joke around like that!" Bulyaw ni Sol sa kanya. Nabigla si Julius sa pagsigaw nito. Napansin niyang nababasa ang mga mata nito na aakmang iiyak.

"Uh... I'm sorry, I didn't mean to..."

Isang butil ng luha ang nahulog sa pisngi ni Sol. Mas lumapit si Julius para punasan ito pero itinakwil ni Sol ang kamay niya na hindi siya pinayagan. Pinunasan niya ito gamit ang sariling kamay, humarap muna sa ibang direksyon na pinatutuyo ang maluluhang mga mata, bago humarap pabalik sa kanya. Halata sa mukha nito ang pagpipigil sa mga luha. Mukhang nasaktan talaga siya sa birong binitawan nito.

"I'm sorry for getting emotional. Iyakin kasi ako," dahilan ni Sol. "But please, don't tell jokes like that. Please value your life more."

"I should be the one who is sorry. Pasensiya na dahil ginawa kong biro ito. I won't do it again," galit si Julius sa sarili niya. Hindi dapat niya sinabi ang mga katagang iyon.

Nagpa-alam na si Julius na sinabihan si Sol na dumalaw sa kapehan kung minsan dahil gusto niya itong makausap at mas makilala. Hindi man ipinangako pero sinabi ni Sol na sisiguraduhin niyang matatandaan niya ang sinabi. Kumaway sa huling pagkakataon si Julius na nagpatuloy na sa paglalakad at hindi na lumingon pa. Kinaway na rin ni Sol ang huling paalam bago siya patakbong pumasok sa loob ng tindahan.

He banged the door close and shakily turn the lock fit. Napasandal siya sa saradong pinto dahil sa hindi na niya nakayanan pa. He is almost out of strength from controlling his self from crying in front of Julius. Pinigilan niya lahat, tiniis ang kirot at sakit sa dibdib niya nang makita si Julius. Sinubukan niyang maging diretso at parang wala lang sa harap ng lalaking pinakamamahal niya. Halos natagalan siya sa paghahanda ng pagkain dahil inakala niyang bibigay talaga ang mga luha niya. But thank God, he's able to stop it.

He missed him. So much. He never thought that he'll be able to see him again.

Dumaosdos siya pababa dahil hindi na niya mailakad ang mga paa. He sat down, knees folded in front of him, his palms on the face. Masaya siya sa araw na ito at nakita niya muli si Julius. Pero malungkot rin siya dahil sa nagiging makasarili na naman siya. Ano ba at ginawa niya ito para makalayo lang sa kanya? He tried his best to reset the game back to where it should always be. Julius should never have played him because at the end they know that it will be a game over.

Sol closed his eyes. Flashbacks of the time where they first met appeared in his mind. Madilim rin ang paligid nung araw na iyon pero hindi kasing tahimik na kung saan siya ngayon. Maingay ang paligid na napuno ng makabagong musika na pinatutugtog ng disc jockey, mga ilaw na sumasayaw sabay sa kumpas, at mga taong patalon-talon, pasayaw-sayaw, pakembot-kembot na dala ng kasiyahan. Ito ang unang pagkakataon ni Sol na makapasok sa Black Clover ng gabi dahil sa laging umaga naman siya tumatambay rito. At tsaka, hindi siya mahilig uminom ng alak.

Black CloverWhere stories live. Discover now