Chapter X

152 3 0
                                    

Malamig na naman ang panahon. Dagsa na naman ang mga tao sa mga lugawan at mami-han. Balot na naman ang mga tao sa kani-kanilang makakapal na mga damit. Nakalimutan ni Alexandra na kunin ang muffler na pinalabhan niya kaya ngayon ay nilalamig siya, yakap yakap ang sarili sabay bahing. She's also wearing a sweater but that's a less of the warmth that she always wanted. Kasama niyang naglalakad si Robert with its natural Ivy league outfit and the scraps of papers and laptop bag. He actually likes cold weathers and can handle the cold.

"Bakit ba ang lamig sa Pilipinas? Sabi nila may global warming. Bakit hindi mainit?" Reklamo ni Alexandra.

"Kapag mainit nagrereklamong mainit. Kapag malamig nagrereklamong malamig. Kung ayaw mo sa mundo, subukan mo kayang mangibang planeta baka magustuhan mo ang klima nila doon?" Walang emosyon na suhestiyon ni Robert.

"And here comes our dear ol' grumpy Robert," ikot mata ni Alexandra na muling bumahing.

Nakita na nila ang Black Clover. Tumunog ang kampana sa itaas pintuan at nakita ang ibang mga tao na lumabas. Kinawayan nila ito at binati ng magandang umaga. Alexandra opened the door first and Robert comes next. Tumunog ang kampana na nagpatingin sa kanila sa mga barista na nasa may counter. Dumiretso sila sa may pinakadulo na kung saan sila laging nauupo.

"Good morning," binati sila ng ngiti ng isang pamilyar na mukha. Napangiti ang dalawa nang makita siyang masigla.

"Yosh," bati ni Alexandra na unang napaupo sa pwesto. Katabi niya ang pader na kung saan may mga diesnyo ng mga kendi at kape. She always liked this place ever since kaya wala nang umagaw nito.

"Good morning," pormal na pagbati naman ni Robert na tumabi kay Alexandra. As usual, inilapag na naman niya ang mga papel sa lamesa at ang bag. Mula rito, kinuha niya ang isang maitim na laptop at inilagay sa tabi. He opened it, typed in the password, and started typing furiously.

"So, what's your order?" Tanong ni Julius sa kanila.

"The usual, sir," ngisi ni Alexander. "But this time I want some chocolate chip cookied and some breadstick with mayo and cheese dip."

Napabuntong hininga si Robert. "Alex, I told you that I'm not paying for your snacks. Please stop placing it in my bill," sabi nito na unang hinarap si Alexandra, pagkatapos ay si Julius. "Also the usual drink, and a pretzel."

"Okay," masayang tugon ni Julius na umalis papunta sa kusina.

Pinanood ni Alexander si Julius at may napansin na kakaiba. She faced Robert beside him whilst pointing at Julius.

"Ako lang ba ang nakakapansin na para bang ang saya saya ni Jules?" Tanong ni Alexandra. "Na para bang abot tainga ang ngiti niya?"

"Why? Is that a bad thing?" Tanong ni Robert na hindi lumilingon sa kanya.

"No," mabilis na tugon ni Alexandra. "But it's a bit weird. Nung isang araw halos hindi na maipinta ang mukha niya. Pero ngayon..."

"Pero ngayon... ano?" Though, Robert is listening.

"Pero ngayon para bang tinutubuan ng bulaklak si Jules! I can see flowers popping around him," Alexandra.

"Flowers?" Inalis muna ni Robert ang tingin sa laptop at sinilip si Julius. Indeed, he can see flowers around him. "Oo nga, baka may magandang nangyari sa kanya."

Natapos na si Julius sa pagtitimpla at bumalik na kasama ang mga order nila. Natagpuan niya si Alexandra na nakakunot ang noo sabay tingin sa kanya ng masama. Nagtaka si Julius sa biglaang pakikitungo sa kanya ng pinsan kahit wala pa siyang ginagawang pang-aasar. Mas nagulat siya nang makita ganoon din ang tingin sa kanya ni Robert. Para bang ipinaparating ng dalawa na may tinatago sila.

Black CloverWhere stories live. Discover now