Chapter V

59 2 0
                                    

Isang oras na ang lumipas at hindi pa rin gumagalaw si Julius sa kinalalagyan niya. Nakaupo siya sa isang silya na may tatlong paa, nakasandal ang siko sa lamesa, at ang pisngi ay namahinga sa palad. Diretso ang tingin ng mga mata nito na malayo ang punta. Nagtataka na ang mga kasamahan niya na hindi alam kung anong gagawin. Naisip nila na baka natuluyan na ito at naging baliw.

"Jules, Jules..." Tawag ni Alexandra na kanina lang rin nakatingin sa kanya.

"Mukhang wala siya sa mundo natin ngayon," sabat ni Robert.

"Jules, Jules, na-abduct na ba ng mga alien ang utak mo?" Tumayo na si Alexandra na iwinasiwas ang kamay sa harap ng mukha ni Julius. Hindi ito naapektuhan, ni mata ay hindi kumurap sa bigla. Umupo pabalik si Alexandra na nadismaya.

"Baka nga natuluyan na siya," sabi nito. "Baka nasiraan na talaga ng ulo."

"Walang sira ang ulo ko," sabi ni Julius na gumalaw para singkahan si Alex sa harapan niya. "Matino pa po ako. Che, akala mo hindi ko maririnig."

"Mukhang ako pa ang may kasalanan eh ikaw nga diyan ang nakatunganga. Aist, akala mo kung sino," reklamo ni Alexandra. Iniabot niya ang baso kay Julius. "Bigyan mo ako ng refill."

"Nang-uutos ka?" Asar ni Julius.

"Pasensiya na pero costumer mo po ako, kamahalan," banat ni Alexandra.

Wala nang nagawa si Julius kundi ang kunin ito at sundin ang utos niya. Inirapan niya ang pinsan bago pumasok sa loob. Matapos ang ilang minuto, bumalik ito na dala ang kape. Ibinigay niya ito kay Alexandra na pabagsak.

"Salamat ha," sabi ni Alexandra na ngumiti sabay ikot ng mata pagkatapos.

"You're welcome po," bagsak ni Julius sa kanya.

Napabuntong hininga na lang si Robert na nasanay na sa away ng magpinsan. Bumalik na sa pag-upo si Julius sa pwesto niya at mukhang nagbalak na gawin na naman ang pagmumuni-muni. Nagsalita na si Robert bago lumala ang sitwasyon.

"Ano ba ang iniisip mo? Para kasing lutang na lutang ka," tanong ni Robert na hindi tinignan si Julius. Nakaharap siya sa laptop at mabilis na nagta-type. Tumigil lamang siya nung uminom ng kape. Kumakain naman sa tabi niya si Alexandra.

"You know..." Naalala ni Julius ang banta ni Alexandra na huwag muling itatanong sa kanila ang tungkol kay Sol. Pero iba na ito sa pagkakataon na ito. "You know, I met Solomon last night."

Nagbugahan ang dalawa sa harapan ng mesa. Muntikang mabitawan ni Robert ang baso na hawak niya na natilapon pa ang laman sa sahig. Mabuti na lang at hindi ito nahulog sa laptop niya. Nabilaukan naman si Alexandra na kumakain ng biskwit sa pagkakataong iyon. Humingi ito ng tubig na agad namang binigay ni Julius. Matagal naka-recover si Alexandra na halos pulang-pula na ang mukha. Matapos ang ilang minuto ay nahimas-masan na ito.

"Huwag ka ngang ... manggugulat ng ganyan..." paubong sabi ni Alexandra. Hinihimas ni Robert ang likod niya para makaraos ito. Umayos na ang hininga niya na pinatigil na si Robert at nagpasalamat. Napataas kilay si Julius at hinarap ang dalawa.

"So you DO know Solomon," sabi niya. Julius folded his arms, his posture demanding for an answer. "Ako lang ba ang nakakapansin o talaga bang pinagkakaisahan niyo ako?"

Hindi nakaimik ang dalawa. Napailing na lang si Julius sa kanyang kinalalagyan, ipinapakita ang pagkakadismaya sa ginawa ng dalawa. Lumapit siya sa mesa at sumandal rito. Sinubukan niyang titigan ang mga matang umiiwas. Walang paki-alam si Alexandra na hindi man lang natinag. Pero bumigay si Robert na itinaas na ang mga palad.

"Okay, okay, you're right. I give up," he said, heaving a sigh. "I'm guilty."

"Rob," kinurot ni Alexandra ang katabi. Lumapit siya rito na may masamang tingin. "Ikaw talaga lalaki ka ang bilis bumigay... Ano ang gusto mo upakan kita? Huh?"

"Alex masakit..." hinawakan nito ang kamay na kumukurot pero hindi bumawi. "Nahuli na tayo. Ano pa ba ang magagawa mo?"

Hindi na nakasagot si Alexandra na kinalimutan ang dalawa at pumasok sa sariling mundo. Inikutan lang siya ng mata ni Robert na hinarap si Julius. Napataas kilay si Julius na hinihintay ang paliwanag na kailangan niya. Huminga ng malalim si Robert at nagsalita.

"I ain't telling anything to you," sabi niya.

"At bak-"

"But the only thing that I can say is that I am in no position to say any thought about him. If you ask us if we know him - yes, we do. If you ask us if you know him - yes, you did," sabi ni Robert.

"Kaya pala," napatango si Julius. "Kaya pala ganoon na lang kagaan ang pakiramdam ko sa kanya. You see, yesterday, we met in a flower shop that he owned. Nag-usap kami, nagkwentuhan, and it's like everything is so good and great."

"It must be because he is gay," saad ni Alexandra.

"I know," Julius proudly claimed.

"You know?" Sabay nilang tanong.

"Yes, that's the very first thing that he told me."

Napatango na lang ang dalawa na para bang alam na gagawin talaga ito ni Sol. Kinamot ni Robert ang pisngi niya at nag-isip. He snapped his fingers to get the attention of Julius and gave him a smile.

"Alam mo, parang hindi na namin kailangang sabihin sa iyo ang tungkol sa kanya," sabi ni Robert. "Why won't you just ask Solomon himself?"

"Plus," dagdag ni Alexandra na sumang-ayon kay Robert. "Things will be back if you will get your memories back. Isn't it a bit mean if you know him through us than your memories? Makakayanan mo bang puntahan siya na alam ang katotohanan na hindi mo maalala?"

Napaisip si Julius sa sinabi ni Alexandra. Though, one thing is still bugging in his mind. Nasa bulsa pa rin niya ngayon ang naging puno't dulo ng lahat.

"Then, I'll just ask one question," sabi ni Julius. "Does he have a lover?"

Black CloverWhere stories live. Discover now