Naglalakad muli sa parehong daanan si Julius. Itinatak niya sa utak niya kung ilang hakbang, ilang kanto, at kung ika-ilang tindahan matatagpuan ang bahay ni Sol. He now knows that they do have a history. Pero hindi siya sigurado kung anong nakaraan ang mayroon sa kanya. And about the lover thing, yes, the guys confirmed that Sol indeed have a lover. Sabi nila bago lang daw sila naghiwalay at mukhang hindi pa nakakamove-on. The guys advised him to not ask any questions related to that. Julius marked it in.
Nag-isip si Julius kung anong magandang bagay ang dadalhin niya kay Sol. When he thought of buying flowers, he realized that Sol himself is a flower. Paano ba niya bibigyan ang isang tao na mayroon nang isang tindahan na puno ito? He also thought of giving him chocolates. But it looks like that one is not a good idea. Ano ba siya ni Sol, kasintahan, para bigyan ng tsokolate? Then the only last option that he has is to buy a pack of freshly ground coffee that he can use as an excuse. Alam na ni Sol na isa siyang barista kaya malamang hindi na ito magulat kung bibigyan siya nito ng kape.
Nakarating na si Julius na sininghot pa ang sarili kung mabango ba siya (kahit alam niya na amoy kape siya) at kung maayos ba ang damit niya. Nang masigurado na maganda ang kalagayan ay mabilis siyang pumunta sa harap ng tindahan at sinilip ang loob. As usual, the flowers gave him a sweet scent. Pakiramdam niya tuloy isa siyang bubuyog.
"Sol? Nandyan ka ba?" Malakas na tanong ni Julius. Walang sumagot. "Sol?"
"Nandito ako," sagot ng isang boses. Napangiti si Julius na pumasok naman.
Kagaya kahapon, muling bumungad sa kanya ang mga bulaklak. Nasa pareho pa rin silang mga lugar na tila ba hindi man lang ginalaw. Hinanap ni Julius ang isang lalaki na gusto niyang nakita. He spotted a man crouching down in a corner. Pinuntahan niya ito.
"Sol, ano nga pala ang ginagawa mo-"
Humarap sa kanya ang isang lalaki na halos nabalot ng putik ang buong harapan. Napaatras siya, nabigla sa nakita. Si Sol lang naman ay nakaupo sa isang maliit na upuan na kaharap ang isang hulmahan. It looks like he's doing some pots. Tinignan ni Julius ang mga nagawa nito na nasa tabi at nakita ang mga paso na parang pinarusahan ng langit. He felt sorry for the almost monster-looking deformed batch.
"Ah... Ikaw pala Julius. Hindi ko alam na pupunta ka pala ngayon," ngiti ni Sol sabay pahid sa noo niya, ang kamay ay puno pa rin ng putik. At ang noo niya? Oo, napuno rin ng putik.
"Sol..." Alam ni Julius na ngayon ay wala pa siyang karapatan para pagsabihan si Sol pero hindi na niya napigilan ang sarili at sinunggaban ito. Nagtaka si Sol sa ginawa ni Julius kaya tinignan niya ito sa mata. Isang nakakatakot na itsura ang lumitaw na para bang may ginawa siyang masama.
"Ju-julius?" Halata sa mukha ni Sol ang pagkatakot. Humigpit ang hawak ni Julius sa kanya.
"Let's go clean yourself!" Utos niya na hinila paitaas ng bahay si Sol na para bang siya ang may-ari nito. Umakyat sila, binuksan ang pinto, at hinanap ang banyo. Isang pinto ang nakita niya sa tabi at hinila papunta rito si Sol. Pagbukas niya, agad bumungad ang simpleng banyo. Ipinasok niya si Sol.
"Please sit on the tub," tinuro niya ang bath tub.
"Eh? Eh?" Hindi sigurado si Sol sa gagawin.
"I said on the tub!" At bumulyaw na siya. Mabilis na sumunod si Sol sa loob at pinanood ni Julius na kinuha ang hose-shower. Pinihit nito ang gripo na pinantay ang mainit at malamig na tubig. Paliliguan lang naman niya si Sol.
"I can take a bath myself. Hindi mo naman kailangang gawin ito," Sol suggested. Pero hindi nakinig si Julius at binuhusan siya ng tubig kahit may suot pang damit.
"Geez, why do you always get yourself dirty whenever you do that? Hindi mo ba kayang maging malinis kahit minsan lang?" Reklamo ni Julius. Binasa niya ang buhok ni Sol na mayroong putik. Tumulo ang kulay kayumanggi na lupa pababa sa damit nito. Now that he's back in his senses he realized that he's doing something weird.
YOU ARE READING
Black Clover
Short Story"It will be better if you will just forget everything and pretend that nothing happened between us," he said those words but none of them mean anything. He's holding his tears, and a heart that is about to break. He loves him, of course he does. But...