Patagong Pag-ibig. [Requested;)]

534 17 7
                                    

 Highschool.

"Ui Sam, nakita mo ba yung new student?"

"Ang pogi kaya. Pakilala tayo. Halika na!"

"Ayoko, kayo na lang!"-Sam.

"Psh, bahala ka diyan. Halika na Bea! pakilala tayo."

May new student sa class namin. Kaya ayokong magpakilala kasi KILALA ko na. Si Nicolai. Childhood friend ko siya. Umalis kasi sila papunta states noon. Ni hindi man lang nagpapaalam sa'kin. Oo, may gusto ako sa kanya. Pero alam ko hinding hindi siya magkakagusto sa'kin. Baka nga nakalimutan na niya'ko eh.

-

College

Waaaaaaaah! Kinausap ako ni Nicolai! Natatandaan niya parin pala ako! Buti na lang! T-tuwing kinakausap niya ko bumibilis tibok ng puso ko! Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Mahal ko na ata siya?

Yiiiiiiiiiiieeeee. Bestfriend ko na ulit si Nicolai! Nagsasabihan na kami ng secret at ng mga problema. Nagkkwentuhan at nagkukulitan! Pati, minsan lumalabas din kami! Takbuhan namin ang isa't isa pag may problema. Nagsasabihan na din ng crush! Pero syempre, di ko sinabi sa kanya. SIYA naman talaga eh. Di ko alam kung pa'no sabihinT____________T

May DIARY din si Nicolai? ASTIG! Yun lang, ayaw niya ipakita sa'kin! Akala ko ba bestfriend ako?-.-

May gusto naman pala 'tong si Nicolai sa bestfriend ko! Hmpp, ngayon nagpapatulong siya sa'kin. Liligawan na niya kasi! Ang SAKIT lang. SOBRA. Tutulungan ko ba? o Hindi?

Well, tinulungan ko siya. AT binusted siya ng Bestfriend ko. Ngayon umiiyak siya. Katabi ko. Sinasabi niya lahat sa'kin ng sama ng loob niya. Ba't pati ako nasasaktan? Ako na lang kase. Gusto kong sabihing 'Tama na, nasasaktan rin ako.' Kaya lang, di ko alam kung ano magiging reaction niya. Kelan ko ba pwedeng sabihin sa'yo na Mahal na Mahal Kita?

Work..

Ok, may girlfriend siya ngayon. Ako parin sinasabihan niya kung ano ang nangyayari sa kanila. Ako dapat yung girlfriend eh. AKO DAPAT YUN.

Nakakainis! Sila parin. Ayy hindi, papalit palit lang pala siya ng girlfriend. NakakaINIS lang! Bakit sa lahat ng babae sa mundo ako pa yung di niya matutunang mahalin? Badtrip.

Ano namang karapatan kong magalit? eh bestfriend lang naman ako!

Wedding..

Ikakasal siya ngayon. Ako ang Bride's Maid. HINDI PWEDE YUN. Ako dapat yung BRIDE!T__________T grabe lang. ang sakit isipin na kinakasal na siya ngayon. Nakikita ko pa.

years later..

May anak na sila. At sa KASAMAANG PALAD ako ninang. Minsan pag iniinvite nila ako sa bahay nila, parang ayoko pumunta. Kaya lang, di ko naman kayang tanggihan. TIIS TIIS lang din.

Death..

Namatay siya. Namatay siya ng di man lang niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Sam, p..pwede ba kitang maka-usap?" Asawa ni Nicolai.

"Uhm, *sob* S-sure."-Sam

"Alam mo ba kung anong nangyari sa relasyon namin ni Nicolai?"

"N--nagmamahalan kayong dalawa. Bakit? Anong meron?"-Sam

"Basahin mo na lang ito. Sabi niya ibigay ko daw sa'yo 'to kung mawala man siya."

May binigay siya. DIARY ni Nicolai. Ito yung ayaw niyang ipakita sa'kin noon.

~

Hoy Diary!

Classmate ko si Samantha! Ang ganda niya! Ang dami niyang pinagbago! Kung dati ang PANDAK niya, ngayon matangkad narin siya! Basta ang ganda niya.

~

Hoy Diary!

Kinausap ko si Samantha ngayon! ang bait niya parin! Buti na lang yung ugali niya di nag-bago! Kung dati gusto ko lang siya ngayon, MAHAL KO NA SIYA.

~

Hoy Diary!

May nanliligaw kay Samantha! Hindi namna siguro ako gusto nito. Hayy, nagpatulong ako kay Samantha na manligaw kay Bea. Kaya lang binusted ako. Umiyak ako kanina, Kalalaking tao ko umiiyak ako. Pero di yun ang dahilan kung bakit ako umiyak. Umiyak ako dahil nagselos ako dun sa nanliligaw kay Samantha. Eh pano, yun kayang sabihin yung nararamdaman niya kay Sam, samantalang ako hindi.T__________T waaah! BADTRIP.

~

Hoy diary!

May girlfriend ako ngayon. Kaya lang kahit anong palit ko ng girlfriend di ako makagetover kay Sam. Mahal na Mahal ko kasi yung babaeng yun eh!

~

Hoy Diary!

Magpapakasal na'ko. How i wish na.. Ay wag na! Sana pigilan man lang ni Samantha. Psh. Wala naman atang gusto sa'kin yun.

~

Hoy Diary!

Away kami ng away! Amputsa! pinagaawayan namin si Samantha. Si sam naman talaga mahal ko eh! Siya lang at wala nang iba! Dapat pala nag-hintay na lang ako kay Samantha. Dapat pala sinabi ko na sa kanya na Mahal ko siya. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ayoko na!

M..mahal ako ni Nicolai? *tears*

**

LESSON?

Wag maging torpe!

Vote! Vote! Vote! Vote! Comment! Comment! Comment! Comment! and be my Fan.

Portfolio: One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon