That Mini Heart Attack.
Pag nakikita ko siya..
Pag bigla bigla na lang siyang lalapit sa'kin.
Pag biglaan niya akong ipapatawag.
Pag bigla siyang nag sasalita ng kung ano ano.
Kahit hindi ko maintindihan, Wala akong pake. Basta kinakausap niya ako.
EISH, Inlove na ata ako. Oo! ay hindi! Oo pala! Ay EWAN!
Siguro nga, anak ng tinapaaaa! Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan na ako.
Ngayon, Lunch namin.
At, nakikita ko siya. Nasa may kabilang side. Nasa may Catwalk. Ako kasi nasa may Canteen. Kasama ang mga Girl-Friends ko. :)
"Alam mo, Baka matunaw na yan!" -Judith
"Oo nga. Wag mo masyadong titigan! Baka di mo na makita yan mamaya." -Nikki
"Hui! Tama na yan! Tama na! Ma-awa ka sa Nanay niyan! Baka matunaw yan, di na maka-uwi! Tama na Daniella!" -Cole
"Alam niyo, ang. O.A niyo!"
"Concern lang! Baka pag natunaw yan, hindi mo na makikita. Malungkot ka pa." -Nikki
"Aish!"
Inalis ko yung tingin ko sa kay Vincent.. Ito kasing mga kaibigan ko, Baliw na. Asar ng asar-__________-
Pero, kinikilig naman ako. Ayiiiieee. Hahahahaha.
Hayy, Di ko na tuloy siya matignan ulit. Mangaasar na naman 'tong mga 'to eh.
"Dane! Tingin ka dun oh!" Sabay turo ni Jath sa may catwalk.
At, eto naman ako. Nagpa-uto. Tumingin ako.
At, sheeet! Nagulat ako. Naka-tingin siya sa'kin!
Napa-patong yung ulo ko sa may Lamesa. Waaaaaaaaaaaaaaaah! Kinikilig ako! Yieee!
"Hoi, RC! Namumula ka na! Sobra na! Hahaha!" -Coleen
RC tawag sa'kin ni Coleen. RC means, Rosy Cheeks. Yep, Rosy Cheeks.
Kaya, pag kinikilig ako. Jusko, makikita mo. Namumula cheeks ko.
Umalis naman ako ng tingin sa kanya. Hayyyyyyyyyssssssst.
Nakaka-loka laaang! Nakaka-kilig eh.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Mababaliw na ako.
~
Iba pakiramdam ko ngayon! Hyper na hyper ako!
May halong lungkot, kasi malapit na mag-end yung school year.
Kaya, aayusin ko na lahat. Para pag-umalis ako sa school na'to, walang problema.
Ayokong umalis ng hindi na aayos. Kaya aayusin ko na, at kung ano man ang gusto kong sabihin, sasabihin ko na.^________________________^
Oo, kasama dun si Vincent.
Aaminin ko lang naman sa kanya. Na may gusto ako sa kanya.
Nakaka-kaba. Pero, dapat nang sabihin. :)
"Uhm, Vincent.."
"Oh?"
"Since, mag eend na yung school year.." Shiz, eto na! *ehem ehem*
"Ano yun?"
"Inaamin ko na may Gusto ako sa'yo."
"Ah, Ok."
Anak ng tokwa laang! 'Ah, Ok.' Anong klaseng sagot yan? Tipid ah.
Well, at least sinabi ko na.
At atleast alam niya yung totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Kahit, 'Ah Ok' Lang yung sinabi niya. HOHO.
Magsisi siya at 'Ah, Ok lang yung sinabi niya. >:)
Hahaha, DE JOKE! At least gumaan yung loob ko, dahil wala na akong tinatagong nararamdaman. :)
Hayyyy. ^__________________________^
Hanggang ngayon, pag kakausapin niya ako. May Mini Heart Attack. PARIN. Ewan nakakagulat kasi siya, kung ano ano na lang sinasabi bigla.
Minsan, bigla bigla na lang sumusulpot.
Basta, ako TAPOS na. Wala na akong tinatago.
Mahal ko siya. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1387570-288-k11594.jpg)
BINABASA MO ANG
Portfolio: One Shot Stories.
أدب المراهقينIto po ay compilation ng short stories na maiisip ko or kung sino man magr-request. All about LOVE. Merong ding nakakatawa, at nakakaiyak. Kung gusto niyo umiyak. Ayaan! Request na! PM me. Kwentuhan niyo na lang ako.