Dedicated to my idol Denny aka HaveYouSeenThisGirL
another fanfic of I met a jerk whose name is Seven ^_^
Sana ay magustuhan ninyo ang aking likha
---------------------------------------------------------
Point of View:
-ANNIKA MARIE REYES-
"Im really sorry."
Hindi ko na alam kung pang-ilang sorry na yan ni Seven pero parang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat. Hindi ko maintindihan. Is Seven really breaking up with me? Dahil daw hindi na nya ako mahal? Dahil parang nagfi-fade na daw yung feelings nya para sa'kin? Eh parang lang naman pala eh. Bakit nya 'ko iiwan? Dahil sawa na sya? Dahil pagod na sya? Dahil paranoid akong girlfriend? Dahil nasasakal na sya? Seryoso ba 'to?
Nakatanga lang ako sa harap nya at nakanganga. Kulang na lang pasukin ng langaw ang bibig ko. Sya naman, nakayuko lang, nakapatong ang mga siko sa parehong binti at nakasabunot sa sariling buhok.
"I'm sorry. I'm really sorry. But you see, I'm not the best for you, and I don't deserve you. I think I'm still the same jerk from the beginning. Looks like… I never changed." Umiling-iling sya nang makayuko ulit.
Never changed? Nag-change ka nga eh.
Nag-change ng feelings mo para sa'kin. :'(
"Okay," finally, I managed to speak. "So hanggang dito na lang tayo?" pinilit ko ang sarili kong ngumiti para hindi ako maluha.
Kahit nasasaktan ako, ayokong umiyak. Dahil ba sa ayaw kong makita nya ang paghihirap ko? Dahil sa ayaw kong kaawaan nya 'ko? Ewan. Baka dahil natatakot akong makitang hindi sya affected sa pag-iyak ko.
Ah hinde, siguro nagtitipid lang ako ng luha. Sayang eh. Yun na lang kasi ang meron ako ngayon. Wala nang Seven. :(
"I'm really sorry."
"Wag ka nang mag-sorry. Tapusin na lang natin 'to."
Bigla akong nagising.
Panaginip.
Bakit ko kaya napanaginipan ang break up namin ni Seven? Halos limot ko na yun eh, ang tagal na rin kasi. Nawalan na rin ako ng balita sa kanya. Naputol na ang communication namin since his wedding. Akalain mong nakakamiss rin pala ang unggoy na yun? :p
:::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain:::
Pasado alas-kwatro na nang mag-decide akong umalis sa trabaho. May-ari na ako ng isang salon na nakatayo sa 5th floor ng isang business building, ang Barbin Tower.
Sumakay ako ng elevator pababa sa first floor, mag-isa lang ako noon.
"Sandali lang!" pasara na sana yung pinto nang may sumigaw na lalaki, hindi ko nakita yung mukha nya since nakayuko syang tumatakbo palapit. Mukhang nagmamadaling makasakay din ng elevator kaya pinigilan ko ang pagsara ng pinto.
Nakaabot naman yung lalaki kaya hindi ko na sya pinansin pa. Pero rinig na rinig ko ang malakas nyang paghingal habang nakayuko ng husto, nakahawak pa sya sa mga tuhod nya sa pagod sa pagtakbo. Sus kala mong hinabol ng sampung aso?
"Nga pala, salamat ha?" sabi nya kahit halata pa sa paghinga nya na hindi pa sya nakakakuha ng sapat na oxygen. Pero parang familiar sa'kin yung boses nya. Whatever!
Napatingin ako sa kanya para tumango na lang bilang sagot. Nakayuko pa rin sya habang hinahabol ang sariling hininga.
Kahit nakayuko sya't naka-side view, nakilala ko sya. Hindi ako pwedeng magkamali.
Napansin nya ang pagkatulala ko sa kanya kaya napatingin din sya sa'kin. Nabigla rin sya nang makita ako. Noon ko napatunayan sa sarili kong kakilala ko sya.
Seems like... we meet again jerk whose name is Seven!
— SUSUNDAN
mwahaha so as it turned out, ongoing pala ang fanfic na ito (ako na nahilig sa ongoing fanfics XD)
comments will be highly appreciated. salamat in advanced
BINABASA MO ANG
We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)
Fanfiction[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that their paths crossed again – now that the former is getting married and the latter already has his own family?