KABANATA IV: Guilt

21.9K 233 28
                                    

Five days. Five days na ang nakakaraan simula noong insidente sa resort nina Third. Naging maayos naman ang engagement dahil naitago ko ang nangyari. Hindi na rin nanggulo si Seven matapos 'kong tumakbo palayo sa kanya. Yun na lang ang naisip kong sagot sa kahilingan nyang balikan ko sya.

Pero nagi-guilty ako. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa dinadala kong lihim. Sa tingin ko dapat ko na talagang aminin ang lahat kay Third. Karapatan nya rin namang malaman yun eh.

Pero anong sasabihin ko? Paano ko ipapaliwanag ang mga nangyari? Maiintindihan nya ba?

Sigurado ako, naramdaman ni Seven ang pagnanasa ko noong mga oras na yon. Oo, nakaramdam ako ng pagnanasa sa kanya. Noong mga oras na yon, para bang gusto kong bumalik sa mga panahong kami pa; hiniling ko pa na sana hindi na lang kami nagkahiwalay; na sana hindi nya ako iniwanan.

Wala na akong nararamdaman kay Seven. Alam ko. Pero parang naging daan ang halik na yon para magbukas ulit ang puso ko para sa kanya.

"Annika…"

Naguguluhan talaga 'ko. May panghihinayang sa puso ko. Panghihinayang na natapos ang halik na iyon. Panghihinayang na tumakbo ako palayo sa kanya sa halip na tumakbo palayo sa iba—kasama sya. Panghihinayang na wala na kaming dalawa.

"Annika?" *snap*

"A… ha?" God, what was I saying a while ago? Kaharap ko si Third! Date namin ngayon tapos kung anu-ano ang iniisip ko!

"Are you okay? Kanina ka pang tulala dyan ah?"

"Ha? Ah.. eh.. ano eh… ma…masama kasi yung pakiramdam ko." Sabay hawak ko sa noo ko para umarte.

"Ha? Anong masakit sa'yo, may lagnat ka ba?" agad syang tumayo sa kinauupuan nya para pakiramdaman ang temperature ko. "Hindi ka naman mainit, anong masakit sa'yo?"

Pakshett. He was very much concerned about me samantalang ako, dating him while thinking about an ex who showed up and made out with me on our engagement party. Ang sama ko.

"Ha? Ahm… masakit lang yung ulo ko." Sorry Third. Sorry kung patong-patong na ang mga kasinungalingan ko.

"Ah… gusto mo ihatid na muna kita sa inyo?"

"Okay lang ba? Pasensya ka na ha? Ang dami lang kasing trabaho sa salon kaya andami ko ring iniisip."

"It's okay, I understand." Lalo akong na-guilty. Mas marami ang tinatrabaho ni Third. Mas busy syang tao kaysa sa'kin pero never syang nakalimot. Lagi syang nagbibigay ng oras sa'kin. Samantalang ako…

"Halika na, ihahatid na muna kita," nakangiting inilahad ni Third ang kamay nya sa'kin kaya inabot ko iyon. Hinatid na nga nya ako sa bahay.

The next day.

"Sure, I'll wait for you. Bye." Tinapos ko na ang tawag at binaba ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Si Third yung tumawag. Susunduin nya daw ako mamaya for dinner.

Haay!!! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Ni hindi ako makapagtrabaho kaya nakatanga lang ako dito sa loob ng office ko. Late pa 'kong pumasok. Pati yung mga VIP clients ko na may appointment sa'kin today hindi ko maasikaso ng ayos. Yung iba pa sa kanila hindi ko na naharap since ala-una na 'ko nakapasok. Nasabi ko na before, may-ari ako ng salon. Nagtatrabaho rin ako dito as a make up artist/ hair dresser sa ilang VIP clients. Kahit kasi graduate na 'ko ng Business Ad, nag-enroll pa rin ako ng short course for Cosmetology. Yun kasi ang naisipan kong gawing business noong nakaipon na 'ko pangpuhunan at ayokong maging ignorante sa sarili kong negosyo.

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon