HULING KABANATA

21.4K 315 185
                                    

HULING KABANATA

To ate Denny,

Kahit busy ka at hindi mo ito nababasa, thank you pa rin. I know that I still have your support with me so thank you very much :)))

To you and to all the people who are supporting this book up to this point, thank you very much.

Paslangin si otor kapag hindi ninyo nagustuhan ang ending. The comment box below, my inbox and my message board are welcoming death threats from now on

Game!

--------------------------

Point of View:

-ANNIKA MARIE REYES-

 

"Annika," mahigpit na hinawakan ni Third ang kamay ko. Muli akong napaharap sa kanya.

Papasok na sana ako ng bahay kung hindi nya lang ako pinigilan. I know I'm being unfair again. Matapos naming mag-usap kanina ni Seven, naging malamig na naman ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi sa sinisisi ko sa kanya ang tuluyang paghihiwalay namin ni Seven. Alam ko namang kasalanan naming pareho ang lahat at kung may kailangang magdusa sa mga kasalanan namin, iyon ay kami rin.

"I'm sorry, Third," sabay tanggal ko ng kamay nyang nakahawak sa'kin. "Pagod ako."

"I love you."

I bit my lower lip. I forced a smirk up on my face before saying, "I love you too." It was rather mechanical.

"Nikks, I love you so much."

I nodded, "I know. Sige na, gusto ko na munang magpahinga." At pumanhik na nga ako sa loob ng bahay.

Agad akong napasandal sa nakasaradong pinto. Alam kong maaaring nasa likuran pa rin ng pintong iyon si Third kaya pinilit kong manahimik. Tahimik ang naging paghikbi ko. Iyak lang ako nang iyak sa pinakamahinang kaya ko. Labis-labis pa rin ang panghihinayang ko sa lahat. Mahal na mahal ko pa rin si Seven. Pero wala na. Wala na kaming pag-asa. Iiwan na naman nya 'ko… habang panghabang-buhay ko namang itatali ang sarili ko kay Third bukas.

Masakit pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat.

:::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain:::

It was less than an hour before the wedding. Mag-isa ako sa loob ng sarili kong hotel room. Dito sa Boracay magaganap ang kasal, church wedding pero sa may tabing dagat ang reception mamaya. Nakaupo ako sa harap ng isang malaking salamin na maraming ilaw sa paligid at kaharap ang maraming make up na tapos ko nang gamitin. Hinihintay ko na lang na tawagin ako't pasakayin sa bridal car na magdadala sa'kin sa simbahan. Handang-handa na ako sa kasal, physically, that is. Pero hindi pa ata mentally, emotionally, psychologically, spiritually o anumang ally-ally yan. Sa lahat ata ng bride eh ako na ang hindi excited.

Paano ba naman kasi, may iba akong iniisip… si Seven. Tulad ng alam nating lahat, ngayon ang araw ng pag-alis nya sa bansa.

Ang daya. Why is that jerk so unfair? Pumunta ako sa kasal nya dati pero sya hindi pupunta sa kasal ko? Madaya. Sa bagay, mas maigi na sigurong wala sya rito. Baka kasi maiyak lang ulit ako.

Ang bobo ko di ba? Mahal ko pero pinakawalan ko? Ewan ko nga ba sa sarili ko. Pero siguro talagang hindi lahat ng lovestory ay nagtatapos sa happy ending. Minsan ang hirap ding mabuhay sa totoong buhay. Sana pala pelikula na lang kami o kaya kwento sa libro… pero kahit naman sa ibang kwento hindi mo rin mapipigilan ang tragic end tulad na lang ng kwento nina Romeo at Juliet. Katangahan lang kasi di ba?

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon