KABANATA I: Trapped

31.8K 347 33
                                    

sa modelo ni Annika Marie Reyes...

 Point of View:

-ANNIKA MARIE REYES-

"Annika? Annika, ikaw nga!" sabi ni Seven habang nakangiti ng malaki. "Wow, dito pa talaga tayo nagkita? Tadhana talaga oo!"

"Ahahaha," pilit na tawa ko. Medyo nao-awkward-an kasi ako sa sitwasyon namin. "Oo nga eh. Sa lahat ng lugar, dito pa tayo nagkita, hahaha—"

Biglang napatigil ako sa kaplastikan kong tawa nang...

*bugsh* ← sound effects ng elevator na biglang huminto. Namatay pati ang ilaw.

Guess what, walang bagong idea ang otor nito kaya naisipan nya kaming i-trap sa loob ng isang abnormal na elevator.

Hindi ako maka-react. Pareho pa rin ako ng dati, nababato sa kinatatayuan kapag biglang dumidilim. T_T

Naramdaman ko na lang yung kamay ni Seven na biglang humawak sa kamay ko. Ewan kung bakit pero bigla akong kumalma nang gawin nya yon. Kumportable pa rin pala ako sa kanya.

"Naaalala mo nung una tayong ma-trap sa elevator?"

Aww, naaalala nya pa yun? Oo, natrap na kami dati sa elevator. Sa isang ospital, hindi ko na maalala kung bakit kami nagpunta dun. May dinalaw ata kaming kung sino.

"Ako naaalala ko pa." Napatingin sa'kin si Seven, "Siguro hindi mo na naalala 'no?"

God, ba't biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Ano bang sinasabi nya? May dapat ba 'kong maalala?

Tumango lang ako bilang sagot, hindi ko lang sigurado kung nakita nya yun since madilim sa loob ng elevator.

Naman ang tagal na nun eh. Ano bang something significant ang maaring sabihin sa'kin ng isang walang kakwenta-kwentang mag-isip na Seven Astute para maalala ko?

Isip… isip…

Naaalala ko na! Parang may kinwento ata syang something…

 

"Na-trap na rin ako dati eh. Nung una natakot din ako." sabi nya kasi takot na takot ako nung na-trap kami sa elevator. Ang dilim eh. Saka nasa ospital kami. Mamaya mag bukas bigla yung elevator tapos makisakay sa'min yung same elevator ghost na nabasa ko dati sa True Philippine Ghost Stories."Pero ngayon hindi na. Masarap din pala ma-trap."

Kinilabutan ako sa naalala ko at halos napanganga na lang habang nakatulala sa pintong gustong-gusto ko na sanang magbukas.

"If I can turn back time, hindi na ako aalis." sabi nya na lalong nagpanginig sa kalamnan ko. Feeling ko pinagpapawisan ako ng husto.  "Sana nung nandun pa 'ko, hindi na lang ako umalis. Sana hindi ko na lang sinubukang kumawala…"

Seven… tama na.

"San ka ba nakulong dati?"

"Dati? Ang totoo nakakulong pa rin ako dun hanggang ngayon."

"Ha?" nalito naman ang utak ko sa sinabi nya.

"Ikaw kasi eh," tapos tinignan nya ako na may nakakalokong ngiti. "Kinulong mo 'ko..."

"…dyan sa puso mo." Tae.


"Annika," napatingin ako sa kanya at napansin kong nakaharap na sya sa'kin. Tapos bigla syang humakbang palapit. Ako naman napaatras nang napaatras pero dahil maliit lang yung elevator, naubusan ako ng aatrasan hanggang sa nakasandal na ako sa pader at nasa harap ko na sya.

He cornered me using one of his arms; his other hand held my chin, making me face him.

Napalunok lang ako nang maaninagan ko ang lungkot sa mga mata nyang nakatingin ng diretso sa'kin. Hinaplos nya gamit ang likod ng palad nya ang mukha ko saka hinawi ang ilang hibla ng buhok ko pabalik sa likod ng tenga ko. Yumuko sya para maging magkalevel ang mga mukha namin. Kahit kasi nakatakong na 'ko, mas matangkad pa rin sya.

Napalunok na naman ako.

"Annika," he called out again. This time, mas soft yung boses nya. Pumikit pa sya at sinandal ang noo nya sa noo ko. Ang init ng mabango nyang hiningang humahaplos sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Napapikit na lang ako.

Bumukas ang ilaw. Pareho kaming nabigla. Mukhang gumagana na ulit ang elevator.

*TING!*

Unti-unting bumukas ang pinto at kinuha ko na ang pagkakataong makalayo kay Seven. Agad akong bumaba kahit wala pa sa first floor. Di bale nang maghagdan kesa mapagtripan na naman ng unggoy na yun! Tama. Pinagtitripan lang ako ni Seven.

— SUSUNDAN 

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon