Nawala sa isip ko ang plano kong pag-amin kay Third nang maalala ko ang kwintas/ memory card ni Seven.
Sobra kasi akong na-curious sa laman niyon. Inakala ko pa dating ang laman niyon ay ang pinakatatago kong sikreto, ang tungkol sa'min ni Kirby.
I was too curious to know what's inside his memory card now. Mga pictures ko pa rin ba? Yung mga pictures namin noong kami pa? Hindi ko alam. Ayoko sanang alamin.
Pero gusto kong malaman.
Sabi nila curiosity kills the cat pero bahala na. Mamatay na kung mamamatay pero gusto kong malaman ang laman ng memory card – hopeful I was right, that he kept all our memories.
Tae. Ano bang sinasabi ko? Tss, wala 'to. Curious lang talaga ako kaya gusto kong malaman. Sakto. Ewan kung bakit pero dinala ko yung memory card nya dito sa office.
Agad kong kinuha yung laptop ko at binuksan. Kinuha ko rin kung micro memory card reader ko at agad sinaksak ang memory card ni Seven para malaman ang laman niyon.
Ayan na… binabasa na…
God, itutuloy ko ba 'to? Wag na kaya? Too late, nag-autoplay na. Nakapangalan kay Seven ang memory card.
Pagbukas ko ng card, nakita ko ang nag-iisang folder doon.
ANNIKA. All caps. Sa akin nakapangalan. Binuksan ko na ang folder.
Pictures. As expected. Walang matinong pangalan ang mga pictures, numbers lang. Naka-list view din ang mga yon kaya hindi ko pa makita ang laman, alam ko lang na pictures dahil sa format. Pinalitan ko ng thumbnails at unti-unting naging maliliit na pictures ang laman ng folder.
Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Tama ako. Mga pictures ko nga. Ito rin ang parehong mga larawang nakita ko sa memory card nya nung una ko itong makuha. I scrolled down the folder. Yung ibang pictures ay hindi na pamilyar sa'kin. Pero pictures ko pa rin. Pictures ko nung opening ng sarili kong salon. Pictures ko sa salon. Pictures ko na kasama si Third. Pictures ko sa date namin ni Third. Pictures ko sa resort nina Third pati nung engagement party namin. Random na yung iba. Pero puro pictures ko pa rin.
Pero bakit patuloy ang pagdami ng pictures ko sa memory card ni Seven?
May mga pictures na mukhang recently lang kinunan pero merong iba na masasabi kong lumang pictures na. Hindi kasing luma noong mga pinakaunang laman nito pero may ibang mga pictures na alam kong kinuha taon na ang nakakaraan. Like mga pictures ko na nag-i-stretching sa labas ng bahay, pictures ko sa pinakaunang trabahong in-apply-an ko. Pictures ko nung nag-ninang ako sa binyag ng anak ng isang kaibigan. Pictures ko nung nag-abay ako sa kasal ng isa pang kaibigan. Pictures ko sa isang company outing. Pictures ko sa isang Christmas party na hindi ko na maalala. Pictures ko sa isang Valentine concert at kung anu-ano pa.
Seven, ano ba 'to? Bakit mo pinakita sa'kin ang lahat ng ito?
Para sabihing ako pa rin?
Para patunayang hindi ka naka-get over sa'kin?
Para ipaalam na mahal—
"Stop it Annika! Wag ka assumer!" sigaw ko sa sarili ko.
"Hindi naman nagsasalita yung pictures, sa'n mo ba nakukuha yang mga kabaliwang ideya na yan? Ano 'to, umaasa ka? Kanino? Kay Seven? Girl, tapos na kayo!" baliw na kung baliw pero kailangan ko yatang isigaw sa sarili ko na wala na kami ni Seven, kailangan kong marinig mula sa sarili ko para pumasok ulit sya sa utak ko.
BINABASA MO ANG
We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)
Fanfiction[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that their paths crossed again – now that the former is getting married and the latter already has his own family?