KABANATA XV: Letting Go

15.5K 165 35
  • Dedicated kay YOU
                                    

KABANATA XV: Letting Go

BASAHIN ANG OTOR'S NOTE. PAG HINDI MO BINASA…edi hindi mo nabasa hoho, no big deal

This chapter is genuinely dedicated to YOU.

Yes, you. Sa tagalog, SA IYO. Kahit sino ka man, kahit sino ka pa, basta binabasa mo 'to, dedicated ito sayo

Actually marami talaga akong gustong bigyan ng dedics ngunit ubos na ang mga chapters (next chap will be the final chapter) kaya ganito na lang :3

Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng We Meet Again ♥♥♥

---------------------------------------

Point of View:

-CASSANDRA ROBLES- (awww, hindi na sya Mrs. Astute from now on mwahahahaha!!!!)

Iniwan akong mag-isa ni Seven sa office nya nang malaman nya ang katotohanang null and void pala ang kasal namin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi sa kanya gayung wala akong balak na aminin sa kanya ang totoo. Ang gusto ko pa nga ay maisayos namin ang lahat, ang maibalik namin ang dati naming pagsasama noong hindi pa ulit sila nagkikita ni Annika. Hindi ko naman iyon ginagawa para lang sa sarili ko eh. Para rin yun sa anak namin.

Umuwi na 'ko sa bahay. As expected, wala doon si Seven. Dalawa lang naman ang inaasahan kong abutan pag-uwi ko eh.  It's a) wala si Seven sa bahay, malamang para puntahan ang Annika nya, or b) maaabutan ko sya sa bahay na nag-iimpake, balak na kaming layasan ng anak nya.

Dumiretso ako sa guest room. Noon kasing inuuwian nya pa 'ko, doon sya natutulog. Nandun pa naman ang mga gamit nya. Somehow I felt relieved. Ibig sabihin hindi pa umaalis si Seven.

I went to my son's room. I found him sleeping peacefully on his bed. I sat beside him on his bed and started stroking his short hair. I started talking to him.

"Anak, pasensya ka na ha? Patawarin mo si Mommy. Hindi na nya kaya pang ipaglaban si daddy eh. Kahit gustuhin nya, hindi na nya kaya. Wala na syang magagawa." Agad na umangat ang mga luha ko papunta sa gilid ng mga mata ko. Lubhang napakasakit ng katotohanang wala na sa'kin ang mahal kong asawa—na kahit kailan pala'y hindi ko naman talaga naging asawa.

"Anak, mawawala na si daddy, iiwan na nya tayo." I sniffed, tears already streamed down my face. "But don't worry, andito pa naman si mommy eh. Mahal na mahal ka ni mommy, hindi ka nya iiwan tulad ng gagawing pang-iiwan sa'tin ng daddy mo. Pero wag kang magagalit kay daddy ha? Mahal ka rin naman nun eh. Si mommy lang naman—" I find it hard to continue, I almost choke on words. "Si mommy lang naman ang hindi mahal ni daddy eh. Ikaw, mahal ka nun. Mahal na mahal ka ng daddy mo."

Napahinto ako sa pagsasalita. Napatigil din ako sa paghaplos sa buhok ni Raven. Kinailangan ko kasi ang mga kamay ko para takpan ang mukha ko. Tuluyan na 'kong napahagulgol. Pasalamat na lang ako't mahimbing ang tulog ni Raven kaya't hindi sya nagising sa ginawa kong ingay.

Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Masyado akong nasasaktan. Mahal ko si Seven, kailangan ko sya. Pero wala na 'kong magagawa. I have to give him his freedom, his freedom that I stole from him for years.

I'm sorry son.

:::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain:::

Change of

Point of View:

-SEVEN ASTUTE-

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon