ansaveh ng linya ni cassandra sa chapter cover?? hahahapasensya na po kung ngayon lang ang UD.. once a week lng po tlga kc ako mag OL ehh
----------------------------
Point of View:
-CASSANDRA ASTUTE-
Sa wakas, nakaharap ko rin si Annika. Pinuntahan ko sya sa salon nya at inimbitang "magkape" sa ibang lugar. Masaya ako at pinaunlakan nya naman ang imbitasyon ko.
Matagal ko na syang gustong makausap. Matagal ko nang gustong makiusap. Alam ko ang ginagawa ng asawa ko. Hindi ako tanga. Alam kong nagkikita sila nang palihim. Alam kong nagkabalikan na sila kahit pa asawa ko na si Seven.
Ayoko ng gulo. Sa umpisa pa lang, ayoko na ng gulo. Kaya nga hindi ko hiniling kay Seven na pakasalan ako para lang mapanagutan nya ang anak namin. Sapat na sa'kin ang tanggapin at kilalanin nya ang anak nya. Pero makalipas ang ilang taon, pinakasalan nya 'ko. Sya mismo ang lumuhod sa harap ko at nagyaya sa'kin na magpakasal. Sinabi nyang mahal na nya ako at gusto nyang maging buo at maayos ang pamilya namin.
Masaya na kami. Masaya kami noong hindi pa sya bumabalik sa buhay ng asawa ko. Pero nang dumating sya, unti-unting nasira ang lahat. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag. Hindi ko hahayaang may makasira sa pamilya ko. I grew up in broken family. Bata pa lang ako nang sumama si Mommy sa ibang lalaki. Lumaki akong hindi buo ang pamilya. Mahirap. Ayokong danasin ni Raven ang hirap na pinagdaanan ko. Ayokong masira ang pamilya namin. Kaya ipaglalaban ko ang ama nya. Amin lang si Seven. Sa'min lang sya.
Annika cleared her throat and looked at me. Binaba ko sa mesa ang hawak kong tasa ng kape at nag-umpisa; "This is about your relationship with my husband."
Sumama ang tingin nya sa'kin. "Your husband?" She chuckled, shaking her head.
"Asawa ko si Seven. Kasal kami. Alam mo yan."
She took a sip of her own coffee.
Hindi ko na sya nahintay na magsalita. "Please lang, wag mo naman syang agawin sa'kin."
"Agawin? Mali ka yata? Hindi ba't ako ang inagawan mo?"
"Wala akong inaagaw sa'yo." Nagsasabi lang ako ng totoo.
"Talaga? Bakit, hindi mo ba alam na akin si Seven sa umpisa pa lang? Ikaw ang nang-agaw sa'kin. Sinira mo ang relasyon namin."
"Wala akong sinisirang relasyon. Wala rin akong inaagaw sa'yo. Matagal na kayong hiwalay bago kami kinasal."
Napasandal sya sa kinauupuan nya saka nag-cross arms, halata sa mukha ang inis. Pero parang may kung ano pa syang iniisip.
"Miss Reyes," I continued.
Right, Miss Reyes. Miss Reyes lang sya. Mrs. Astute ako. Ako ang asawa, ako ang mas may karapatan kay Seven.
"Please leave us alone."
"Ayoko." Nakatingin sya sa malayo.
"Pero—"
"Hindi ko pakakawalan si Seven, akin lang sya."
Natulala ako sa narinig ko. Ganito ba talaga ang mga kabit? Sobra sa lakas ng loob?
Humarap sya sa'kin, "Cassandra, pwede bang isoli mo na lang sa'kin si Seven? Tutal akin naman talaga sya eh. Kahit noon pa akin na sya. Kahit noong kinasal kayo, ako pa rin ang mahal nya. Sinasaktan mo lang si Seven. At ang sarili mo. Pakawalan mo na sya."
BINABASA MO ANG
We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)
أدب الهواة[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that their paths crossed again – now that the former is getting married and the latter already has his own family?