KABANATA II: For Better or For Worse

27.6K 338 56
                                    

sa unang nagbigay ng feedback sa istoryang ito...

"Aray! Dahan-dahan naman!" reklamo ko nang basta itali ng isa sa mga kidnapper ang kamay ko sa kung tama ang pagkakaaninag ko mula sa dilim eh paanan ng isang mesa.

Ay nga pala, nakidnap kasi kami ng boyfriend kong si… tawagin na lang natin syang "Third". Ang hilig ko lang sa numbers lately 'no? Hehe. Nakilala ko si Third sa airport, sa epilogue ng IMAJWNIS. Maraming nangyari, para kaming pinagtatagpo lagi ng tadhana. Naging close kami tas niligawan nya 'ko at syempre naging kami. First anniversary nga namin ngayon eh. Kaso nangyari 'to. Malas.

Anyway, yung sa kidnap thingy, ganito kasi yun:

Sinalubong ako ni Third with matching boquet ng red roses sa labas ng Barbin Tower. Sabi nya pa may pupuntahan daw kami, hindi nya sinabi kung saan, basta surprise daw. Papunta na sana kami sa kotse nyang nakaparada dun sa kabilang kalsada (bawal mag-park sa harap ng tower) nang biglang may humintong van sa harapan namin. Nung una in-ignore lang namin yun pero may apat na lalaking biglang lumabas mula doon at pinilit isama si Third sa kanila. Dahil ginusto ko silang pigilan, umawat ako sabay tawag sa attention ng guard. Sa panic nung mga maskaradong kidnappers, pati ako binitbit na nila at pilit na sinakay sa van. Dinala nila kami sa lugar na hindi ko alam matapos naming magbyahe ng hindi ko rin alam kung gaano kalayo at katagal. Sa van pa lang ginapos at piniringan na nila kami. Tinanggal na nila yung blindfold pagdating dito pero nakatali pa rin yung mga kamay namin sa likod.

"Wag na kayong magulo kung ayaw nyong masaktan. Maghintay na lang kayo ng tutubos sa inyo! Hahaha!" at narinig ko na ang hakbang ng mga kidnappers na papalayo.

"Nikks, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nasa kabilang dulo ng di-umano'y mesa nakatali si Third. 

"H-Hindi naman. Okay lang ako."

He sighed, "I'm sorry. Kung hindi dahil sa'kin hindi ka makikidnap."

"Sabihin mo, kung hindi ako nangealam, hindi ako makikidap. Kasalanan ko yun."

"Mas kasalanan ko. Hindi kita naipagtanggol eh. I'm really sorry."

"Hayaan mo na, isipin mo na lang parang paghahanda natin 'to pag kinasal tayo. For better or for worse." :)

Nag-adjust na yung mata ko sa dilim kaya nakita ko noong mapangiti si Third.

"Pakakasalan mo ba talaga 'ko pag one day nag-propose ako sa'yo?"

"Natural. Para saan pang naging boyfriend kita kung wala akong balak na makatuluyan ka sa future?"

Ngumiti lang ulit sya, "Thanks Nikks, that's the best gift ever."

Napangiti na lang din ako. He can be very sentimental sometimes.

"Annika…"

"Hmm?"

"I know this will not be the best proposal ever. At least this will be unique. I also know that you deserve more than this. Call me impatient at wala sa lugar pero hindi na talaga 'ko makapaghintay." Teka, ano bang ibig nyang sabihin?

"Wala pa sa'kin ngayon ang singsing mo pero… Annika Marie Reyes, will you marry me?"

Napanganga ako sa sobrang shock. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang nanunuyo yung lalamunan ko. Hindi ako makasagot kahit gusto kong sumigaw ng YES! YES JULIAN PROCOPIO DE SAAVEDRA III, I WILL MARRY YOU. Oo, ganyan kaganda ang totoong pangalan ni Third. The Third sya kaya Third. Ayaw nya naman ng Julian (pakibasa sa Tagalog) o Procopio dahil makaluma raw masyado. Kung JP naman, masyado raw pang-elementary. So he settled for Third which happened to be his nickname ever since he was a kid.

Kahit parang loko-lokohan lang 'tong proposal nya, since nawala na ang panunuyo ng lalamunan ko. sumagot na rin ako. "Yes Third, I will marry you."

"Ano yun?" he sounded puzzled, parang hindi makapaniwala sa narinig nya.

"Pakakasalan kita sabi ko. "

"Totoo? Seryoso?"

"Oo, seryoso." Kahit hindi seryoso 'tong proposal mo.

A few seconds after kong sumagot, bigla syang tumayo at lumapit sa'kin. Tapos kinalagan nya ako. Teka, nakatali rin sya kanina ah? Nakalagan nya sarili nya? Kewl!

"Teka… anong ginagawa mo? Baka mahuli tayo nung mga kidnappers. Tatakas ba tayo?"

"Don't worry Annika. Everything will be fine. Hindi ko nga akalaing ganito kaaga 'to matatapos eh."

"Matatapos? Ha? Ang alin?" Nakalagan na nya ang mga kamay ko.

Tapos bigla syang nag-snap.

Biglang nagliwanag sa paligid. Hindi sya super liwanag pero maliwanag pa rin. Nagkaron ng maraming puting Christmas lights sa paligid. Bigla rin kaming nagkaron ng spot light tapos may tumugtog na romantic music, may sumabog na confetti saka may parang banner na umilaw sa harap namin.

Ang nakasulat:

HAPPY ANNIVERSARY ANNIKA!

I LOVE YOU SO MUCH!

-Third

Hindi ko agad napansin yung signboard nya kanina since madilim tas yung mga letters ay gawa sa LED lights, parang fansign lang sa mga KPOP concerts.

Tulala pa ako nang tumayo si Third at tulungan akong tumayo na rin bago sya biglang lumuhod sa harap ko. Nakatanga lang ako sa ginawa nya, nakanganga sa sobrang gulat. 

"Annika Marie Reyes, I will ask you again," panimula nya. "Will you marry me?" nakahawak sya sa isa kong kamay habang hawak ng isa nya pang kamay yung singsing na may malaki at makinang na bato na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Napatakip na lang ako ng bibig, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Tumangu-tango na lang ako bilang sagot since wala talagang lumalabas sa bibig ko. 

Ngumiti si Third at saka sinuot sa palasingsingan ko ang singsing na hawak nya. Nagpalakpakan ang lahat ng naroon pagkatapos. Oo, may tao dun bukod sa'min. May audience pala kami.

Tumayo na si Third, hinawakan nya ako sa gilid ng mga balikat ko saka ako hinalikan sa noo at sinabing, "I love you Annika. I promise you'll never ever regret saying yes to me."

Tumango lang ulit ako saka pilit na bumulong dahil parang nanunuyo pa rin ang lalamunan ko, "I love you too." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko sa sobrang saya.

Ngumiti na naman sya ng maganda saka nya ako biglang binuhat tapos ay nagpaikot-ikot sya habang buhat ako. Naghiyawan lalo ang mga audience namin. Nakakahilo yung ginawa nya pero ang sarap ng feeling. Ang saya-saya ko. Nakita ko tuloy ang buong lugar at ang mga taong naroon dahil sa ginawa ni Third.

Nagulat na lang ako nang makita ko ang mga kakilala ko doon. Andun ang best friend kong si Yuri at iba ko pang mga kaibigan, pati mga staffs ng salon ko nandun. Andun din pati ang parents ni Third na masayang nanonood sa amin.

Pati ang taong pinakahindi ko inaasahang makita, nakita ko.

Ibinaba na 'ko ni Third at muling niyakap. Sinubukan kong tignan ang direksyon ng taong nakita ko kanina pero wala na sya. Hindi ko na sya makita.

Pero nandito ba talaga sya o guni-guni ko lang?

God, why does Seven seem to haunt me all of a sudden?

— SUSUNDAN

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon