Ano ba ang love? Pano ba ma-inlove? Sabi nila, ang love daw basta dumadating na lang yan sa buhay natin.
Hindi natin maiiwasan, hindi natin matatakbuhan.
Pag totoo mo daw mahal ang isang tao, wala daw rason.
Basta mahal mo lang.
Parang ang labo no?
Para sakin kasi, kung mahal mo kakayanin mo lahat para sa kanya...
pero hanggang saan?
Hanggang kelan?
Parang masarap pakinggan kung pinagmamalaki nyo ang isa't isa.
Yung feeling na ang swerte nyo sa isa't isa.
Yung gagawin nyo ang lahat para sa isa't isa.
Yung hindi kayo magsasawa magpatawad, magmahal at umunawa.
May ganon pa bang pagmamahal?
Yung masaya lang kayo.
Yung kung magaway man kayo, kaya nyong lagpasan kasi nagtutulungan kayo.
Ngayon kasi parang puro na lang WALANG LABEL ang tema.
Yung tipong may umaasa at may nag papaasa, may nanloloko at may nagpapaloko, yung hindi sigurado ang lahat. mga galawang hindi pa ready. TAGUAN NG FEELINGS... hanggang sa... wala rin kayong pinagtapusan.
Ikaw ba? Biktima ka rin ba ng WALANG LABEL?
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Salitang "Tayo"?
RomansaNLR o No Label Relationship Biktima ka rin ba ng No Label Relationship? Share mo story mo! Just leave a comment anywhere in this story! :-) Bakit nga ba may mga taong mas pinipiling maging single na lang? May pag asa pa bang maging kayo ng ka NLR m...