Katherine POV
Nandito ako ngayon sa bahay nila Kylie, Pero ngayon nasa labas ako ng bahay nila, tintignan ko sila na naglalambingan. nakilala ko na si Tita Marissa, She's Charming and adorable. I like her. Sana ganyan ang mama ko. Siguro kaya ako nag karoon ng--------
"Bebs okay ka lang ba?" Tanong sakin ng Bestfriend ko.
"Oo naman" nginitian ko siya, para di na siya mag alala sa akin. Yumakap ako sa kanyang braso " I like your mom, She's my ideal mom." I said.
"Yeah, I like her too, but how bout your mom? Where is she?"
"Bebs, asan si tita? Let's go puntahan natin, baka hinahanap na biya tayo" iwas ko sa tanong niya, nauna kong pumasok sa Bahay nila.
Kylie POV
Tinignan ko ang palayong si Kath, she avoid my question. Anong kwento sa kanila ng mom niya? I want to know. I feel sad to her. I know na may problema siya tungkol sa mama niya. Sumunod na ko sa loob at nakita ko siyang nakakipag kwentuhan at tawanan kay mama.
"Alam mo ija gusto kita sa anak ko bilang kaibigan niya, yan kasing bata niyang mapihikan pagdating sa mga kaibigan" galak na kwento ni mama. Natutuwa ako sa kanilang dalawa.
"Hahahaha talaga tita? Swerte ko naman pala kung ganun" Masaya na ko na masaya ang bestfriend ko. Napangiti tuloy ako.
"Hay nako ija, Call me Mama nalang. Kaibigan ka naman ng anak ko. Kaya yun nalang ang itawag mo sakin." Nagulat naman si Kath sa sinabi ni mama, pero kalaunan ngumiti din siya na parang nahihiya.
"S-sure po ba k-kayo ti--ma-ma?"
"Oo naman " niyakap niya si katherine, Nakita ko ang nanunubig na mata ni kath, pero agad niya itong pinunasan. Nakiyakap na din ako sa kanilang dalawa.
"Yehey, para tayong isang pamilya." Sabi ko sa kanila. Nginitian ako ni kath. At sinabing thank you.
"Ti--- este mama, maraming salamat po dahil tinanggap niyo po ako sa bahay niyo, mauna na po ako." Paalam niya kay mama.
"Ano ka ba ija, your my daughter na, kaya okay lang, o sha gabi na, mag ingat ka ah, Anak hatid mo na tong kaibigan mo" Humalik si mama kay kath at pumasok na sa loob ng bahay.
"Bebs thank you ah, dahil dinala mo ko sa bahay niyo" niyakap niya ko.
"Ano ka ba bebs, syempre kaibigan kita kaya natural lang yun" niyakap ko din siya pabalik.
"Ang saya ko talaga ngayong araw. I feel complete" napangiti ako dun.
"Me too, oh sha. Uwe na kita nalang tayo bukas, mag ingat ka ah, wag kang dumaan sa mga liblib. Tsaka text me if your home na. " i said to her.
"Aja maam!" Sabay apir sakin.
"Sira, ge babyee bebsss"
"Bye"
Pumasok ako sa bahay namin at nandun si mama sa sala. Kaya tumabi ako sa kanya.
"Anak, may problema ba si kath? Sa pamlya niya?" Sabi ko na nga nararamdaman din ni mama yun. Sa kanya ko siguro naman ang ganung pakiramdam.
"I don't know ma, kanina nagtanong ako sa kanya about her mom, but she avoid the topic, I think she's no t ready to tell me." Maghihintay nalang ako na sasabihin niya sakin ng kusa.
"Hayst kawawa naman ang batang yun, o sha umakyat ka na maglinis kana ng makapagpahinga ka na, maaga ka pa bukas" kiniss ko si mama sa pisngi at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo, tinignan ko ang cellphone ko kung may text na si bebs pero wala parin.
I'll text her.TO: BEBS👭❤
Bebs? Nakauwe ka na ba sainyo? Di ka nag tetxt ah.
Sent.
Pero ilang minuto pa wala pa kong matanggap na mensahe galing sa kanya. Nag miss call ako pero di pa din siya nag sasagot. Hayst baka nakatulog na yun. Talagang babae na yun. Lagot ka sakin bukas Katherine.