BESTFRIEND

244 8 1
                                    

Continuesss...

Naninibago ako sa bagong bahay namin. I think sa una lang ito. Masaaanay din ako. Tama lang ang sukat niya, para samin ni mama. May Tatlong kwarto sa taas. Malinis siya, at pwede na ito.

"Anak ilagay mo na yang gamit mo sa taas, okay na ba sa iyo to? Alam ko hindi to tulad ng bahay natin, pero hayaan mo hahanap ako ng mas maganda dito".

"Mama ano ka ba, okay na po sakin ito, ikaw nga po ang inaalala ko diya eh, kumportable ka ba dito" niyakap ko si mama sa likod.

"As long na kasama kita anak, okay ako kahit saan" emotional na sabi niya.

"Hay ma!" Kumalas ako sa kanya at humarap, "wag ka ngang madrama ayan ka nanaman eh, kelangan masaya ka, kasi magkasama tayo" ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Maswerte ako dahil may anak ako na katulad mo, Mahal na mahal ka ni mama, tandaan mo yan"

"Mahal na mahal na mahal din kita mama"

Naiiyak nanaman ako ng maisip ko ang nangyari samin.
Napaupo ako sa semento ng matamaan ako ng bola ng Volleyball.

"Aray!"

"Nako miss pasensya ka na, Halika dadalhin kita sa Clinic" sabi sakin ng babaeng tumulong sa akin. Pagdating namin sa clinic meron nag alalay sa kanya upang dalhin ako sa Bed.

"Ate patulungan naman po siya, natamaan po siya ng bola eh" ginamot na ko ng nurse hindi naman na sumasakit ang ulo ko, pero medyo nahihilo pa ako.

"Kamusta kana? Okay ka na ba? " Tanong sakin nung babaeng tumulong sakin kanina. Akala ko umalis na siya isang oras din akong ginamot dito.

"Umm okay lang ako, medyo nahihilo lang." Nginitian ko siya.

"Hayst salamat akala ko napuruhan ka, sorry talaga ah. ", hinging paumanhin niya ulit.

"Nako! Okay na talaga ako. " ngumiti siya sakin.

"Ah ! By the way Im Katherine, and you? "

"Kylie"

"Oh ! Nice name." Puri niya sa pangalan ko.

Pag uwe ko sa bahay nakita ko si mama naghahanda ng aming gabihan.

"Mama, namiss kita" at yumapos ako sa kanya" tumawa si mama.

"Hay nako anak, ilang oras lang di tayo nagkita"

"Eh namiss kita ma eh" ngumuso ako sa kanya, natawa nanaman siya sa ginawa ko. Ang saya ko kasi ngumingiti si mama sa kabila ng pagsubok na naranasan namin. Alam ko na lahat ng ito ay may dahilan.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ko sa aking silid at nagmuni muni. Naalala ko yung babae kanina, What her name again? Kathleen? Karth? Kathe.. Oh katherine. Ang ganda at ang bait niya. Hindi ako lesbian, nagandahan lang ako sa kanya at dahil may taglay siyang kabaitan.

Kinabukasan maaga akong pumasok, di na ko dumaan ng fields baka matamaan nanaman ako, na trauma na ata ako. Dahil maaga pa ko umupo muna ko sa bench at nag nakinig ng musika. Nagulat ako ng may naghablot ng headset ko sa kabila, nang nagmulat ako nakalagay na sa kanya ang isang headset.

"Oh, ba't ka nakatingin? Favorite mo din ba yomg kanta? Ako ito ang favorite ko eh" kinanta niya pa yung chorus.

"Umm Oo, araw araw ko nga tong pinatutogtog, wala na ata akong sawa" Tumawa siya.

"Ang aga mo ata ngayon?"

"Naaga akong nagising eh, tsaka nasa mood ako para maagang pumasok" anya ko. "Ikaw ba't ang aga mo? Ano bang grade mo na?"

"Punish kasi sakin to, kasi nga di ako naka attend nung practice namin kahapon, nasa
Ika-apat na kong baitang" nakonsensya naman ako sa una niyang sinabi.

"Dahil ba sakin, kaya di ka naka attend ng practice niyo? " malungkod kong saad

" Ano ka ba, okay lang yun di naman ito ang una kong napagalitan, hahahaha"

"Sorry parin, tsaka salamat ulit kahapon"

Nasa loob na ako ng classroom, at hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang guro namin. Dahil transferee ako wala pa kong makausap kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagtingin tingin sa labas ng bintana.

"Hey kiddo" sabay upo niya sa tabi ko. "Hindi ka ba marunong magsalita?" Sabi niya ulit

"A-ako b-ba?" Bigla siyang tumingin sakin, at kumunot noo.

"Oo hahahaha, meron pa bang iba? Ikaw lang naman ang nakaupo diyan"

"Pasensya na" tumingin ulit ako sa labas ng bintana, sakto naman at nakita ko si katherine. Naglalaro na siya ngayon siguro natapos na yung punishment niya.

"Ano tinitignan mo diyan" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita at inagawan ako ng pwesto sa bintana. "Ummm wala naman"

"Napapansin ko ay tila kanina ka pa nakatingin sa babaeng yun?" Tinuro niya si katherine.

"Ano kasi, ang galing niyang maglaro ng volleyball" sabay kamot ko ng ulo.

"Isa siyang varsity player sa buong school na ito, pinakamagaling din captain nga siya eh, pero nabalitaan ko kanina na Parusahan nanaman siya, matigas din kasi ulo niyan eh, Tsk!" Kasalanan ko kaya siya napagalitan. Teka parang kanina pa to, hindi ko man alam ang kanyang pangalan pero, kanina pa ko kinakausap.

"Mister, ano bang pangalan mo?" Tanong lo sa kanya.

"Tsk, ikaw din ba? May gusto ka sakin no? Kaya gusto mo malaman pangalan ko, hay mga babae nga naman ngayon sila na ang unang lumalapit sa lalaki, alam mo---- Aray!" Nabatukan ko siya ng pagkamalakas, ang hangin ba naman.

"Mister, di porket gusto ko malaman pangalan mo eh gusto na kita, kaya ko lang tinanong dahil, kanina mo pa ko kinakausap."

"Hayst" tugon niya lang at lumabas ng silid namin. Ang gulo nun grabe, ano ba ang mga tao dito.

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon