BESTFRIEND

155 5 0
                                    

Sunday ngayon, kagagaling lang namin mag samba ni mama. I'm feeling bless. I love this feeling. Hmmmm. Nauna ng umuwi si mama, pinabibili niya ko ng uulamin namin para sa hapunan.

"Ate magkano po yung Baboy, kalahati lang po" naisipan ko na sinigang nalang ang ulamin namin.

"100 yan ganda, bili ka na fresh pa yan" tugon ni ate sakin. Pagkatapos kong mamili, naglakad na ko pauwe. Habang nasa paliko na ko may nakita akong babae na nakaupo sa bangketa. Nagulat ako ng nakita ko si Katherine. She looks pale. Sobrang putla niya. Tutulungan ko na sana siya ng may lumapit sa kanyang lalaki. Familiar yung lalaki, pero hindi ko agad ito namukhaan.

Kinabukasan, hindi ako makatulog dahil kakaisip kung anong nagyari kay katherine, nag aalala ako sa kanya. Lumiko ako sa pasilyo padaan sa aming classroom ng nagka salubong kaming dalawa. Medyo putla parin siya pero hindi na katulad kahapon.

" Hi Kylie " masiglang bati niya sa akin.

" Hi kath, okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya, pero bigla siyang nagulat sa tanong ko, na para bang nagtataka.

"Huh? Anong ibig sabihin mo Kylie?" Bad mouth oo nga pa di niya ko nakita kahapon.

"Ahh eh.... Ang ibig kong sabihin, okay ka na ba kasi naka pag practice ka na" nginitian ko siya.

"Oo naman, hahahaha sabi ko sayo wala lang yun eh..... Ay eh ! Kylie? Pwede ba kong maghingi ng pabor sayo? Nangunot noo ako sa tanong niya.

"Ummmm.. Ano yon?"

"Ikaw ba yung tipo ng tao na mapag sasabihan ng sikreto? Yung masasandalan ko? Yung iiyak ako dadamayan mo ko? Gusto ko kasi ng kaibigan na totoo. Na hindi ako iiwan hanggang dulo" malungkot niyang saad, naawa naman ako sa kanya. Sino ba naman ako para tumanggi? Siya na humiling sa akin bilang kaibigan ko. Napangiti ako.

"Ibig mong sabihin gusto mo ko maging kaibigan? Bestfriend? " masaya kong wika sa kanya.

"Oo ganun na nga. Kung pwede lang?" Nahihiya niyang sagot sa akin.

"Oo naman, pero bakit ako ang naisipan mong maging kaibigan?"

"Well, when I first saw you, I feel like I'm happy with you." Sabay angko niya sa akin mga braso.

"From now on, both of us will be bestfriends." Sabi ko, ang saya ng araw na ito, parang nakalimutan ko lahat ng mga problema ko sa pamilya ko. I'm feeling complete again. Thank you God! ❤

----------------
Short ud po ulit ❤

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon