Chapter 1

1.7K 23 1
                                    

NAGMAMADALING iniligpit ni Yuki ang kanyang mga gamit nang marinig ang bell hudyat na tapos na ang kanilang klase. She was on her third year in college, taking up Mass Communication. She had always dreamed of being a news reporter. Bata pa lamang ay nagpa-praktis na siya sa harap ng salamin. How news reporters talk and what they talked about.
“Hi, Yuki,” nakangiting bati sa kanya ni Jeff nang makalabas siya ng kanilang classroom.
Isa ito sa mga makakapal ang mukha na manliligaw niya kuno. Matagal na niyang gustong itaboy ito, kaya lang dala ng kagandahang asal ay hindi niya magawa. Ahead ito ng one year sa kanya, engineering student, at varsity player sa football. Everyone thought that she was a lucky girl to have his attention. Kung alam lang ng mga ito na gabi-gabi niyang ipinagdadasal na tantanan na siya nito. The guy was just so annoying! Napakayabang nito. Kung makapangmaliit ng kapwa ay tila hindi ito tao. Kunsabagay, nagdududa na nga siya kung tao nga ba talaga ito.
She shook her head inwardly and composed herself. Ayaw niyang pakitaan ito ng masama. In fact, ayaw niyang kausapin ito. She would just waste her precious time and effort talking to him.
“'Need a ride? Dala ko ngayon ang pajero ko,” pagyayabang nito.
“No, thanks,” matipid niyang sagot bago ito nilampasan. Ano naman ang pakialam niya kung may pajero ito? Was he expecting her to jump on him because of his freaking car?
Asa ka, tsong!
“Bakit naman? You’re always turning down my offer,” reklamo nito.
Pasimple niyang iniikot ang mga mata. She let out a sigh. Bakit ba kasi hindi na lang siya nito tantanan? Ang dami namang babaeng nahuhumaling rito, kaya bakit siya pa ang napili nitong buligligin sa araw-araw ng existence nito?
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Then why don’t you quit offering me anything? In that case, I won’t be able to turn you down,” nakangiting sambit niya.
Sana lang ay makahalata na ito na wala talaga siyang kahit na kaunting interes dito. Kahit na ipamukha pa nito sa kanya ang kayamanan nito.
“Bakit ba ayaw mo sa'kin? I’m rich, handsome and popular. What’s not to like?” tila hindi ito makapaniwala na may isang babae na hindi ito gusto.
Napailing siya. Egoistic bastard, she almost muttered the word.
“I just don’t like you. Get over it,” aniya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Malapit na sila sa corridor kung saan wala ng masyadong tao nang bigla nitong haklitin ang braso niya. Napangiwi siya nang makaramdam ng sakit.
“What the hell is your problem? Get off me!” malakas na sabi niya habang pilit na kinakalas ang kamay nito sa braso niya.
“You don’t get to choose, Yuki. Sa'kin ka pa rin babagsak kaya huwag ka ng magpakipot,” nakangising wika nito.
Darn! He looked like a devil that rose up from hell. Nakakapangilabot ang mukha nito.
She took all her might to get out of his grip, but unfortunately, he was stronger than her. He grabbed his other arm and pushed her against the wall, leaving her immobile.
“Get your hands off me, Jeff,” may-halong pagbabanta ang tinig niya. She had to stay tough, even if her insides were starting to cry for help. Nasaan na ba ang mga kapwa niya estudyante kung kailan kailangan niya ang mga ito?
She looked around, and still no one was there.
“Or what, Yuki?”
“Or I’ll kick your ass.”
Sabay pa silang napalingon ni Jeff nang marinig ang baritonong boses hindi kalayuan sa kanila. Nakasalampak ng upo ang isang lalaki sa sahig habang hawak nito ang isang libro. Noong una, akala niya ay hindi ito ang nagsalita dahil mukhang may sarili itong mundo sa binabasa nito. But when she looked around and found no one other than him, nasiguro niyang ito nga ang nagmamay-ari ng boses na narinig nila.
He wore his uniform untidy and ruggedly. His long curly hair was a mess, and his voice was dangerous. Hindi nga lang niya makita ang mukha nito dahil bahagya itong nakayuko.
“Who are you?” kunot-noong tanong ni Jeff dito.
“No one,” he shrugged.
“Huh! A nobody. Then you better back off. Hindi mo alam kung sino ang iniistorbo mo,” anang lalaking may hawak pa rin sa kanya.
The other guy looked up to them, and she almost gasped when she saw his face. He was darn beautiful. Hindi niya akalain na posible palang maging maganda ang isang lalaki. His deep-set eyes, which currently fixed at her direction. His perfect nose and well-curved lips. Sino ang lalaking ito? Bakit ngayon niya lang yata nalaman ang existence nito? Estudyante rin kaya ito sa unibersidad nila? Saang kuweba ba ito nagtatago at ngayon niya lang ito nakita?
Dumagsa ang mga katanungan sa isip niya. Tila bigla niyang nakalimutan na kasalukuyan siyang nasa kamay ng isang manyak.
“I’m scared,” pagkuwa’y sabi ng binata. Pero mukhang hindi naman talaga iyon totoo dahil hindi man lang kakikitaan ng kaunting takot ang anyo nito.
Sa wakas ay binitiwan siya ni Jeff. Hinarap nito ang lalaking bigla na lamang nang-istorbo sa pangha-harass nito sa kanya. Speaking of harrassment, sisiguruhin niyang malalaman ng kanilang dean ang ginawa nito sa kanya.
“Ano ba ang problema mo? Bakit ka nangingialam?” sita ng huli. Mukhang handa na itong sumugod sa laban, habang ang katunggali naman nito ay kampante pa ring nakasandal sa pader.
“Hindi ka dapat namimilit ng babae, pare. Ganyang marami namang naghahabol sa'yo, hayaan mo na si Miss Ganda na makaalis sa mga galamay mo,” turan nito at saka siya tinapunan ng tingin. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha sa uri ng titig na ibinigay nito sa kanya. Darn his beautiful eyes for making her uncomfortable!
“What do you even care? Wala kang karapatan dito,” nagtatagis ang mga bagang na wika ni Jeff.
“Well, for one, pinapahalagahan ko lang ang akin,” balewalang sagot ng estranghero.
Napamulagat siya. What was he talking about? Kahit si Jeff ay mukhang nagulat din dahil saglit siya nitong nilingon bago binalingang muli ang lalaki.
“Ambisyoso ka rin pala, eh. Hindi ka magugustuhan ni Yuki,” patuyang sambit nito.
“Much to your dismay, she already did. 'Di ba, Yum?” A small smile curved in his lips and she was immediately out of her wits. Hindi niya maintindihan kung ano’ng nangyayari sa kanya. She didn’t even notice that she was already nodding, totally agreeing to what he just said.
“See? So, you better back off,” may bawat diin sa bawat salitang sinasabi nito.
Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Jeff sa kanilang dalawa.
"Whatever. You are not even worth it," sambit ng antipatikong Jeff bago ito walang paalam na umalis. Sa wakas, sumuko rin ito sa kanya. Sana naman ay huwag na nitong maisipan pang kulitin siya.
“Don’t worry about it. Hindi na uulit 'yon,” suwabeng sabi ng binatang nagligtas sa kanya.
She turned at him and their gazes met once again. And for the first time in her nineteen years of existence, she felt her heart skipped a beat.
“T-thanks,” nauutal na sabi niya.
“Sure, Yum,” he said coolly.
Yum... Iyon ang unang beses na may tumawag sa kanya na ibang pangalan. Yumeirah Kisses Barcelona ang buong pangalan niya. Nakasanayan na niyang Yuki ang tinatawag ng mga kaibigan at kaklase niya sa kanya. Pero bakit parang mas maganda yatang pakinggan ang pet name na ibinigay nito? It made her heart flutter in a violent rage.
She should go. Yes, she definitely had to leave him alone. Hindi niya ito kilala at base sa pag-assess niya rito ay mukhang delikado itong tao. She wouldn’t like messing with him. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi naman niya mautusan ang mga paang maglakad. Tila biglang naging bakal sa sobrang bigat ng kanyang paa na hindi man lang niya maiangat iyon.
Jeez, get a grip of yourself, Yuki.
Nang sa wakas ay magkaroon siya ng lakas para umalis sa harap nito ay saka naman niya naalala ang sinabi nito kanina. She stopped on her tracks and turned around. At dahil nakatingin pa rin pala ito sa kanya ay muli na namang nagkasalubong ang mga tingin nilang dalawa. His gaze lingered to her soul like she was taken in just a heartbeat.
“I...” Ano na nga ulit ang sasabihin niya?
“You?”
“I-I didn’t know someone owns me,” sa wakas ay sabi niya. Gusto na naman niyang pamulahan ng mukha nang bumakas ang gulat sa mga mata nito. Syemay. This was surely the most embarrassing moment of her life.
“And now that you do, pagbabawalan mo ba ako?” pakuwa'y tanong nito imbes na sagutin ang sinabi niya. Was he really serious about what he said? Hindi ba nito sinabi iyon para lang mapaalis si Jeff kanina? Talaga bang inaangkin siya nito sa paraang hindi niya alam kung paano?
“Will you?” puno ng pag-aalangan ang tinig niya.
“Will I what?”
“Will you stop if I said yes?”
Mataman siya nitong tiningnan bago ito mabagal na ngumiti. “Stop from owning you? No,” tugon nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti. It was stupidly insane. Dapat ay makaramdam siya ng takot dito. She didn’t even know him. He just popped out of the blue. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito. But why the hell she wasn’t feeling like being scared? Bagkus ay nakakaramdam pa siya ng ibayong saya sa bawat salitang lumalabas sa mga labi nito.
“You want to sit down? Frankly speaking, kanina pa sumasakit ang batok ko sa kakatingala sa inyong dalawa ng kasama mo,” pagkuwa’y sabi nito.
Napasimangot siya. “Hindi ko siya kasama,” aniya pero pinaunlakan na rin ang imbitasyon nito. She sat down few meters away from him. Kahit na may pakiramdam siyang wala itong masamang gagawin sa kanya ay kailangan niyang makasiguro.
The guy scoffed at her. “Wala akong gagawin sa'yo, Miss Ganda,” turan nito.
“I know,” aniya.
Tumaas ang isang kilay nito. Amusement was now visible in his eyes. “You do?”
Tumango siya, at bilang patunay ay umisod siya palapit dito.
“I’m Yuki,” pagkuwa’y pakilala niya rito sabay abot ng kanyang kamay. Pagkatapos ng pagkakaligtas nito sa kanya, nararapat lang naman siguro na magpakilala siya. Aside from the fact that she wanted to know his name also.
Tiningnan muna nito ang nakalahad niyang kamay. And for some unknown reason, she saw his expression darkened. Bakit parang bigla itong nagalit? Gusto lang naman sana niyang makilala ito.
Then in one swift move, he took her hand and gently caressed it.
She gasped. Umangat ang tingin nito sa kanya, and the grim expression on his face was suddenly gone.
“The next time you saw Andrada come running into you, run away as fast as you can, okay?” he said pertaining to Jeff.
“Okay,” mahinang wika niya. So, that was the frim expression all about. He remembered Jeff tugging her arm.
“Good. I’m Stone.”
“Huh?”
“My name is Stone,” nakangiting pakilala nito sa kanya.
“Oh.” Tanging iyon lamang ang nasabi niya. Hindi niya inaasahan na ganoon ang pangalan nito. She wondered if he was actually like his name. Kung pagbabasehan ang anyo nito, he looked like a bad boy who has a gang outside waiting for him. Mukhang matigas rin ang ulo nito at tila walang pakialam sa mundo. If it’s true, then why did he interrupt Jeff from harming her?
Lumingon siya sa direksiyon nito nang marinig ang mahinang pagbuga nito ng hangin. He was trying to get rid of his hair on his forehead. Hindi na naman niya napigilang mapangiti sa nakikitang anyo nito. Para itong bata na iniisip kung paano aalisin ang sagabal na buhok sa noo nito, nang hindi ginagamit ang mga kamay.
Kinuha niya ang bag sa kanyang tabi at hinalungkat ang mga gamit niya. When she found what she was looking for, she handed it to him.
“Here,” inabot niya rito ang kanyang suklay.
Niyuko nito iyon pero hindi naman kinuha sa kamay niya.
“I don’t comb my hair,” anito.
“Then who does?” inosenteng tanong niya.
He chuckled. “Sekreto,” naaaliw na sambit nito na ikinaingos naman niya. Kung may isang bagay man siyang napansin dito bukod sa “intimidating look” nito, iyon ay hindi ito madamot sa mga ngiti nito. At habang tumatagal ang pagtingin niya rito ay lalo lamang niya napapagtanto kung gaano kaguwapo ito.
She almost sighed dreamily. “Y-you want me to comb your hair?” she asked out of nowhere.
He was stunned for a moment but then he smiled afterwards. “You really amaze me, Yum,” napapailing na turan nito bago tumalikod sa kanya. Nakuha kaagad niya ang ibig sabihin niyon. He was actually letting her comb his hair. And she intended to do it also. Geez, unang beses iyon na nagsuklay siya ng buhok ng isang estranghero, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nae-excite siyang gawin iyon rito. Kung malalaman iyon ng mga magulang niya, siguradong walang katapusang sermon ang makukuha niya at isang buwang grounded for penalty.
Lumuhod siya sa bandang likuran nito at sinimulang suklayin ang buhok nito. His hair was soft and smooth. Kung hindi ito nagsusuklay, dapat ay hindi ganoon kalambot ang buhok nito. O, baka naman talagang ibang tao lang ang nagsusuklay para rito? Was it his mother? His little sister or... his girlfriend?
Bigla siyang tumigil sa ginagawa. Takte! Bakit hindi man lang niya naisip na baka may girlfriend na ito? Mukha lang naman itong gusgusin pero guwapo ito. Siguradong may nobya na ito. The thought squeezed her heart a little.
Ngunit ano nga ba naman ang pakialam niya? Wala pang isang oras silang magkakilala kaya bakit naman siya maaapektuhan na parang daig pa niya ang kinaliwa?
Napabuntong-hininga siya na ikinalingon nito. Their faces were just an inch away from each other.
“Are you okay?” his breath fanning her face.
Napalunok siya. Jusmio! Santisima! “Y-yeah. Talikod na ulit,” bahagya niya itong itinulak patalikod sa kanya pero hindi man lang ito natinag.
“Are you sure?” mabining tanong nito.
She nodded. “I’m sure, po. Now, turn around.” Saglit pa muna siya nitong tinitigan bago sinunod ang utos niya.
Hindi niya akalaing minsan sa buhay niya ay makakaramdam siya ng ganoon. Like she was being drifted away from her body. Drowning her from too much emotion. Was she already in love with this guy whose name was as hard as stone?
“You think too much, Yum. Let it go,” narinig niyang wika nito. What now? Marunong rin ba itong magbasa ng iniisip ng ibang tao?
Lumingon itong muli sa kanya at ngumiti. “You’re too young to suffer the world’s problem. Don’t overdo it. Mangyayari ang dapat mangyari,” anito at saka tumalikod ulit.
Hmm... He was actually right. Bahala na si Batman sa kung anuman ang mangyayari sa hinaharap. Right now, she would just enjoy combing his soft curly hair. Saka na muna ang love issues na iyan.

Playing With ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon