CHAPTER SEVEN
PAGKATAPOS ng ilang minutong biyahe ay nakarating din sila ni Yuki sa condo unit ni Jester. Naligo muna siya at nagbihis ng pinahiram nitong damit. Fortunately, it was a woman’s clothing, but bad for her brain, because it kept on racking of whom might be the owner of those clothes she was wearing right now. Inabutan siya nito nang isang tasa ng mainit na kape pagkalabas niya ng kuwarto nito bago ito nagpaalam para maligo.
Pasimple niyang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan nito. His place was simple and cozy. Walang masyadong mamahaling kagamitan, bukod sa mga appliances nito at nakasabit na mga paintings. Ngunit ang talagang nakaagaw ng pansin niya ay ang kusina nito. It was one hell of a kitchen. Kumpleto sa kagamitan at halatang hindi iyon kung san basta-basta lang binili. They were expensive and with good quality. Kahit ordinaryong bisita ka ng binata ay malalaman na kaagad na ang paborito nitong tambayan at ang ikinabubuhay nito mismo ay ang parte ng bahay na iyon.
She was glad. Hindi naman pala nasayang ang ginawa niyang pagsasakripisyo para rito. Ang lahat ng galit na natanggap niya galing sa binata. The pain that almost tore her heart apart. At least, alam na niya ngayon na tama ang naging desisyon niya. Only, she was still suffering from the guilt that she had done.
Mula sa hinihigop na kape ay lumipad ang tingin niya sa binata nang pumasok ito sa bukana ng kusina. His hair was still damp. He smelled like clean and very manly. Naalala niya tuloy kanina nang itakip niya sa katawan ang uniform nito. Kaagad na nanuot sa ilong niya ang pinaghalong cologne nito at ang natural na amoy nito mismo. And she realized that nothing had changed. Kahit na ang amoy nito na lagi niyang sinisinghot kapag yakap-yakap siya nito dati ay ganoon pa rin.
“Finish your cup and I’ll ride you home,” wika nito pagkuwan at saka dumeretso sa ref at kumuha ng maiinom.
He was still as gorgeous as ever. Kung may nagbago man dito, iyon ay ang mas lalo itong gumuwapo. Lumaki rin ang katawan nito, ngunit hindi iyong tipo na katulad ng mga body builders. Just enough muscles to make women drool over his body. Tough masculinity.
“Gusto mong manood ng TV habang nagkakape?” maya-maya pa ay tanong nito.
She was taken aback when he suddenly shifted his eyes to her. God, those damn beautiful eyes. Ang mga mata nito na minsan niya ring pinangarap na matitigan sa bawat paggising niya sa umaga. She knew it would never happen in the future. Oh well, only a lady could hope. Kahit na idikit pa niya sa kanyang noo na bawal ang ginagawa niya, hindi pa rin niya maiwasang umasa.
Marahan siyang tumango rito at saka sinundan ito sa sala. Pinaandar nito ang flat screen TV. Muntik na siyang mapangiti nang i-switch nito sa cartoons ang palabas. He knew how much she enjoyed watching cartoons. Pumuwesto ito sa kaibayong upuan kaharap niya at saka nagsimula na ring manood. Habang abala ito sa palabas ay hindi naman niya maiwasan ang sariling tapunan ito ng tingin minu-minuto. It’s just so unbelievable to be with Jester again. Kahit na matagal silang hindi nagkita ay napaka-pamilyar pa rin ng presensiya nito sa kanya.
“Staring is rude,” sambit nito pagkuwan habang nasa pinapanood pa rin ang tingin nito.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya. “'Sorry,” mahinang sambit niya at mabilis na itinuon ang mga mata sa telebisyon. Pinilit na lamang niyang huwag lumingon sa direksiyon ni Jester at baka tuluyan na itong maasar sa kanya. Maya-maya lang ay sumasabay na ang tawa niya sa volume ng palabas. Kahit ang binata ay hindi rin naiwasang matawa sa kalokohan nina Spongebob at Patrick. Kahit sabihin pa ng karamihan na napaka-nonsense ng pinapanood nila, pero minsan ang pagiging nonsense pa ang nakakapagpasaya sa isang tao.
Naubos na niya ang kape at nagsisimula na siyang humikab nang maalala niyang kailangan pa pala niyang umuwi! Masyado siyang nag-enjoy sa panonood na hindi na niya napansin ang oras.
Binalingan niya si Jester para sana magpaalam ngunit kahit ito ay napapapikit na rin sa puwesto nito. Mukhang pagod ito mula sa trabaho. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang magpahatid dito. Alangan namang doon siya matulog? Mukhang hindi naman tama iyon.
Tumikhim siya. Mabagal itong nag-angat ng ulo at namumungay ang mga matang tiningnan siya. Tila nakalimutan na nito na ihahatid pa siya nito sa apartment niya.
“Ihahatid mo pa ba ako?” alanganing tanong niya rito.
Napakurap ito bago mahinang nagmura. “'Sorry, I totally forgot,” nagmamadaling tumayo ito na kamuntik pa nitong itumba.
Napakagat-labi siya. Mukhang inaantok na talaga ito. Mamaya niyan ay maaksidente pa sila sa daan kapag bigla itong naka-idlip sa pagmamaneho.
She heaved a deep sigh. “Can I stay for a night?” lakas-loob na tanong niya rito. Siguro kung ipagtatayo man siya ng rebulto, malamang nakalagay dun ang pagiging makapal ng mukha niya.
Natigil ito sa paglalakad at maang na tumingin sa kanya. Ilang minuto itong hindi umimik kaya akala niya ay hindi ito papayag sa pabor niya. Unti-unti na rin siyang nilalamon ng hiya habang nag-aabang sa desisyon nito. Bakit nga naman siya nito papatulugin doon, eh, hindi naman sila magkaibigan na dalawa? They were not even talking like normal people do. Kaya laking gulat niya nang tumango ito at sumang-ayon sa kanya.
“Actually, that’s a great idea. Parang binugbog ang katawan ko sa trabaho ngayong araw na 'to. You can stay in my room,” pagkuwa'y saad nito.
Mabilis siyang umiling. “Dito na lang ako sa sofa,” tanggi niya.
“No. Doon ka na sa kuwarto ko at ako na rito.”
“Pero nakakahiya...”
“I’m the one who’s offering it, kaya walang nakakahiya do’n. Go ahead, mapaghinga ka na para maaga ka pang magising. I know you don’t want to miss your job tomorrow,” may munting ngiti na sabi nito.
Hindi niya maiwasang mapatunganga rito. Kahit na mukha pa rin itong aburido sa kanya ay nagagawa pa rin nitong maging mabuti. Para itong santo. Kulot nga lang.
“What are you smiling at?” his brows furrowed while staring at her.
“Huh? Ahm... Wala. Sige, pasok na ako,” tumayo na siya at pumasok sa kuwarto nito. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya sa kawalan. Malamang ay iniisip nitong nababaliw na siya habang nakatanga rito.
Isinandal niya ang katawan sa nakasaradong pinto. Parang kailan lang nang una niya itong makilala. Ngayon parang ganoon pa rin sila. Bagong magkakilala na nagkakapaan sa isa’t isa.
Napabuga siya ng hangin at nagmartsa palapit sa kama nito. Pabagsak siyang humiga roon at pumikit. Nasasamyo niya ang bango ni Jester sa unan nito.
Lord, forgive me for I have sinned. But he really smelled so damn good.
She curled into his bed and hugged his pillow. Iisiipin na lang niya, na kahit sa sandali man lang na iyon ay ito ang kayakap niya. Isinubsob niya ang ulo sa unan pagkatapos ay hinayaan na ang sariling hilahin ng antok.
ISANG malakas na sigaw ang nakapagpawala sa antok ni Jester nang magising siya. Nasundan pa iyon ng kalabog na nanggaling sa kanya dahil sa pagkakahulog niya sa sofa. Nagmamadaling tinungo niya ang kanyang kuwarto kung saan nanggagaling ang makabasag eardrums na sigaw ni Yuki. Nang mabuksan niya ang pinto ay hindi niya nakita ang dalaga sa kama. He rushed into the bathroom only to find it locked.
Malakas siyang kumatok sa saradong pinto. Wala na siyang ibang maisip na pupuntahan ng dalaga, bukod na lang kung naisip nitong tumalon sa bintana.
Napasulyap siya sa kinaroroonan ng bintana ng kuwarto niya. Nah. Hindi nito gagawin iyon. Kahit na hindi kataasan ang kababagsakan nito, wala sa ugali ni Yuki na bigla na lang tatalon sa bintana kapag nag-freak out.
“Yuki?” tawag niya rito sabay pagkatok ulit sa pinto ng banyo.
“Go away!” marahas na sabi nito.
Napakunot-noo siya. Yuki’s voice sounded hoarse. Natuloy ba sa sakit ang pagkakababad nito sa ulan kagabi? Kung ganoon man, bakit kailangan nitong magkulong sa banyo?
“Yuki, open the door,” mariing wika niya.
“No way! Ang pangit pangit ko na!”
What the f—
Ano ba ang nangyayari rito? Mas lalo pa niyang nilakasan ang pagkatok sa pinto. Kung gugustuhin niya ay puwede niyang kunin ang susi sa kanyang drawer at buksan iyon. Pero baka kung ano ang mabungaran niya kapag bigla na lamang siyang pumasok doon. Mahirap na.
He took a deep breath and tried to calm down. Ganoong nagwawala na ang dalaga, ibayong pasensiya ang kailangan niya para mapabalabas ito sa pinaglulunggaan nito. Hindi pa man din ito nadadaan sa puwersahan, kung tama pa rin ang pagkakatanda niya. She was one stubborn woman when she’s feeling agitated.
“Yum, open the door and let me see what’s going on in there,” mahinahong sambit niya.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan.“Ayoko,” matigas pa ring tanggi nito.
Wrong move. Change of approach.
“Sa tingin ko, hindi naman ganoon kapangit 'yang sinasabi mo. Maybe you’re just exagger—
Biglang bumukas ang pinto at nagmartsa ito palapit sa kanya. Bahagya pa siyang napaatras dahil sa hindi inaasahang paglapit nito.
Nakapamaywang na tiningnan siya nito ng deretso. “I am not exaggerating! Look, it’s so ugly. I am ugly!” pumadyak pa ito.
Nang una niyang tingnan ito ay nagtaka pa siya kung ano ang ibig nitong sabihin. Wala naman kasing pagkakaiba sa mukha nito. Hanggang sa ito na mismo ang nagturo ng dalawang butlig na nasa isang bahagi ng noo nito.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. “See? It’s so freaking embarassing to go out like this! Kahit ikaw nandidiri na sa'kin,” nanlulumong sabi ng dalaga.
“I am not,” mabilis na tanggi niya. “At hindi naman masyadong halata na may tumubong pimple sa noo mo,” aniya.
“It’s not a pimple!”
“Then what is it?”
“I don’t know. Look, mayro’n din ako sa mga kamay, kahit sa tiyan ko mayro’n din. What’s wrong with me? Para akong connect the dots nito,” nagpa-panic na turan nito. Muntik pa nitong itaas ang t-shirt nito para ipakita sa kanya ang sinasabi nito, kung hindi niya lang ito nagawang pigilan. Tama na iyong mga nakita niya sa kamay nito. Maaga pa para magkasala. At isa pa, mukhang alam na niya kung ano ang dumapo rito.
“I think you’re having a chickenpox,” wika niya.
Biglang nanlaki ang mga mata nito. “No, I’m not!” dagling tanggi nito. pagkatapos ay bigla na naman itong sumigaw. “It will scatter all around my body, Jester!”
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Napaka-vain talaga nito kahit kailan. Halatang nagsisimula palang maglabasan ang mga bulutong nito kaya hindi pa masyadong marami. Ano na lang kaya ang gagawin nito kapag tuluyan ng punuin niyon ang katawan nito? Baka tumalon na talaga ito sa binata.
Nasapo nito ang noo na tila nahahapo. Noon niya lang naalala na kapag nagkakaroon ng chickenpox ang isang tao ay kasabay niyon ang pagtaas ng temperatura ng katawan. Malamang ay may sinat ito nang mga sandaling iyon. Napansin niyang namumula na rin ang mga pisngi nito.
“Magpahinga ka na muna sa kama. May kaibigan akong nurse. Tatanungin ko siya kung ano’ng gamot para huwag masyadong kumalat ang mga bulutong sa katawan mo. Just relax and breathe easy,” pagpapakalma niya rito.
Sinunod naman nito ang utos niya at bumalik sa kama. “'Sorry, at nabulabog kita,” paghinging paumanhin nito kapagkuwan.
“It’s no big deal. And I suggest, you call your boss also, unless gusto mong pumasok ng trabaho?” tanong niya.
“No way,” nakasimangot na tugon nito.
He couldn’t help but smile. Wala pa rin itong pinagkaiba. Ito lang yata ang babae na cute pa rin tingnan kahit na nakasimangot na. Mabilis na siyang tumalikod rito bago pa nito mapansin ang ngisi sa kanyang mukha. Sa mga panahon pa namang iyon mababa and depensa ng puso niya.
Pagkatapos niyang siguruhin na komportable na ang dalaga ay tinawagan niya ang kaibigan na nurse. Then, he called Francis that he would probably take an indefinite leave of absence. Hindi naman niya puwedeng hayaan na lang si Yuki. At sigurado siya na kapag inihatid niya ito sa apartment nito ay papabayaan lamang nito ang sarili. Wala sa ugali niya ang mag-abandona ng mga taong nangangailangan ng tulong niya.
Right. Convince yourself.
Nakita niyang nakatulog ng muli ang dalaga nang tingnan niya ang kalagayan nito. Kaagad siyang nagbihis ng damit at lumabas ng unit niya. Pumunta siya sa pinakamalapit na pharmacy at binili ang gamot na bilin sa kanya ng kaibigan niya. Bumalik rin siya kaagad sa kanyang unit nang matapos siyang bumili ng ilang stocks na kakailanganin niya.
Pagbukas niya ng pinto ng kanyang unit ay ang nag-aalalang mukha kaagad ni Yuki ang bumungad sa kanya. Hindi pa ito nakontento na makita siya, bigla na lamang siya nitong niyakap ng mahigpit dahilan para matigilan siya. What the hell happened?
“I thought you left me,” she whispered teary eyed.
Hindi siya kaagad nakahuma. He could feel her body’s trembling. Gusto niya tuloy murahin ang sarili kung bakit hindi man lang siya nag-iwan ng note na lalabas siya ng unit niya.
Dahan-dahan niyang ipinalibot ang kanyang mga kamay sa katawan nito bago masuyong hinagod ang likod nito.
“It’s alright. I’m not going anywhere,” he muttered.
Ang tagal na ring panahon mula nang mayakap niya ito. And just like the old times, Yuki seemed to fit perfectly in his arms. May mainit pa ring pakiramdam na hatid ang yakap nito sa kanya. And he knew exactly that he was losing his freaking sanity right now. Dapat ay inilalayo niya ang sarili rito, pero imbes na gawin iyon ay yakap-yakap pa niya ito. He was trying to convince himself that he was mad at her, but at the end of the day, he’d found herself taking care of her. Malala na talaga ang topak niya.
Nang maramdaman niya ang paglayo nito sa kanya ay kamuntikan na niya itong pigilan, ngunit pinili niyang sundin ang lohikal na takbo ng isip niya. She might get scared, but that doesn’t mean she wanted him. Again.
“Bumili ako ng gamot mo at stocks na kakailanganin natin,” pagkuwa’y wika niya.
Umatras na siya palayo rito at naglakad patungong kusina. Sinimulan niyang ilagay ang mga pinamili sa cupboard. Alam niyang sinundan siya ng dalaga pero hindi man lang siyang nag-abalang lingunin ito. Ngayong nasa malapit ito sa kanya, hindi niya alam kung sumpa ba ang muling pagkikita nila o ipagpapasalamat niya iyon.
Damn her for being so irresistible!
BINABASA MO ANG
Playing With Forever
RomanceIt only took a heartbeat when Yuki and Jester fell in love with each other. Kahit na parehong nasa magkaibang mundo, ay hindi iyon naging hadlang para sa pagmamahalan nilang dalawa. Their relationship was quite close to perfect, hanggang sa nakialam...