Chapter 3

482 13 2
                                    

CHAPTER THREE
NATAWA ng malakas si Yuki nang simangutan siya ni Stone. Kanina pa niya ito inaasar at panay naman ang reklamo nito. Nalaman niya mula rito na Jester Stone Castro pala ang buong pangalan ng nobyo niya. At magmula noon ay hindi na niya ito tinantanan sa pagtawag ng unang pangalan nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong gamitin ang Jester. Nakasanayan na raw nito na palaging ang huling pangalan nito ang itinatawag ng mga tao rito. But she really found his first name cute. Gustung-gusto niyang tinatawag ito gamit ang unang pangalan nito.
“Bakit ba kasi ayaw mo? Ang cute kaya ng Jester,” wika niya rito.
Muli na naman itong sumimangot. “Exactly. No sane guy wants his name to be cute, Yum.”
“But I like calling you that,” nakangusong sabi niya.
“Why?”
“Because that name makes me feel more comfortable than the other. Feeling ko kasi kapag Stone ang tawag ko sa'yo, parang tumatawag ako ng bato. Mamaya niyan, mapagkamalan pa ako ng mga tao na si Darna at ikaw si Ding.”
He chuckled. “Puro ka talaga kalokohan. Fine, you can call me Jester. Kung hindi lang talaga kita mahal,” napapailing na sambit nito.
Napangiti siya. It’s been a week since he confessed his feelings to her, and vice versa, and everything’s going well. Jester never failed to make her happy. Daig pa niya ang prinsesa kung ituring siya nito. She was always ecstatic and excited to go to school. Hindi siya nawawalan ng energy at marami na ang nakakapansin na blooming siya. Even her parents noticed it also. Hindi pa nga lang niya nasabi sa mga ito ang tungkol sa binata. He was her first boyfriend, at hindi niya alam kung paano magre-react ang mga magulang niya. Sinabi na rin niya iyon sa nobyo at naintindihan naman nito ang bagay na iyon. Nagsisimula pa lang naman daw sila kaya huwag siyang masyadong mag-alala. Wala na yata siyang mahihiling pa rito.
Maingat niyang sinuklay ang buhok nito habang nakayuko ito sa librong binabasa. Hindi pa rin niya lubos-maisip na sa maikling panahon ng pagkakakilala nilang dalawa ay namuo ang pag-ibig sa pagitan nila. It was almost a dream.
“Hon?” pagkuwa’y tawag niya rito.
Huminto ito sa pagbabasa at nag-angat ng tingin sa kanya. “Hmm?”
“I love you,” nakangiting sambit niya.
His lips curved into a happy smile. “I love you more, Yum,” tugon nito bago siya dinampian ng halik sa labi. If they could just be where they were and be like that forever, then everything would be perfect.
MABILIS na lumipas ang mga araw, at nanatiling matatag ang relasyon nilang dalawa ni Jester. Nakilala na rin niya ang mga magulang at ibang kamag-anak nito nang minsan umuwi ito sa probinsiya at naisipan siya nitong dalhin. Mababait ang mga ito at tinanggap siya ng walang pag-aalinlangan.
Naging mainit ang pagtanggap ng pamilya ni Jester sa kanya. Isang bagay na hindi niya inaasahan. Para kasing kilalang-kilala na siya ng mga ito kung pagbabasehan ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Hanggang sa tanghalian nila ay hindi magkandaugaga ang mama at papa nito sa pagsilbi sa kanya, dahilan para panay naman ang pagsimangot ng binata. Hindi na kasi sila nabigyan ng sariling oras na dalawa.
“Hindi naman yata imbalido ang bisita ko,” nakukunsuming puna ng nobyo sa mga magulang.
“Naku, hayaan mo nga kami, Jester. Minsan ka lang namang magdala ng bisita dito, tapos si Yuki pa,” saad ng ama nito. Kumpara sa mama nito, hindi ganoon kakulit ang ama ng binata. Pero makikita rin ang masayahing anyo nito. Retired general pala ito. Ang alam pa naman niya sa mga nasa military ay laging mga disiplinado at seryoso. Nakakatuwang makakita ng hindi kagaya ng mga nababasa at napapanuod niya sa TV.
“Ito Kuya, subuan kita", nakangiting sabad naman ni Jackie –bunsong kapatid ni Jester— habang iniumang ang kutsara sa bibig ng kapatid na malugod namang tinanggap ng huli. Dalawa lamang ang mga ito na magkapatid pero kung tama ang pagkakatanda niya ay marami itong mga pinsan. Nasa iisang compound lang kasi ang mga ito na nakatira kaya minsan ay overcrowded daw ang bahay ng mga ito. Binalaan pa siya ni Jackie na huwag masyadong lalapit sa mga pinsan ng mga ito. Ang pamilya lang daw kasi ng mga ito ang matitino sa lahat. But it didn't bother her. Gusto nga niya na kahit minsan sa buhay niya ay maranasan niyang maging magulo ang kanyang mundo.
“Anak huwag ka ng magselos sa atensiyon na ibinibigay namin kay Yuki,” mahinahong sabi ng mama nito.
“Hindi ako nagseselos, 'Ma,” tanggi ng binata.
“Eh, bakit umaakto ka ng ganyan, aber? Ipinagdadamot mo kami sa kanya.”
“Hindi ko kayo ipinagdadamot,” nandidilat na saad ni Jester sa mga ito. Gusto na niyang matawa sa kakulitan ng pamilya nito.
“Nagseselos ka lang pala, eh. Gusto mo subuan rin kita?” nakangising sabad niya sa usapan ng mga ito.
“Isa ka pa. Magbehave ka d'yan,”pabirong sita nito sa kanya.
Nakilala niya rin ang dalawang pinsan nito na sina Atasha at Lace. Pareho ring mababait ang mga ito, pero ubod nga lang ng kulit ang huli. At ubod rin ng takaw. Kung anu-ano na lang ang pagkaing kinakain nito. As long as it’s edible ay sa bibig nito iyon bumabagsak. Her boyfriend’s family was overwhelming. Kahit saglit lang niyang nakilala ang mga ito, pakiramdam niya ay malaking parte na ng pagkatao niya ang sinakop ng mga ito. Ngayon niya mas napagtanto na napaka-boring pala talaga ng buhay niya. She once wished to have a life like he has. Hindi man siya nagkaroon ng ganoong pamilya sa katauhan ng mga magulang niya, ngunit ibinigay naman iyon ng binata sa kanya. In short, Jester made her life complete.
“Hey!” isang matunog na halik sa kanyang pisngi ang nagpabalik ng diwa niya sa kasalukuyan. Nilingon niya ang may salarin at nagulat pa siya nang salubungin siya nito ng mainit na halik sa mga labi.
Natatawang hinampas niya sa balikat si Jester nang tuluyang dumistansiya ito sa kanya. Wala siyang pasok sa last subject niya kaya naisipan niyang hintayin ito. Gusto niyang planuhin ang mga gagawin nila bukas. Tomorrow would be their first month together and she wanted it to be special. Eksakto namang half day lang siya bukas at sa pagkakatanda niya ay wala itong pasok dahil araw iyon ng sabado. It would definitely be a perfect day for the both of them.
“Kanina ka pa?” umupo ito sa tabi niya.
“Medyo. Any plans for tomorrow?” kaagad na tanong niya rito.
“Tomorrow?” his brows furrowed. “Ano’ng mayro’n bukas?” dagdag pa nito.
She matched his reactions. “You’re kidding me, right?” hindi makapaniwalang sambit niya. How could he forget their first monthsary? Ang sabi ng mga kaibigan niya ay pinaka-espesyal daw ang unang buwan sa isang relasyon ng magkasintahan. There’s sugar, spice and everything nice. So, how could he...
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makitang tila wala talaga itong ideya sa okasyon kinabukasan. She could sense a teardrop clinging in her eyes. Sa lahat ng araw na puwede nitong kalimutan, bakit iyon pa? Ni hindi nga nito nakalimutan ang birthday ng mommy niya.
“Wala. Nevermind,” umiling siya rito.
Lumapit ito sa kanya at umupo sa mismong harapan niya. Umangat ang kamay nito at hinagod ang isang bahagi ng pisngi niya. May sumilip na ngiti sa mga labi nito. “Babe, I was just messing with you. Do you really think na makakalimutan ko ang first monthsary natin?” napapailing na tanong nito sa kanya.
“Everyday I spent with you, and every coming days that I’ll be spending with you, will never ever be forgotten, Yum. Always remember that,” he said before pinching her nose.
Tuluyan ng pumatak ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Ngunit hindi dahil sa malungkot siya, kundi sobrang masaya siya na dumating ito sa buhay niya.
Pinahid nito ang luha sa kanyang pisngi. “Hey, don’t cry. Ayokong umiiyak ka,” anito.
She leaned her face on his palm. “I’m just happy. Thank you for coming into my life, Jes,” naluluhang wika niya.
“It’s my pleasure. I promise to love you, Yumeirah Kisses. Always and forever.”
NAGHAHANDA na para matulog si Yuki ng gabing iyon nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto niya. Nakita niya ang kanyang ina sa bungad ng pinto nang lumingon siya. Napaka-elegante pa rin nitong tingnan kahit na matutulog na lang ito.
Dumeretso ito sa kama niya at mataman siyang tiningnan. She just stared back at her also. Her mother never tucked her in bed. And if she was planning to make it up to her, it’s probably too late to do it. Ang daddy naman niya ay laging busy sa pamamalakad ng kompanya nito, at halos hindi na sila nagkikita araw-araw. Kaya nakakapagtakang naroroon ngayon sa kanyang kuwarto ang ina niya.
“What is it, Mom?” hindi nakatiis na tanong niya. May pasok pa siya kinabukasan kaya kailangan niyang matulog ng maaga.
“You have a boyfriend,” she said more of a statement than a question.
Natigilan siya. Paano nito nalaman ang bagay na iyon? She had always made sure that they wouldn’t know about her relationship with Jester.
“I ran a publishing company for years, Yumeirah. Do you really think that I wouldn’t be able to know?” turan nito.
“Mom, I’m already nineteen,” simula niya.
“I know, honey,” humugot ito ng malalim na hininga. “Wala namang kaso sa'kin kung may boyfriend ka na, but the problem here is, you chose the wrong guy,” sabi nito.
Napakunot-noo siya. “Wrong guy? Jester is the perfect guy for me, Mom. He’s nice and smart. He loves me and I love him,” sawata niya.
“He doesn’t have a future.”
Animo'y binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi nito. “So, this is what it’s all about. It’s all about the money and reputation you can get. Mom, you don’t know him. Masipag na tao si Jester. He can be successful someday.”
“Hindi siya ang nararapat para sa'yo. You deserve someone better than him.”
Nagsimulang pumatak ang pinipigilang mga luha niya. How could she say those things? Ni hindi nga nito kilala ang nobyo niya. Hindi nito alam kung gaano siya nito pinasaya sa mga araw na akala niya ay malulunod na siya sa kalungkutan. Jester was there for her when they weren’t around.
“I love him,” matatag na wika niya.
“You’ll get over it soon,” bale-walang tugon nito.
“I’m not breaking up with him if that’s what you are trying to say, Mom. You will not decide for myself!” she snapped. Pagod na pagod na siya na palaging dinidiktahan ang bawat galaw niya. Buong buhay niya ay sinunod niya ang mga gusto ng mga ito. Ang binata na lang ang tanging dahilan niya kung bakit patuloy pa rin siyang lumalaban sa buhay, ipagdadamot pa ba naman ng mga ito iyon sa kanya?
“You will. Or else, I’ll do everything I can to ruin his future,” pagbabanta nito sa kanya.
“No, you will not do that,” umiling siya. “Please don’t do this to me, Mom,” nagmamakaawang sabi niya.
“Do what I say and I’ll leave him alone. It’s for your own good, Yuki,” turan nito bago tumayo at lumabas ng kuwarto.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kama. Napahagulhol siya ng iyak. Bakit kailangang mangyari iyon sa kanya? Why does she have to choose? Bakit hindi na lang silang hayaan ni Jester na maging masaya? At paano niya sasabihin rito ang gustong mangyari ng kanyang ina?
God, she felt like her heart was breaking into pieces, scattered around the floor and being stepped on it.
Why life does have to be so unfair?
KINABUKASAN pagkatapos ng klase ni Yuki ay mabilis siyang lumabas sa kanilang kuwarto. Nag-text kanina si Jester sa kanya na hihintayin daw siya nito sa harap ng unibersidad nila. Kailangan niyang makausap ang kanyang nobyo tungkol sa pinag-usapan nila kagabi ng mommy niya. She needed him right now. Ito lamang ang tanging tao na makakapag-pakalma sa sistema niya.
Papalabas na siya ng gate ng school nila nang biglang may sasakyang tumigil sa harap niya. Darn. It was her mother’s car. Ano ang ginagawa nito sa eskuwelahan niya? And how did she even know that she’d be out early?
Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba ang mommy niya. She immediately got the attention of bystanders outside their school. Parang dadalo ito sa isang meeting kung pagbabasehan ang suot nito.
“What are you doing here, Mom?” nagtatakang tanong niya rito.
“Sinusundo ka. 'Di ba wala ka ng pasok?” inosenteng sambit nito.
“May pupuntahan pa ako. You really don’t have to do this.”
“Trust me, I have to. Kung hindi ay baka kung sino-sino na namang lalaki ang sasamahan mo,” may disgusto sa tinig nito.
“Mom, I need to talk to him. Please,” pakiusap niya.
Kung kailangan niyang lumuhod sa harap mismo ng kanyang ina ay gagawin niya pagbigyan lamang siya nito. Kailangan niyang malaman na maiintindihan siya ng nag-iisang taong importante sa buhay niya. Kailangan niyang malaman na kahit ano pa ang mangyari, mananatiling isang pangako ang sinabi nito sa kanya. That he would love her always and forever.
“Get in the car, Yumeirah,” mariing utos ng mommy niya sa kanya. Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan ay ito na mismo ang humaklit sa braso niya at halos ipagtulakan siya papasok sa kotse.
“Yum!”
Then she heard his voice from nowhere. Nag-angat siya ng tingin at hinanap ang pinanggagalingan ng boses nito. He saw him waving his hand at the other side of the road. Maaliwalas ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
“Get in,” her mother’s voice interrupted her thoughts.
Binalingan niya ito. “Please, Mom. Just give me five minutes,” nagmamakaawang wika niya.
“Get in the car or I’ll cut his scholarhip. Now.  Right at this moment,” pagbabanta nito.
“Yum! Yuki!” muling tawag sa kanya ni Jester.
She took another glance at him. May pagtataka at pag-aalala na sa anyo nito. Akmang tatawid ito para puntahan siya nang marahan siyang umiling. Ayaw niyang makaharap nito ang mommy niya. Baka kung ano pa ang sabihin rito ng huli. The last thing she wanted was to hurt him. May iba pa namang pagkakataon para kausapin ito. She was sure he’d understand about her absence in their first month celebration. He always does.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok sa kotse. The door closed and everything was mute. Nilingon niya ang lalaking ngayon ay nagsusumikap na makatawid sa kanila. And just when he was able to do it, the engine started. It’s weird. Pakiramdam niya habang palayo ng palayo ang sasakyan nila sa kinatatayuan nito ay palabo rin ng palabo ang pag-asang makita niya ulit ito.
No, it couldn’t happen. Makikita pa niya sa lunes ang binata. Makakapag-usap pa silang dalawa at magkakaroon pa siya ng pagkakataon para humingi ng tawad rito. Susuyuin pa niya ito kapag nagtampo ito. They would definitely gonna see each other again.
She then realized she hoped too much.

Playing With ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon