CHAPTER NINE
TAHIMIK na pumasok si Yuki sa bahay nila. Kagaya ng dati ay hindi na naman niya nakita ang mga magulang niya. Except from the fact that their house was huge for the three of them, palagi ring busy ang mga ito sa trabaho. She could still remember the days that she had spent alone. Kung hindi man siya mag-isa, mga katulong naman ang mga kasama niya. Hindi siya kailanman nagkaroon ng normal na buhay nang naroon pa siya.
Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Wala pa ring pagbabago ang malaking bahay nila. So full of material things, but lacking with compassion. Kahit sino ang bibisita doon ay sasabihing kulang na kulang sa pagmamahal ang tirahan nila.
She went upstairs to her room. And just like the other corners of their house, it was still the same. Her private sanctuary.
She touched the corner of her bed and sat down. Parang kailan lang, dito siya abalang nag-aaral ng mga aralin niya. Dito siya unang natuto. From writing to everything. Dito siya unang kiligin, ngumiti, tumawa at umiyak. It has been a while, she thought. At hindi man niya inaasahan, pero na-miss niya ang kanyang dating kuwarto.
“Akala ko dinadaya lang ako ng mga mata ko,” isang pamilyar na boses ang nagpaangat sa tingin niya.
Nasa bukana ng pinto si Carrick Barcelona—ang daddy niya. Seryoso ang mukha nito katulad ng huli niya itong nakita. He still stood highly as ever.
“What are you doing here?” seryosong tanong nito pagkuwan.
“Bumibisita lang po,” mahinang tugon niya at saka tumayo. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasarilinan ng ama niya. That’s why they didn’t have any arguments also. Parang milya-milya palagi ang layo nila sa isa’t isa.
“I thought you’d never come back,” malamig na sambit nito.
Pilit siyang ngumiti rito. “Paalis na rin po ako, Dad,” aniya at dinampot ang kanyang bag.
Akmang lalagpasan na niya ito nang matigil siya sa paglalakad. What was she doing? She came here to face her demons. Bakit ngayon ay tumatakas na naman siya? Hahayaan na lamang ba niyang mauwi na naman sa wala ang lahat? Ilang buwan o taon na naman niyang ilalayo ang sarili niya sa mga ito? Ilang gabi na naman ba siyang iiyak?
She needed to be brave.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago humarap ulit sa kanyang ama. Hindi pa rin ito umaalis sa dating kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. He looked formidable and so distant. Saan ba siya magsisimula? Paano niya itatanong dito ang mga bagay na gusto niyang malaman nang hindi ito nagagalit?
“What is it, Yuki?” untag nito sa kanya na tila nabasa ang pag-alinlangan sa anyo niya.
Tumikhim siya. “Dad, a-ampon po ba ako?” lakas-loob na tanong niya.
Una niyang naisip ang bagay na iyon nang nasa kolehiyo siya. Nang pumili siya ng kurso at hindi man lang ito nagkomento kahit na isang salita. Sa mga sumunod na araw, buwan, at taon na kinailangan niya ng isang ama at wala ito. Then it dawned to her, that maybe she was just adopted. Kaya siguro hindi makayang makipaglapit ng daddy niya sa kanya dahil hindi siya nito kadugo.
Sa unang pagkakataon ay nakitaan niya ng ibang reaksiyon ang mukha ng matandang lalaki sa harap niya.
Kumunot ang noo nito. “What the hell are you talking about?” marahas na tanong nito sa kanya.
Napaatras siya nang bahagyang tumaas ang boses nito.
“I... I thought I was adopted...” mahinang sambit niya.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. “How could you say that? You are my flesh, Yumeirah Kisses. My blood is what runs in yours. Don’t ever think for a single moment that you’re not mine,” may diin sa bawat salitang binibitiwan ng daddy niya.
Hindi niya napigilang mapaluha. Sa tagal ng panahon na pinagdudahan niya ang kanyang sarili, pakiramdam niya ay hindi siya nararapat pa doon. But hearing those things now, it made her heart swell. Big time.
“Oh, baby girl,” masuyong wika ng daddy niya. Lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. At nang ibuka nito ang mga bisig ay mabilis siyang lumapit dito at pumaloob sa yakap nito. She had been waiting this for so long. Ang mayakap siya ng kanyang ama kahit saglit lang.
“Ssh... stop crying, baby girl,” pang-aalo nito sa kanya habang iginigiya siya pabalik sa kuwarto niya.
Sabay silang umupo habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Yakap pa rin siya nito. Kahit na siya ay tila ayaw na ring lumayo rito. It was like she had been born again, and that was the first time his father cuddled her.
“I’m sorry.”
Dalawang salita lamang iyon pero sapat na para punan ang lahat ng kakulangan na nararamdaman niya. She never hated her father. Kahit ano naman kasi ang mangyari, ito pa rin ang ama niya. She knew that this was the start of the change. If only she had been braver, then maybe it didn’t take so long to fix everything.
Ilang minutong tahimik lamang sila ng kanyang ama habang hinahaplos nito ang buhok niya. The feeling was so comforting. Katulad din iyon nang pakiramdam niya kapag si Jes—
“What’s wrong?” basag ng daddy niya sa katahimikan. Mukhang naramdaman nito ang pagte-tensiyon ng katawan niya.
She let out a sigh. “I want to be happy, Dad,” sabi niya.
Itinigil nito ang ginagawa sa kanyang buhok at iniharap siya rito.
“Aren’t you?”
“I don’t know... I don’t know exactly how it feels.”
“I thought you and Aimon are getting along. Hindi ka ba niya tinatrato ng maayos?”
Nang makita ang pagdilim ng mukha ng kausap niya ay kaagad siyang umiling at nagsalita.
“Aimon is great. He’s doing everything to make me happy,” saad niya.
“But it’s not enough, is it?” nakakaunawang turan ng daddy niya.
Malungkot siyang umiling. “I tried. God knows how hard I tried,” nahihirapang wika niya.
Ayaw man niyang biguin ang mga magulang niya, pero wala siyang magagawa kung iyon talaga ang kalalabasan ng lahat. Sinubukan niyang maging mabuting anak kahit katumbas niyon ay kabiguan sa parte niya. Ginawa niya ang lahat para mahalin si Aimon, ngunit hindi lamang ito ang nabigo niya, kundi ang sarili niya mismo. Aimon has a different fate.
“Ang hirap palang magmahal,” wala sa loob na sambit niya.
Her father chuckled. “Hindi mahirap magmahal, baby girl. Ang mahirap d'yan ay kung paano mo pangangalagaan ang pag-ibig niyo sa isa’t isa. Kung paano niyo patuloy na bubuhayin ang apoy sa pagitan ninyong dalawa. The thing about love is, it’s a never ending cycle. Magmahal ka man ngayon at masaktan, makikita mo pa rin ang sariling nagmamahal ulit. Whether it’s the same or different person,” mahabang saad ng ama niya.
“I love someone else, but I can’t be with him. I don’t deserve him,” malungkot na turan niya. Bumalik ang paninikip ng kanyang dibdib. Para naman kasing kabute si Jester na bigla na lamang susulpot sa isip niya.
“Hey,” he tilted her chin. “You’re more than enough to anyone. Ang magsabing hindi ka karapat-dapat para sa kanila, hindi na sisikatan ng araw,” matigas na sabi ng kanyang daddy.
Umawang ang mga labi niya hanggang sa unti-unti siyang napangiti na nauwi sa malakas na tawa. God, when was the last time she had laugh like this? Napakatagal ng panahon na halos siya mismo ay naninibago sa sarili. But it felt good. For how many years that she had been living like a zombie, it was the first time that she felt alive again. That she was actually breathing and her heart was still kicking with its four chambers. Sa ngayon ay isa na lamang ang problema niya. Si Aimon. Kailangan niya itong kausapin sa madaling panahon. Nawa’y maintindihan siya nito. She would put everything into its proper places before she decided to leave. Kailangan niyang mapag-isa para hanapin ang sarili niya. Minsan na siyang nagpakalunod sa kalungkutan na naging dahilan para kalimutan niyang mahalin ang sarili. She was gone astray. It’s about time to find her own course of life and be happy.
“Si Mommy,” biglang nanulas sa mga labi niya. Crap! Paano niya nagawang kalimutan ang pinakamalaking problema niya? Siguradong hindi nito tatanggapin ang mga magiging desisyon niya, lalo na ang sa kanila ni Aimon.
“I’ll deal with your mother,” pang-aasure ng ama niya sa kanya.
Napapantiskuhang tiningnan niya ito. “ You will?”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Yes, baby girl. Daddy will take care of mommy,” hindi niya mapigilang mapangisi nang makita ang kapilyuhan na naglalaro sa mga ngiti ng daddy niya. Hindi niya akalain na darating ang pagkakataon na ito. Iyong yakap siya ng kanyang ama habang nagbibiro at tumatawa ito sa tabi niya.
Nagsumiksik pa siyang lalo sa yakap ng daddy niya at biglang tugon ay niyakap naman siya nito ng mahigpit.
“Everything will be just fine,” bulong ng daddy niya.
And she believed in him.
HINDI mabura-bura ang magandang ngiti sa mukha ni Carrick. Nakauwi na ang anak niyang si Yuki pero nag-uumapaw pa rin sa tuwa ang dibdib niya. Hindi niya akalain na magkakalapit sila ng ganoon ng kanyang nag-iisang anak. Aminado siya na marami siyang naging pagkukulang dito. Masyado niyang inabala ang sarili sa trabaho hanggang sa nakalimutan na niyang may pamilya pa pala siyang nangangailangan sa kanya. Huli na nang mapagtanto niya ang bagay na iyon. Nakaalis na si Yuki sa bahay nila. Pero mabait talaga ang Diyos dahil binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga pagkakamali niya at punan ang mga pagkukulang niya.
“There you are!” matinis na saad ni Carmela—ang kanyang maybahay. Nadagdagan na ang edad ng asawa niya pero hindi pa rin nababago ang natural na kagandahan nito. She was still that beautiful woman who he fell in love with.
Kaagad na naningkit ang mga mata nito nang tuluyang makalapit sa kanya.
“What´s with the smile?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
Imbes na sagutin ito ay nagmuwestra siyang lumapit ito na mabilis naman nitong sinunod. Habang nakatingin sa asawa, naisip niyang matagal na rin pala simula ng huli niyang nahagkan ito. O, sabihin ang mga katagang dati-rati ay bukambibig niya rito. Kahit nga ang simpleng paghawak lang sa kamay nito ay hindi na niya nagagawa. And he realized he missed almost half of his life.
Ginagap niya ang kamay ng asawa na ikinagulat naman nito. Marahan niya iyong pinisil at dinala sa kanyang mga labi.
“What happened to you?” bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalito pero may munting ngiti na rin sa mga labi nito.
“Bumisita si Yuki kanina,” imporma niya rito.
Her brow arched. “Really? That’s good news. Kumusta na sila ni Aimon? When is the wedding?” sunud-sunod nitong tanong.
Umayos siya ng upo. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. “You know that it’s not going to work,” seryosong wika niya.
“What are you talking about?”
“Carmela, you need to let her go.”
“I’m doing everything to make her happy, Carrick.”
Napailing siya. “It’s not always about you. Hayaan mong magdesisyon si Yuki para sa sarili niya. Sapat na 'yong ginawa mo dati, kahit na alam nating dalawa na hindi 'yon tama,” maingat na paliwanag niya rito.
Nang malaman niya ang ginawa nitong paglalayo kay Yuki sa lalaking mahal nito ay hindi siya halos makapaniwala. Of all people, her wife should be the best person to understand their daughter. Siya mismo ay nanggaling sa mahirap na angkan, ngunit ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makabangon sa kahirapan. Aminado siyang ambisyoso siya at iyon ang nagtulak sa kanya na lumaban sa naghihikahos na buhay niya. At ang malaman na pinagbawalan ni Carmela ang kanilang anak na mahalin ang isang mahirap, ay parang isang sampal sa pagkatao niya.
“Ayoko lang na maging katulad ng buhay natin ang buhay niya. Don’t get me wrong, I’m happy with you. Pero... dahil sa sobrang gusto mong makaangat sa buhay, nakalimutan mo na ang pamilya mo. Ayokong mangyari 'yon sa kanya, Ric,” mahabang saad nito.
Napabuntong-hininga siya at niyakap ang asawa. “I’m sorry... I’m sorry,” paulit-ulit na bulong niya rito. “Pangako, babawi ako. But you have to let her go. Kailangan niya 'yon para sa sarili niya,” wika niya.
Sunud-sunod naman itong tumango habang nakasandal sa dibdib niya. “I promise,” sambit nito.
Alam niya na simula na iyon ng pagbabago sa buhay nilang tatlo ng mag-ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/123870173-288-k391310.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing With Forever
RomansaIt only took a heartbeat when Yuki and Jester fell in love with each other. Kahit na parehong nasa magkaibang mundo, ay hindi iyon naging hadlang para sa pagmamahalan nilang dalawa. Their relationship was quite close to perfect, hanggang sa nakialam...