Chapter 6

374 5 2
                                        

CHAPTER SIX
KANINA pa gustong i-untog ni Yuki ang ulo niya sa semento. Mula pagkagising niya ay pumipitik na ang kanyang sentido, idagdag pang kanina pa siya nangangati. Daig pa tuloy niya ang may buni sa katawan. Pinilit na nga lang niya ang sariling pumasok sa trabaho. Hindi niya talaga ugali na mag-absent lalo pa at marami pa siyang dapat na gawin. Pero base sa pananakit ng ulo niya, mukhang kailangan niya talaga ng pahinga. This week had been so long and exhausting for her. Una, hindi niya lang nakita nang naka-sideview si Jester, kundi harap-harapan pa mismo. And the anger on his face, added to the stress she was feeling. And there was Aimon, na sa hindi niya malamang dahilan ay pinili pang magpropose sa kanya sa mismong restaurant na pinagtatrabahuhan ng ex-boyfriend niya at kung kailan rin nagkrus ang landas nila ng huli. Gawd! Parang mabibiyak ang ulo niya sa kakaisip kung paano aayusin ang buhay niya. Dumagdag pa ang mommy niya na naisipan siyang bisitahin, at as usual, pintasan ang buhay na mayroon siya ngayon.
Mariin siyang pumikit bago tumayo sa couch na kinauupuan niya. Nasa station pa rin siya nang mga oras na iyon at gumagabi na.
“Steeve, mauuna na ako,” paalam niya sa kasama at nagsimulang tumayo. She needed to get home fast so she could lie down already. May pakiramdam siyang magkakasakit siya base na rin sa maiinit na sumisingaw sa katawan niya.
“Kaya mo ba? You look like you’re going to pass out. Ihahatid na kita, Boss,” sambit ng kasama niya.
“Huwag na. I can manage,” pang-aasure niya rito at saka muling nagpaalam.
Nakalabas na siya ng building nang mapansin niyang nagsisimula na ring pumatak ang ulan. Great. Just great! Kaninang umaga lang ay ang ganda-ganda ng sikat ng araw, tapos ngayon halos hindi na makita ang daan. Hindi na talaga malaman ngayon ang klima. Minsan naiisip niya tuloy na baka nga totoo ang hula ng mga eksperto na malapit na ang katapusan ng mundo.
She shuddered with that thought. Hindi pa yata niya kayang tanggapin ang bagay na iyon. Marami pa siyang gustong abutin sa buhay. Marami pa siyang mga pagkakamali na nais niyang itama. Ni hindi pa nga siya nakakapag-sorry kay Jester sa kasalanang ginawa niya rito.
She sighed as she tried to push back the thoughts behind her brain. Ayaw na muna niyang isipin ang bagay na iyon.
Sumilong siya sa isang waiting shed habang nagbabantay ng taxi. Sa ganoong oras, hula niya ay matatagalan pa siya bago makakuha ng cab. Rush hour pa naman at lalo lamang lumalakas ang ulan.
Ilang minuto na siyang naghihintay ay unti-unti na siyang nababasa. Malakas ang hangin at punuan na ang waiting shed na kinaroroonan niya.
She winced as her headache came back. Darn! Nasaan na ba ang mga linsiyak na taxi na iyon? Kung kailan naman kailangang-kailangan, saka naman hindi mahagilap. Mukha na siyang basang-sisiw. Ngayon niya tuloy pinagsisihan kung bakit hindi siya bumili ng sasakyan. In her situation right now, aabutan na lang siya ng sikat ng araw nito, hindi pa rin siya nakakasakay pauwi ng bahay niya.
Damn this rain for making her even more miserable!
PALAKAS ng palakas ang ulan pero imbes na tahakin ni Jester ang mas malapit na daan patungo sa condo unit niya ay sumegue pa siya patungo sa NBS Station. Kagagaling lang niya sa trabaho at plano niya sana ay dumeretso na ng unit niya para makapagpahinga ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nga iyon nangyari.
Hindi raw maipaliwanag. May gusto ka lang makita, eh.
He shook his head. Wala. Sino naman kaya ang gusto niyang makita? It’s not as if he’s interested with someone who worked at the station. Ni wala nga siyang kilala isa man sa mga nagtatrabaho roon.
Weh? How about Yuki Barcelona? Ring a bell? Ding ding!
Napabuga siya ng hangin. Simula ng makita niya ang babae ay hindi na siya mapakali. Parang laging gustong sumabog ng dibdib niya. Mas lalo ring umiksi ang pasensiya niya kaya palagi na lang ay may napapagalitan siya sa mga kasamahan niya. Francis never confronted him with his sudden change of behavior. Tahimik lang ito sa isang tabi habang nakatingin sa kanya. But the way he looked at him, it’s as if his friend was telling him that he’s losing it already. And he wouldn’t argue with that.
Nawawala na nga yata siya sa katinuan, dahil kahit ramdam niya ang galit sa kanyang dibdib, ay naiisip pa rin niya si Yuki. In fact, wala man lang nakalampas sa kanya na kahit isang episode nito. He had always watched her from afar. Buong akala niya ay hindi na niya ito makikita pang muli. When she walked away from him, he exepected it to be the end. Kaya bakit kailangan pa niya itong makita ngayon? Bakit kailangan pang magkrus ang landas nila?
Napahugot siya ng malalim na hininga habang sinusuyod ang daan patungo sa station. Nang madaanan niya iyon ay hindi siya tumigil. Walang rason para gawin niya iyon. Ngunit natagpuan niya ang sarili na binabagalan ang takbo ng kotse nang mapadaan siya sa isang waiting shed at nakita ang dalaga na basang-basa at nakikipagsiksikan sa iba pang mga taong naroon. Hindi na mapinta ang mukha nito habang yakap-yakap ang sarili at nakatingin sa mga dumaraang sasakyan. Wala ba itong sasakyan?
What a smart-ass you are, Jester. Sa tingin mo nand’yan kaya siya ngayon, kung may sasakyan siya?
Hihinto ba siya para tulungan ito? Pero galit siya rito, tama? So, why would he bother himself helping her? No. He won’t stop driving. Puwede naman nitong tawagan ang boyfriend nito para magpasundo. Tama. She doesn’t need him.
But knowing how stubborn she was, humingi nga kaya ito ng tulong?
With a long exasperated sigh, he did exactly what his mind was screaming not to do. He stopped in front of her and opened his window. Nakita pa niya ang gulat sa anyo nito nang tuluyang bumaba ang bintana ng sasakyan niya.
God. How he missed that face.
“YOU NEED a ride?” narinig ni Yuki na tanong ni Jester nang bumaba ang bintana ng kotse nito.
Napamaang siya. Siya ba ang tinatanong nito? Lumingon siya sa kanyang katabi at nang makita na nakamaang lang din sa binata ay naisip niyang baka—
“I’m talking to you, Yumeirah.”
Biglang bumalik ang tingin niya sa binata nang muli itong marinig na magsalita. Nakakunot na ang noo nito na tila naiinip sa paghihintay sa sagot niya.
Was he serious? Tutulungan ba talaga siya nito? Pagkatapos siya nitong angilan sa restaurant kung saan sila huling nagkita, hindi na niya naisip pa na magiging mabait ito sa kanya. Or maybe, he was just trying to be a good samaritan. Tama. Ganoon naman talaga ito kahit noon pa man. Handang tumulong sa mga nangangailangan.
“Do you need a ride or not? Am I waiting here in vain before you could answer that question?” he snapped at her.
Napakagat-labi siya. Nagiging good samaritan nga lang ito. Nakikita pa rin kasi niya ang galit sa mukha nito. Malamang ay naawa lang ito sa kanya nang aksidenteng makita siya nito. Kahit yata pulubi maaawa sa hitsura niya nang mga sandaling iyon.
Marahan siyang tumango rito at ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto sa harap ng kotse nito. Nag-alangan siya na pumasok. Basang-basa siya pati sa kaloob-looban niya.
“It’s fine. Just get in,” utos nito.
Hindi na siya nagsayang pa ng oras at pumasok na sa loob. Kanina pa siya nilalamig. She could feel her mouth trembling. Nagsisisi talaga siya kung bakit hindi na lang niya pinaunlakan ang alok ni Steeve kanina na ihatid siya. Inabot pa tuloy siya ng kalahating oras sa katatayo at pagbabantay ng taxi na wala namang nangyari.
“Thanks,” sambit niya kay Jester sa nanginginig na boses.
Mukhang napansin din iyon ng binata dahil nakita niyang inabot nito ang aircon at pinatay iyon. Pagkatapos ay may kinuha ito sa likod ng kotse nito. He opened his bag and took a white cloth.
“Here. Para kahit papaano mabawasan ang lamig,” sabay abot sa kanya ng puting tela na iyon. Nang kunin niya iyon dito ay muli siyang nagpasalamat. Napag-alaman niyang uniform pala nito iyon sa trabaho. She wrapped it in her small body as he started the engine.
She kept her head looking outside the window after she gave him her address. Tahimik lamang sila sa biyahe. Not that she was expecting him to start a conversation. Mas mabuti na nga yata iyon kaysa angilan siya nito.
“You should’ve called your boyfriend,” he said out of nowhere.
Binalingan niya ito. “I can mana—achoo!” hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagbahing. “Excuse me,” she said as she rubbed her nose.
“You don’t look good,” wika nito.
“I’m fine,” aniya. Kahit na ang totoo ay parang anumang oras ay may puputok ng ugat sa utak niya. Hindi na nito kailangang malaman pa iyon. Tama nang nagmagandang-loob ito na ihatid siya.
He narrowed his eyes. “You’re still a bad liar, Yumeirah,” turan nito.
Yes, she was. Pero hindi niya iyon aaminin sa binata.
“Okay lang sabi a—achoo!” she sneezed again. Crap! Mukhang mapupunta pa sa trangkaso ang pagsakit ng ulo niya at pagkababad sa ulan.
Natigilan siya ng marinig ang mahinang pagtawa ng kasama niya. Lumipad ang tingin niya rito. There was a little smile on his lips. Oh. Em. Gi. Sa sobrang tagal na hindi niya nakita ang ngiting iyon, pakiramdam niya ay bumalik siya sa unang araw na nginitian siya nito. And she felt almost the same.
Ngunit kaagad ding napawi ang ngiting iyon nang tumingin ito sa kanya at makitang nakatitig siya rito.
Tumikhim ito. “Sa condo unit ko na tayo dumeretso. You need to change clothes,” akmang magsasalita siya para kontrahin ito nang muli itong magsalita. “That is, if you don’t want to get sick,” dagdag nito.
Yes. Wala siyang planong magkasakit. Pero ang sumama rito kung saan man ito nakatira? Was that even safe? Hindi sa nagdududa siya rito, pero parang hindi tama na sumama siya sa binata. He hated her despite from the fact that he helped her.
She doesn’t want to bother him anymore.
“You’re not bothering me,” seryosong sabi nito na ikinagulat niya.
Shit. She had said it out loud.
“Wala akong gagawin sa'yo kung 'yon ang ikinakabahala mo. You’re just going to change your clothes and dry yourself. Pagkatapos no’n ay ihahatid na kita sa apartment mo. Look, sa hitsura mo ngayon, kapag tumagal ka pa ng sampung minuto, sakit na talaga ang aabutin mo,” mahabang saad nito.
“Madali ka pa namang tamaan ng sakit kapag naulanan,” he uttered almost a whisper but she still heard it.
She was not worried at all na may gagawin itong masama sa kanya. She knew him. Or used to know him. What worried her was if it's safe for her heart to be so closed to him? Ngayon pa nga lang ay kumakalabog na ang dibdib niya, ano pa kaya kapag nakatapak sya sa bahay nito and knowing na silang dalawa lamang ang naroon? How could she survive that feeling? Hindi rin siya makapaniwalang naaalala pa nito ang pagiging mahina ng immune system niya. Kaunting patak lang ng ulan ay palagi na siyang nagkakasakit. Hindi siya mahilig magdala ng payong dati kaya ito lagi ang taga-bitbit niya. Mainit man ang panahon o makulimlim, palaging may dala itong payong para sa kanya.
She could still remember how worried he was when he found her at the clinic lying on bed.
Sinamahan si Yuki ng kaklase niya na tumungo sa clinic. Nalaman kasi ng teacher nila na masama ang pakiramdam niya. Kaya naman sana niya pero hinayaan na lang din niya ito nang sabihin nitong humingi siya ng gamot sa clinic nila.
That was the plan. Ang humingi lang ng gamot at umalis na kaagad. Magkikita pa kasi sila ni Jester ng alas-singko, at quarter to five na sa relo niya. Ngunit hindi niya kaagad nagawang umalis pagkatapos makainom ng gamot nang mag-insist ang nurse na magpahinga muna siya. Pinahiga siya nito sa isang bakanteng higaan at siniguradong maayos ang lagay niya bago iniwan.
Her cellphone beeped. Kinuha niya ang aparato sa kanyang bulsa at tiningnan kung kanino galing ang mensahe—kahit na may hula na siya kung kanino. At tama nga siya. Galing iyon sa nobyo niya. Tinatanong nito kung tapos na ba ang klase niya, at naroon lang daw ito sa labas ng gate para hintayin siya.
Kaagad siyang nagcompose ng reply dito.
Here in clinic. Resting, she hit the send button afterwards.
Ilang minuto na niyang nai-send iyon pero wala pa rin iyong reply. Hindi kaya hindi nito natanggap ang mensahe niya? Minsan talaga ang mga networks ay hindi maaasahan sa importanteng bagay.
Just as she decided to send the message again, Jester’s worried face came out of nowhere. Humahangos itong lumapit sa kanya na muntik pa nitong ikadapa dahil napatid ito sa extension cord na nasa sahig. Pawisan din ang mukha nito at hinihingal pa galing marahil sa pagtakbo nito.
“What happened? Naaksidente ka ba? Saan ang masakit sa'yo? Teka, sasabihin ko sa nurse na i-transfer ka na sa ospital,” sunod-sunod na wika nito at saka siya tinalikuran.
“Jes!” malakas na tawag niya rito nang akmang tatawagin nga nito ang schoolnurse nila. Nais niyang matawa sa inaakto nito. Kung OA ang teacher at ang schoolnurse nila, wala ng tatalo rito. Kailangan nito ng award.
Napangisi siya sa naisip. “Walang nakakatawa, Yumeirah Kisses!” he snapped at her.
Natigilan siya. Kahit ito ay parang hindi rin makapaniwala sa ginawa dahil narinig niya itong nagmura.
He reached out to her. “I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka,” hinalikan nito ang noo niya.
Man, she really got him worried.
Isinandal niya ang katawan rito. “It’s okay. At okay lang din ako. Pinagpahinga lang ako ng nurse kasi medyo masama ang pakiramdam ko,” pagkonsola niya rito.
“Uminom ka na ba ng gamot?”bumalik ang pag-aalala sa boses nito.
Tumango siya. “Kasalanan 'to ng ambon kahapon, eh,” nakasimangot na turan niya habang nakatingala rito.
His eyes narrowed. “Nanisi ka pa. Hindi ka kasi nagdadala ng payong,” anito.
“Eh, sa tinatamad ako,” nakangusong sambit niya.
She heard him chuckle. “Don’t worry. Ako na ang magdadala ng payong para sa'yo, simula ngayon. I’ll always be here for you,” he promised.
“In a heartbeat?”
“In a heartbeat,” nakangiting wika nito saka siya hinalikan sa mga labi.
“Earth to Yumeirah,” untag sa kanya ni Jester.
Her eyes shifted to his. Nagkasalubong ang tingin nilang dalawa nang saglit itong tumingin sa direksiyon niya.
“Ano na?” tanong nito.
Ano na ang alin? Gusto niya sanang itanong dito nang biglang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. She was daydreaming again. She did that a lot. Ang balikan ang magagandang alaala na kasama ang binata. Someetimes... No, most of the time she just wanted to stay there. She felt happy and safe whenever she thought of their memories together.
She sighed inwardly. “Ahm... Sige, kung hindi makaka-istorbo sa'yo,” aniya sa maliit na tinig habang pasimpleng nagkamot ng braso.
“Not at all,” he replied as he shifted his gear.
Breathe in. Breathe out. Magbibihis ka lang naman ng damit. Ano ba ang dapat mong kabahan? Breathe in. Breathe ou—
Bumaling ito sa kanya at bahagyang ngumiti. Oh, crap! Mukhang kailangan nga niyang kabahan

Playing With ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon