UMAYOS ng tayo si Jester pagkatapos niyang bigyan ng final touch ang chocolate mousse na nasa harapan niya. Just like what he’d done to other desserts, it was beautiful. And any other occasions deserved that kind of beauty. Under that dessert was a ring. Isa na namang masayang kabaro niya ang magpo-propose mamaya sa babaeng mahal nito.
Napailing siya. Hindi niya talaga makuha ang logic kung bakit kailangan pang ilagay sa pagkain ang singsing na puwede namang ibigay na lang ng harap-harapan sa pagbibigyan niyon. Who knew what bacterias were on that ring. But then, it wasn’t his problem anymore. Trabaho niya ang pasayahin ang mga customers na nasa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. After so many years of struggling for success, he finally made it.
Dalawang taon na rin siyang chef sa restaurant na pagmamay-ari ng isang malapit niyang kaibigan. Ngunit bago siya nakatapak sa kung nasaan man siya ngayon ay hindi birong hirap din ang pinagdaanan niya. From dragging his ass to stand up after he was pushed under his feet. Cutting loose the ties when someone left him hanging. His life was never been easy. Buong akala niya ay hindi na siya muli pang makakabangon. Thank God, he has his family as his crutches.
Naipilig niya ang kanyang ulo. Hindi na dapat niya binabalikan ang mga bagay na tapos na. Wala na rin namang mababago kahit gaano pa niya kagustong baguhin ang kanyang nakaraan. Because if truth be told, he wouldn’t change a thing about his past. Kahit na ang ibig sabihin niyon ay masaktan siya ng paulit-ulit. Still, the fact remained that there’s bitterness inside of him.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo,” untag sa kanya ni Francis—his boss. Naging kaibigan niya ito nang minsang maligaw ito sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya dati. Difference was, he worked as a waiter back then. Tatlong taon din siyang nagpalipat-lipat ng trabaho bago nagkrus ang landas nilang dalawa at nag-alok ito ng trabaho sa kanya. Back then, Francis was just only planning to put up a business. Nang malaman nitong isa siyang culinary graduate ay hindi ito nagdalawang-isip na gawin siyang chef sa restaurant na kinatatayuan nila. He owed the guy a lot.
“Hindi naman gano’n kalalim,” tugon niya kapagkuwan. Sinipat niya ulit ang dessert na nasa harap niya. Maya-maya lang ay dadalhin na iyon sa table ng isang couple at pagkatapos ay makakarinig na naman sila ng isang malakas na singhap, hikbi at sa huli ay masigabong palakpakan. Touché. It had always been like that.
“I’ve always wondered why do grooms-to be hide their rings to this kind of stuff,” sambit ng boss niya.
He grinned. “You’re not alone.” Single-minded people flocked together, he thought.
Or both of you are just bitter bastards... especially you, his inner voice snapped at him.
He shook his head. He’s not bitter. Fine, he was once brokenhearted, but he had moved on. Yes, he definitely did.
“Do you have plans of settling down, Stone?” The question made his eyes flipped wide open at Francis. Nakatingin din ito sa dessert pero halatang wala doon ang diwa nito. Seryoso ang mukha nito na minsan lang niyang nakikita. He must’ve been playing at him now. Besides, that’s what he was. A player.
“Why do you ask?” balik-tanong niya rito.
He shrugged. “Just asking. So, are you?”
Was he? Kaya nga ba niyang lumagay sa tahimik? Or maye the right question was, was he still capable of loving someone? Pagkatapos siyang iwan sa kawalan ng babaeng mahal niya may pitong taon na ang nakararaan, hindi niya kailanman naisip na itanong iyon sa sarili. Hindi rin siya nagkaroon ng seryosong relasyon. Women threw themselves at him and he accepted them with open arms. But only because he was not into celibacy. Ngunit ang magkaroon ng panibagong babae sa buhay niya, ang gumising sa umaga na ang tanging mukha nito ang tanging mabubungaran niya. He never thought about those things until Francis asked him. And the answer was a puzzle for him.
Nagkibit siya ng balikat. “Maybe,” matipid niyang sagot. He doesn’t want to give his a friend a satisfaction in meddling with his affairs.
Sa gulat niya ay ngumisi ito sa kanya. “Long silence and all I’ve got was just a maybe. Now, I know why you are so hard. Stone it is,” tumatango pang wika nito.
Napakunot-noo siya. “What do you mean by that?”
“Oh, nothing. Naisip ko lang na kaya ka siguro ganyan dahil may isang parte sa nakaraan mo na hindi mo pa kayang kalimutan,” bago pa siya makasagot ay itinaas nito ang kamay. “You don’t have to hide it. It shows, and I’m not stupid either. But dude, if you want to live in this fucking world? You gotta face your nightmares first. And I suggest you do it by facing the woman who broke your heart,” he patted his shoulder and left in the room, leaving him totally speechless.
Ganoon na ba siya ka-obvious? O, malakas lang talaga ang pang-amoy ng kaibigan niya? Geez, for the longest time, ngayon lamang ito nag-open up tungkol sa bagay na iyon. What made him think that he was still brokenhearted?
Oh, great! Take note of the “still”, A-hole!
He let out an exasperated sigh. He’s done with those achy-breaky heart songs. Matagal ng nangyari iyon kaya dapat lang na makamove-on na siya. And besides, he doubted it if the woman who left her could still remember him. Kung nakuha nitong iwan siya nang hindi nagpapaalam, kaya rin nitong kalimutan siya nang walang pag-aalinlangan. So, why bother? Yeah. Why would he be bothered? Why would he be feeling empty all of a sudden? The pain throbbing in his heart once again, welcoming the bitterness. Fuck! He’s not supposed to feel this way. He’s supposed to be moving on.
“Sir Jes?” boses ng kasama niya sa kusina ang nagpabalik ng diwa niya.
Nag-angat siya ng tingin at nakasalubong ang nag-aalangang tingin ni Rye, isa itong waiter doon.
“What?” his voice was low.
“Ahm... H-hinihingi na po ang chocolate mousse.”
Ilang sandali muna siyang nanatiling tahimik bago tuluyang nagsink-in sa kanya ang sinabi ng lalaki. Right. The chocolate mousse.
He heaved a deep sigh. Breathe in. Breathe out. “I’m on it. Ako na ang magdadala sa table,” binigyan niya ito ng matipid na ngiti.
“Sige po,” anito at atubiling lumabas ng kusina.
So much for reminiscing.
DINALA si Yuki ni Aimon sa isang mamahaling restaurant. Habang kumakain ay pinag-uusapan nila ang kani-kanilang mga trabaho. Nalaman niya na may bago na naman itong painting na naibenta at katatapos lang rin ng panibagong gawa nito. They talked like old friends who haven’t seen each other for a long time. Kung tutuusin ay parang magkaibigan nga lang ang turingan nilang dalawa. They’re not that intimate like other couples do. Isang beses lang rin silang magkita sa isang linggo dahil pareho silang abala sa kanilang mga trabaho. Sa isang taon ng relasyon nila, mabibilang lang sa daliri kung kailan siya nito dinala sa isang mall at nanood ng sine. They loved their work more than they loved each other.
Maya-maya ay nagpaalam itong pupunta ng banyo. While waiting, she took her small mirror and checked herself. Abala siya sa pagtingin sa salamin nang bigla na lamang siyang nakaramdam ng paninindig ng balahibo sa kanyang batok. She sensed the familar presence at her back.
Bago pa man siya makalingon para tingnan kung sino ang nasa likuran niya ay may narinig siyang boses sa kanyang gilid.
“Excuse me, Ma’am. Here’s your dessert.”
Her body went still. The voice was not only behind her ear but it was familiar as well. Bigla siyang nag-angat ng tingin at umawang ang mga labi niya nang makita ang nakayukong mukha ni Jester. Shit! He was so close.
She couldn’t help but gasped. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya siguradong hindi pa siya nito nakikita. Nagsisimula na siyang mag-hyperventilate. Hindi niya akalain na mabibigyan siya ng pagkakaton na makalapit ng ganoon sa binata.
Should she run? But where and why? Ano ang sasabihin niya kay Aimon kapag hinanap siya nito?
His gaze turned sideways then poof! It happened. He was staring at her directly; she could just drown under his stares. His eyes widened with recognition, but after a moment, it went blank then cold and unforgiving.
Umayos ito ng tayo nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
“Jester...” mahinang usal niya sa pangalan nito.
Napatiim-bagang ito. “What are you doing here?”
“I...” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lamang sumulpot sa harap nila si Aimon. Ang bilis naman yata nitong makabalik?
Mula sa kanya ay inilipat nito ang tingin sa binatang kasama niya. Wala siyang mabasang kahit na anong damdamin sa mga mata nito.
“Do you need anything else, Sir?” pagkuwa’y tanong nito sa kanyang nobyo.
Nang umiling ang huli ay muli siya nitong binalingan.
“Ma’am?” his low voice sent goosebumps down to her spine. It’s as if he was back to being Stone again. Ang lalaking walang kinakatakutan at walang pakialam sa mundo. Mukhang wala na rin itong pakialam sa kanya.
Umiling siya. Hindi na niya kaya pang magsalita. Nananakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil na huwag umiyak. Kaharap niya ang lalaking naging parte ng buhay niya, at sa tabi naman niya ay ang lalaking sumalo sa kanya nang halos malunod siya sa kabiguan. And now she was torn between the two.
Sinundan niya ng tingin ang lalaking matagal na niyang hinahanap at ngayon ay naglalakad na palayo sa kanila. She wanted to grab his arm. She wanted to stop him from walking away. Because that’s what exactly she did to him, she walked away. At ayaw man niyang aminin sa sarili, pero hindi niya matanggap na tinatalikuran siya ng binata. Hindi niya matanggap na mawawala na naman ito sa paningin niya.
She shut her eyes. God, hindi ito maaari. Kailangan niyang pigilan ang emosyon niya. Nasa harap siya ng kanyang nobyo at hindi tama ang nararamdaman niya. She felt like she was betraying him in his very eyes. Yet, she couldn’t help herself from looking at where Jester went. Bakit kailangan pang magkrus ang landas nila sa isang napaka-kompromisong sitwasyon? But then, what difference would it make? Kahit naman saan sila puwedeng magkita, hindi na maiaalis na comitted na siya sa iba.
“Babe?” untag sa kanya ni Aimon.
Napabuntong-hininga siya bago nagmulat ng mga mata. Ang nag-aalalang mukha nito ang nabungaran niya. He really cared for her. Loved her. At ano ang ginagawa niya? Thinking about how she could grab a chance of talking at her ex!
“Is everything okay?” nag-aalalang tanong ng kanyang nobyo.
She gave him a tight smile. “Yes. Medyo sumakit lang ang ulo ko, pero okay lang ako. Can I go to the rest room first?” paalam niya rito.
“Of course,” nakangiting sabi nito at hinalikan ang kanyang kamay.
Mabilis siyang tumayo at tumungo sa banyo. She felt awful. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Kung paano niya iha-handle ang sitwasyon na mayroon siya na hindi iniisip ang binatang iniwan niya ilang taon na ang nakararaan.
She heaved a deep sigh. Another one. At nasundan pa iyon ng ilang ulit.
Get a grip of yourself, Yuki. Everything will be alright, pagkonsola niya sa sarili.
Nang sa tingin niya ay mas kalmado na siya, nagdesisyon siyang lumabas ng rest room at bumalik sa kanilang mesa. Baka tuluyan ng magalit sa kanya si Aimon kung paghihintayin na naman niya ito ng matagal.

BINABASA MO ANG
Playing With Forever
RomanceIt only took a heartbeat when Yuki and Jester fell in love with each other. Kahit na parehong nasa magkaibang mundo, ay hindi iyon naging hadlang para sa pagmamahalan nilang dalawa. Their relationship was quite close to perfect, hanggang sa nakialam...