Chapter 8

287 7 1
                                    

CHAPTER EIGHT
IKATLONG araw mula ng unang outbreak ng chickenpox ni Yuki at nasa pangangalaga pa rin siya ni Jester. Dahil sa pamamalagi niya roon ay medyo naging mabait na ito sa kanya. Hindi man ito masyadong nag-o-open up pero wala na siyang nakikitang iritasyon sa anyo nito kapag kaharap siya. It was like they were back to being friends. Hindi man iyon katulad ng inaasahan niya pero at least, normal na ulit ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Abala siya sa pagkain na inihanda ng binata habang ito naman ay naghahanda para pumasok sa trabaho. Ayaw pa sana siya nitong iwan pero siya na mismo ang nag-insist na kaya na niyang mag-isa. Umeepekto naman ang gamot na binili nito para sa kanya dahil hindi na nga masyadong dumami ang pantal niya sa katawan. And besides, hindi siya obligasyon ng binata. Ayaw niyang maistorbo pati ang trabaho nito dahil lang sa hindi niya kayang pangalagaan ang sarili niya.
Napalingon siya sa bukana ng kusina nang may maramdamang presensiya na nakatayo roon. Muntik pang mahulog ang kutsarang hawak niya nang paglingon ay ang abs kaagad ni Jester ang kanyang nabungaran. Watdapaks! Jusmio Santisima!
Awtomatikong napalunok siya kahit wala namang laman ang bibig niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay ganoon na lang ang pamumula ng mukha niya nang makitang nakatingin sa kanya ang binata. He was obviously hiding a grin when she met his eyes.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagconcentrate sa pagkain. Pinaka-iwas-iwasan niyang tapunan ulit ito ng tingin. Bakit ba kasi hindi man lang ito nagdamit? Hindi ba nito alam na mahina ang puso niya pagdating sa abs nito? Utang na labaaas!
"Jes-
"Yeah, yeah. I look hot and irresistible," he smiled smugly.
Umawang ang mga labi niya. Balak niya sanang sawayin ito na magsuot ng damit pang-itaas, pero hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito.
She broke the silence with laughter. Kahit ito ay hindi rin napigilan ang paglawak ng ngiti hanggang sa nakikisabay na rin ito sa tawa niya. It has been a while since they laughed together and it felt wonderful.
"Utang na labas, Jester. Put a shirt on," nakairap na sambit niya habang malawak pa ring nakangiti rito.
"Why? Don't tell me, my body affects you?" his brow arched, eyes dancing with mischief.
Muntik na niyang ibato rito ang hawak na kutsara para itago ang pagkapahiya. Masyado siyang guilty para sakyan ang biro nito.
"Ang kapal ng mukha mo," aniya at saka tumayo para pumunta ng lababo. At para itago ang pamumula ng mga pisngi niya. Hindi siya kailanman nakaramdam ng ganoon kay Aimon. Kunsabagay, hindi naman kasi naging playful ang nobyo niya kahit minsan. O, kung may pagkakataon man, hindi niya iyon masyadong pinapansin. Ngunit iba pagdating kay Jester. Nawawala sa tamang lugar ang mga cells at neurons niya kapag lumalapit ito sa kanya. Pakiramdam niya ay nagso-short circuit palagi ang utak niya.
Napatayo siya nang deretso nang maramdaman ang paninindig ng balahibo sa batok niya. Bago pa man siya makahuma ay nasa likod na niya ang binata.
"Breathe, Yum," nanunuksong bulong nito sa tainga niya bago tuluyang lumabas ng kusina. Noon niya lang rin napansin na pigil-pigil pala niya ang kanyang hininga.
Napabuga siya ng hangin at pasimpleng hinagod ang kumakabog na dibdib. Syet! Ang lakas lang ng tibok ng puso niya. Hindi lang dahil sa kilabot na naramdaman niya nang marinig ang suwabeng boses nito malapit sa tainga niya, kundi dahil sa ikalawang pagkakataon ay narinig na naman niya ang dating tawag nito sa kanya.
Nang una nitong sabihin iyon habang nagpa-panic siya sa loob ng banyo ay hindi kaagad siya nakaimik. She was caught off guard. Hindi niya inaasahang maririnig pa niya iyon mula rito. But at the same time, it brought a calming effect to her. After everything that she'd done, he was still nice to her. Maybe it's time to talk to him. He deserved to know the truth.
Paano kung hindi ka niya tanggapin pagkatapos mong ipagtapat sa kanya ang lahat? Paano kung lalo lamang siyang magalit?
Mariin siyang pumikit. Ayaw man niyang mangyari ang mga bagay na iyon pero kailangan niyang gawin ang tama. Besides, iyon naman talaga ang plano niya dati pa. Why prolong the agony?
KINAGABIHAN ay tahimik lamang sa isang sulok ng sala si Yuki habang si Jester naman ay nasa kabilang dako ng sofa at nanonood ng balita. She knew he was starting to think what's wrong with her. Mula nang dumating ito ay hindi siya masyadong nagsasalita ngunit hindi ito nag-abalang magtanong sa kanya. Hindi rin naman niya alam ang isasagot dito kung nagkataong mag-usisa ito. She was still busy contemplating words in her head.
"What's wrong, Yuki?" hindi na nakatiis na tanong ng binata.
Hindi pa rin siya umimik. Nanatili lamang na nakatikom ang kanyang bibig habang iniisip kung paano magsisimula sa lahat ng sasabihin niya rito.
"Yumeirah-
"I'm sorry."
"What?" kunot-noong tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga bago humarap dito. "I'm sorry for hurting you," she blurted out. "I just want you to know that I did it because I wanted to protect you," aniya sa maliit na boses.
Mula sa nakakunot nitong noo ay kitang-kita niya kung paano ito natigilan at dumilim ang anyo nito. He was back again from that stranger she met at the restaurant. His eyes went cold and distant. Nakita niya rin kung paano ito humakbang palayo sa kanya na tila natatakot ito na baka saktan niya ito.
"Pinilit ako ni Mama na-"
"Bullshit."
"Jes, ayokong saktan ka. Kung may pagpipilian lang ako..."
His cold stares went after her. "Don't give me that fucking line, Yumeirah," umiiling na turan nito. "I don't know the whole story and I'm not interested to hear it anymore," he muttered before turning his back on her.
"Jes, pakinggan mo naman ako!" habol niya rito.
Tila wala man lang itong narinig dahil deretso lamang ito sa kuwarto nito. Mabilis siyang tumayo at sinundan ito. He was on his way to his room when she reached his arm. He needed to hear the things she wanted to say. Kahit na murahin pa siya nito ng paulit-ulit, basta malaman lang nito ang katotohanan. Na hindi niya itong ginustong saktan. Even if it won't matter anymore.
Tumigil ito ngunit hindi man lang siya nito nilingon.
"Jes, I never intended to hurt you," she swallowed hard when he flinched from her grasp. "She threatened me. Ang sabi niya, sisirain niya raw ang kinabukasan mo kapag hindi ako lumayo sa'yo. Aalisin ka raw niya sa scholarship. I... I had no choice," she croaked.
Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga pisngi. For the nth time, she let herself get hurt again. She let herself endure the pain again. That was her karma knocking on her door for the last seven years. Pinilit niyang balewalain iyon. But only time could tell when it would be better to face it. At ito na ang pagkakataon na iyon.
Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang mababang boses ni Jester. "Nang minahal kita, alam ko na na mahihirapan ako. Kaya nga hindi ako lumapit sa'yo. I was planning to love you from afar. But then fate had been good to me. Did you think I was stupid? You were out my league, Yumeirah. Pero nang sinabi mong mahal mo rin ako, pinilit kong kalimutan ang lahat ng iyon. Bakit? Kasi mahal na mahal kita. I was willing to give up everything for you."
Sa isang iglap ay nakaharap na ulit ito sa kanya. At halos madurog na paulit-ulit ang puso niya nang makita ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito.
"So, don't you fucking tell me that you left because you wanted to protect me. 'You want to know what I think? You're weak. You're a coward. Pinangunahan mo ako. You've made the decision for me and I'm telling you now that it was a terrible mistake!" pasigaw na sambit nito.
Pinahiran nito ang basang mukha gamit ang likod ng palad nito. "Sometimes, I wish I could hurt you the way you hurt me. Para maramdaman mo rin kung gaano kasakit ang iwan ka ng taong mahal na mahal mo. But, you know what hurts the most, Yumeirah? That deep down I know that if I had the chance, I wouldn't do it, because it would hurt me too," sambit nito at saka siya muling tinalikuran. He slammed the door in front of her face. Ngunit hindi niya iyon pansin. Mukha na siyang tanga na umiiyak sa harap ng nakasarang pintuan ng kuwarto ni Jester, pero hindi pa rin siya tuminag sa kinatatayuan. Malinaw pa ring nakarehistro sa utak niya ang sakit sa mga mata nito. Kung paano ito umiyak sa harap niya. She would've done anything to spare him the pain. Yet, she was the one who inflicted it to him.
AGONY was like a poison slowly seeping into people's vein until it reached its purpose. The heart. The ones that were exposed to it would feel the searing pain, the terror until they could no longer fight it. Ganoon na ganoon ang pakiramdam ni Jester habang paikot-ikot siya sa loob ng kanyang kuwarto. He was terrified to everything that was happening in his life right now. He was terrified that he might go back to that pathetic guy who wept into his feet when a woman left her. Lalo na kung ang babaeng tinutukoy niya ay nasa labas lamang ng kuwarto niya.
He heaved a deep sigh and slammed his ass on the bed. Ano ba itong napasok niya? Dapat ay ideneretso na lamang niya ito sa apartment nito kanina. Or better yet, he should've left her in that waiting shed. Hindi na dapat siya nagmagandang-loob na pasakayin ito sa sasakyan niya. Then maybe he wouldn't be close to self-destruction right now. Hindi sana niya nasinghalan si Yuki nang wala sa oras.
Fuck! He couldn't believe he just cursed her. True, she had hurt him but he doesn't have the fucking right to say those nasty things. She just doesn't deserve it.
Napahilamos siya ng mukha bago tumayo at tumungo malapit sa bintana. Malakas na naman ang ulan. Tila nakikisabay iyon sa galit na nararamdaman niya. Galit para sa babaeng minsan niyang minahal at para na rin mismo sa kanyang sarili.
Katulad ng kanyang pangalawang pangalan, nakilala siya ng mga tao na walang pakiramdam. Walang pakialam sa mundo. Bato. It was not about the nurturing. God knew how much his family loved him as much as he loved them. Ngunit may isang bahagi talaga ng pagkatao niya na mahirap abutin. Well, until Yuki came in his life. Nang unang beses na makita niya ito, alam niyang may nagbago sa kanya. She was the sunshine in his life. She had placed something in his hollow heart. Hanggang sa nagbago na rin ang pintig ng puso niya.
It was supposed to be an unrequited love. Iyong mamahalin niya lang ito mula sa malayo. Hindi naman siya ganoon ka-ambisyoso para isiping magkakaroon siya ng pag-asa rito. They were too different persons in a different world. Mayaman ito. Mahirap siya. Idagdag pa na ang mga magulang nito ang sumusuporta sa pag-aaral niya. And that was why he kept his distance. He stayed quiet and loved her from afar. But then, that fucking bastard, Jeff, had to get in the picture and ruined the "almost" perfect relationship she had with Yuki. He'd became her hero all of sudden. And voila! Nagkalapit silang dalawa ng dalaga hanggang sa hindi na niya napigilan ang sariling magtapat dito. At ang suwerte niyang tukmol para malaman na mahal din siya nito.
Everything was perfect. Everything was in its proper places. Until... she left him.
Humugot siya ng malalim na hininga sa pagbabalik ng mga alaala niya. Naninikip na naman ang dibdib niya. Dragging his ass and feet, he walked towards the door. Wala na siyang marinig na ingay sa labas. Hindi na siya magugulat kung umalis man si Yuki kahit na parang connect the dots ang balat nito. He was such a perfect example of being an asshole. Fun-fucking-tastic.
Again, filling his lungs with air, he braced himself before opening his bedroom's door.
Katahimikan ang unang sumalubong sa kanya. Katulad ng mga nakalipas na gabi na umuuwi siya sa kanyang unit. Ganoon na ganoon din katahimik, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngayon lamang siya nakaramdam ng kalungkutan. Only now, he thought that something was missing in his place. Or someone.
Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at tumungo sa kusina. He needed a drink. Now, that he was totally alo-
He stopped on his tracks. The words trying to contemplate again in his brain while gazing down at the woman lying uncomfortably on his sofa.
Yum... Bakit hindi pa ito umalis? Pagkatapos ng mga masasakit na salitang ibanato niya rito, bakit naisipan nitong manatili roon?
Niyuko niya ang babaeng mahimbing na natutulog, bahagya pang nakaawang ang mga mapupulang labi nito. Her face was carved like an angel. Naalala pa niya ang unang beses na makita siya nito, gulat kaagad ang unang rumehistro sa mukha nito. Ang akala niya ay matatakot ito sa kanya, kaya siya mismo ay nagulat din nang umupo ito sa tabi niya at magpresinta pang suklayin siya. Sino ang matinong tao ang magsusuklay ng buhok ng isang estranghero? If she had done it to someone other than him, baka naging bayolente na siya.
Her hands... which felt naturally good against his hair. Her fingers which perfectly fitted with his.
Natigilan siya nang dumako ang tingin niya sa mga daliri nito. Shit! How could he forget? Ikakasal na pala ito. Patunay ang isang singsing sa palasingsingan nito. Ang singisng kung saan siya pa mismo ang maingat na naglagay sa lintek na chocolate mousse na iyon.
Napabuga siya ng hangin. It would never be the same for them.
NANG magising si Yuki ay wala na si Jester. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Dapat ay kagabi pa siya aalis, pero naisip niyang magpaalam muna sa binata at magpasalamat. Ngunit bigo pa rin pala siya dahil nakaalis na ito nang gumising siya.
Tumawag na siya kanina sa station na hindi pa rin siya makakapasok ng araw na iyon. Maraming tumatakbo sa utak niya. Isa pa, gusto niyang umuwi sa kanila. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakatapak sa mansion ng mga Barcelona. Iyon na siguro ang tamang panahon para harapin niya ang mga kinakatakutan niya.
Nang matapos siya at handa ng umalis ay inilibot niyang muli ang kanyang paningin sa kabuuan ng apartment ni Jester. It would probably be the last time that she was going to be there. At least, kahit papaano ay alam niyang nasa maayos itong kalagayan.
With a last glance, she closed the door and made sure it was securely locked.
Isa na lamang ang hinihiling niya, na sana ay maging masaya si Jester sa buhay nito. Hindi man naging tama ang lahat para sa kanila, hindi niya pinagsisisihan na dumating ito sa buhay niya. In fact, he was the best part of it. But sometimes, when all the things that you've done still weren't enough to make everything alright, you'd realize that the only option was to let go. At kailangan na niyang simulang gawin iyon. He deserved to be happy after all the pains that she had caused to him. Hindi ito masamang tao. Nagkataon lang na nasaktan ito at pinoprotektahan lang ang sarili na huwag maulit ang bagay na iyon.
She held her hand on eye level and looked at her engagement ring. The night Aimon proposed to her was one hell of a night. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. She was utterly speechless for God knew how long. Nang mahimasmasan ay kinausap niya ito. Sinabi niyang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. And it was not because of shock. He knew it also. Bumakas ang disappointment sa mukha ng kanyang nobyo ngunit maya-maya lang rin ay ngumiti ito. Naiintindihan daw siya nito at handa itong ibigay ang lahat ng oras na kailangan niya.
"It's fine. It's not as if I'm not used to waiting," nagawa pa nitong magbiro sa kanya.
Yes. He had always been patient for her. God, bakit ba kailangang maging komplikado ang lahat ng bagay sa paligid niya? Bakit hindi nalang puwedeng maging simple ang lahat?

Playing With ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon