CHAPTER FOUR
“THIS is Yuki Barcelona, reporting live at Malacañang Palace,” pagtatapos ni Yuki sa report niya. Nang sumenyas ang cameraman niyang si Steeve na off record na ay doon lamang siya umalis sa harap ng camera. Iniabot niya ang hawak na microphone sa assistant niyang si Lilyn at binigyan naman siya nito kaagad ng isang bottled water. Magpapahinga muna sila sandali bago bumalik sa studio na pinagtatrabahuhan nila. Kasalukuyang nasa harap sila ng Malacañanang kung saan dumagsa ang mga raliyista. Mabuti na lang at napapayag niya ang isa sa mga ito na ma-interview kanina. Mababait naman ang mga ito, actually. Nagkataon lang na hindi magkasundo ang mga pamantayan at paniniwala ng mga ito sa pamamahala ng bansa.
“Aalis na ba tayo, Yuki?” maya-maya ay tanong ni Steeve sa kanya. She has been working with him for four years, kaya halos alam na nito ang mga gusto at ayaw niya. Parang kuya na rin ang turing niya rito at nakababatang kapatid naman siya rito.
Apat na taon na siyang nagtatrabaho bilang isang news reporter. Sa wakas ay natupad rin niya ang kanyang pangarap. Plus, she was able to get her own apartment also. Kahit papaano ay nakatulong sa kanya nang ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa ibang bansa. Hindi na siya nakatapos pa ng ikatlong taon niya sa kolehiyo sa Pinas dahil bigla na lamang siyang pinahinto sa pagpasok ng mommy niya. After two weeks, she gave her her visa. Doon na raw siya magpapatuloy ng pag-aaral. Walang tigil ang iyak niya mula nang sabihin iyon ng mommy niya. Her mom took everything from her. For months, palagi siyang bantay-sarado. Yung cellphone niya na tanging contact sa binata ay kinuha rin ng kanyang ina. She tried sending him letters but it just kept returning to her. Then she realized baka sobrang galit sa kanya ni Jester at ayaw na siya nitong kausapin pa. And when she had the chance to call him, hindi na rin siya nagkalakas ng loob pang tawagan ito dahil sa guilt na nararamdaman niya. How could she deserve forgiveness when she didn't even say goodbye? How could she wish for happiness with him when all she did was hurt and left him? Wala siyang makapang kahit kaunting kasiyahan sa dibdib niya. She actually left the man she loved, without even saying goodbye. All she could feel was the agonizing pain creeping her heart. All she could think of was... Jester. Kung ano na kaya ang iniisip nito sa biglaang pagkawala niya? Kung galit ba ito, o nagtatampo? She was miserable.
Nang makatapos siya ng kolehiyo sa States ay kaagad siyang nagdesisyon na bumalik ng Pilipinas. Her heart was screaming for freedom. Gusto na niyang bumalik at hanapin ang binata. Ipaliwanag dito ang nangyari at suyuin ito. She wanted to make things right. Ngunit hindi nangyari ang kanyang kagustuhan. Nagkaroon ng problema sa papers niya at kinailangan pang i-renew ang kanyang passport. She waited for almost a year to fix everything. Habang naghihintay na matapos ang lahat ng kailangan niya ay naghanap muna siya ng trabaho. Naging personal assistant siya kahit na wala iyon sa linya ng kurso niya. Pagkatapos niyang maka-graduate ay hindi na niya tinanggap pa ang allowance na pinapadala sa kanya ng mga magulang niya. Kung gusto niyang mabuhay ng mag-isa, naisip niyang kailangan na niyang simulan na huwag umasa sa mga ito.
And now, it has been seven years already. Pitong taon na mula nang halos isumpa niya ang kanyang mommy sa pakikialam nito sa kaligayahan niya.
Naipilig niya ang kanyang ulo. “Sige. Magligpit na tayo at malapit nang gumabi,” pagkuwa’y tugon niya sa kasama.
Tinulungan niya ang mga ito na ilagay ang mga gamit sa van at pumuwesto na katabi ni Lilyn. Kanina pa siya nakakaramdam ng pagod at nanlalagkit na siya. Gustung-gusto na talaga niyang magbabad sa shower hanggang maginhawahan siya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. She was dead tired and exhausted. Nag-eenjoy rin naman siya sa tabaho niya, pero pakiramdam niya palagi ay may kulang.
Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang ringtone ng cellphone niya. Kinapa niya ang kanyang bag at kinuha ang nag-iingay na aparato. It was Aimon. She met him few years ago during an interview. Isa itong kilalang artist at nagkataong naging subject niya ito sa kanyang show. Pagkatapos ng interview niya rito ay nagkausap silang dalawa. They found out that they had lot of things in common. Naging mabuting kaibigan ito sa kanya, hanggang isang araw ay bigla na lamang itong nanligaw sa kanya. Hindi niya iyon tinanggap. Ilang beses niya itong sinabihan na hindi pa siya handang magmahal at ilang beses rin siya nitong sinagot na handa itong maghintay. And wait, he did.
Eventually, natutunan na rin niyang i-open ang sarili rito. Naisip niya, ilang taon na rin ang nakakalipas na walang lalaki sa buhay niya. Maybe all she needed was another companion. Baka doon palang siya tuluyang makakapagmove-on. Sinagot niya ito. Hoping that Aimon would be able to help her forget her past. Naging masaya naman siya sa piling nito. Hanggang sa nahulog na rin siguro ang loob niya sa binata. At ngayon nga ay mag-iisang taon na ang relasyon nila.
“Hello?” bungad niya nang sagutin ang tawag nito.
“Hi, babe. How’s your day?” pangangamusta nito.
“Okay lang. Exhausting, as always. How about yours?”
“Fine, I guess. Anyway, I called because I want to ask for your plans tomorrow.”
Napakunot-noo siya. Ano na nga ang mayro’n bukas? Darn! She always tends to forget special occasions. Iyon ang kadalasan na pinag-aawayan nilang dalawa.
Napailing siya. Parang kailan lang ay tandang-tanda pa niya ang bawat araw na lumilipas. Ang bawat araw na mangyayari sa hinaharap. Ngayon...
“Surprise me,” sambit niya.
“Surprise you?” alanganing wika ni Aimon sa telepono. “You hate surprises, Yuki,” dugtong nito.
Crap. Oo nga pala. Pati ba naman iyon ay nakalimutan niya?
Nasapo niya ang kanyang noo. Kapag sinabi niya ritong nakalimutan niya ang okasyon bukas ay siguradong magagalit na naman ito at pagmumulan na naman iyon ng away nila.
Tumikhim siya. “Well, there’s always a first time, right?” kagatlabing sambit niya.
Bahagya itong natawa. “Hmm. I think you’re right. Okay, I’ll handle everything tomorrow. I gotta go. You take care. I love you,” paalam nito.
“Okay. Take care also. Bye,” aniya at pinatay ang linya.
Isinilid niyang muli ang cellphone sa kanyang bag. Sumandal siya at humugot ng malalim na hininga. Dapat bago siya matulog mamaya ay maalala na niya kung ano ang mayroon bukas at bakit tila masayang-masaya ang tinig ng nobyo niya.
“Bye lang? Wala man lang I love you?” untag sa kanya ni Lilyn.
Lumipad ang tingin niya rito. “Err... Alam na niya 'yon,” tugon niya.
“Kahit na. Mas maganda pa rin na paminsan-minsan ay sinasabi mo na mahal mo ang isang tao. 'Di ba, Steeve?” baling nito sa kasama nila na abalang nagda-drive.
Nakangiting tumango naman ang huli.
Of course, she knew that also. Minsan rin namang naging constant dialogue niya ang mga salitang iyon. She remembered how she’d start her day texting Jester how much she loved him. Then he would reply that he loved her even more. Those were the sweetest days of her life. Ngunit hindi na ngayon. Hindi na nga niya halos masabi ang mga salitang iyon. Everytime she would try to utter those words, ibang tao ang naaalala niya.
Pitong taon... Minsan tinatanong niya ang sarili kung nakapagmove-on na ba talaga siya. Kung wala na ba talaga sa puso niya ang lalaking pinangakuan niyang mamahalin hanggang magpakailanman. Dahil kung oo, bakit may mga araw at gabi pa ring naaalala niya ito? Bakit may mga panahon na bumabalik sa kanya ang sakit na dulot ng pag-iwan niya rito? Mahabang panahon na ang lumipas, pero naiisip pa rin niya ito. Naiisip pa rin niya na paano kaya kung hindi siya umalis? Paano kaya kung sinuway niya ang kanyang ina at pinili ang binata? Siguradong masaya siya ngayon. But then she would always blame herself for ruining Jester’s life.
She shook her head inwardly. Mabuti pang nagka-amnesia na lang siya para hindi gumugulo nang ganoon ang utak niya. She really should focus to Aimon now. Ito na ngayon ang present at hopefully ay future niya.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Yuki. Pahinga niya nang araw na iyon pero kailangan niyang pumunta ng mall para bumili ng regalo para kay Aimon. Kagabi habang abala siya sa panonood ng balita ay may lumabas na patalastas ng isang teleserye. The couple was enjoying their anniversary. Then it suddenly dawned to her, first anniversary nga pala nila ng kanyang nobyo! Laking pasasalamat niya sa drama serye na iyon at naligtas siya sa posibleng war zone na naman sanang mangyayari.
She took her purse and locked her apartment. Wala siyang sasakyan kaya magko-commute lang siya. It was her choice not to buy a car. Paano nga ba naman siya matututo sa buhay kung gagayahin pa rin niya ang kanyang kinalakihan? Nakatulong rin ang tatlong na taon na pamamalagi niya sa States ng mag-isa.
Ilang oras rin ang inilibot niya sa mall nang sa wakas ay makapili rin siya ng ireregalo rito. She chose to buy him sets of paintbrush. Malay ba naman kasi niya sa ginagawa nito? All she knew was he paint. A lot.
Oo na. Hindi siya nakikinig kapag nagkukuwento ito tungkol sa ginagawa nito. Kahit anong pilit niya na maka-relate sa ligang kinagagalawan ng nobyo ay hindi niya talaga mapilit ang sarili. Only then she would end up thinking about different dishes.
Napahugot siya ng malalim na hininga. Ito na naman ang walang humpay na pagre-reminisce niya. She really should stop thinking about her past.
Pagkatapos niyang magbayad sa cashier ay naisipan pa muna niyang maglibot-libot. Matagal na rin pala siyang hindi nakakapag-malling o kahit mamasyal man lang. Wala naman kasi siyang puwedeng isama o ayain. Kung tutuusin, wala talaga siyang matatawag na kaibigan. Darn, but she was one hell of a loner. Noong nasa kolehiyo siya ay sobrang nagfocus siya sa kanyang pag-aaral. When Jester came into her life, her world revolved on him also. Nang umalis naman siya ng bansa, hindi na siya nag-abala pang makipagkaibigan. Masyado siyang depressed nang mga panahong iyon para magawa pa ang mga bagay na iyon.
Akmang papasok na siya sa isang boutique nang matigilan siya nang may mahagip ang kanyang mga mata. She stopped on her tracks and gazed at the man few meters away from her. Bahagya itong nakatalikod sa kanya habang may kausap na isang lalaki. She could only see his sideways.
He looked so familiar. His tousled black hair. His strong angled-jaw. The curve on his lips.
Nanlaki ang mga mata niya. Shit! It was Jester! Sigurado siya sa bagay na iyon. Kahit na ilang taon na ang nakakalipas ay alam na alam pa rin niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Hindi siya maaaring magkamali. Ito talaga ang binatang matagal na niyang hinahanap at ipinagdarasal na sana ay makita niyang muli.
Bigla siyang tumalikod rito. Okay, this was so unexpected. Ano na ang gagawin niya ngayon? Isang galaw lang nito paharap sa kanya ay makikita siya nito sigurado. Handa na ba siyang makaharap ito? Ano naman ang sasabihin niya kapag nagkaharap silang dalawa? Kilala pa rin kaya siya nito?
Say, hi, for starters, udyok na isang bahagi ng isip niya.
Yes. She should do that. Hindi naman siguro ito magdadamot ng salita sa kanya. Besides, they were once the sweetest couple in their school.
Humugot siya ng malalim na hininga bago muling lumingon sa direksiyon nito. Ngunit hindi na niya nakita ito sa kaninang puwesto nito.
Nasaan na ang lalaking 'yon?
Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa mangawit ang kanyang leeg, pero hindi na niya ito muli pang nakita. Sinubukan niya ring pumasok sa halos lahat ng boutiques sa pag-aakalang baka pumasok ito isa man sa mga iyon, ngunit bigo siya.
Whirlwind.
Napabuntong-hininga siya. She finally saw him. Pagkatapos ng pitong taon ay muli niyang nasilayan ang guwapong mukha nito. Kahit naka-sideview lang ito kanina ay alam na alam niyang ubod pa rin ito ng guwapo katulad ng dati. Sayang at hindi man lang niya ito nakausap. Pinangunahan siya ng takot at karuwagan.
Makikita pa kaya niya itong muli? Would she be able to have a chance to talk to him? A chance she failed to have few years ago. Kumusta na kaya ito ngayon? Kung pagbabasehan ang nakita niya kanina rito, mukhang naging matagumpay rin ito kagaya niya. Chef na kaya ito ngayon katulad ng pangarap nito noong nasa kolehiyo palang sila?
“Kapag naging chef ako, Yum, ikaw ang magiging taga-tikim ng bawat luto ko. Bubusugin kita, hindi lang ng pagmamahal kundi ng pagkain. Para naman tumaba ka,” naklangising sabi ni Jester kay Yuki.
Inirapan niya ito. Palagi na lamang nitong napapansin ang pagiging payat niya. He always told her that gaining weight would surely make her look better. And everytime she would ask him if he’s trying to change her, he’d say: “Hindi ko sinasabi 'to dahil gusto kong baguhin ka. Tanggap ko kung ano ka, Yum. Kesyo payat o mataba. May ngipin o wala.”
He would always make her swoon by saying the right words. Kaya imbes na magtampo rito ay mas lalo pa niya itong minamahal.
“Tapos kapag nakaipon na ako, magtatayo ako ng restaurant. Hulaan mo kung ano ang ipapangalan ko,” malawak ang ngiting wika nito.
Nagkibit balikat siya.“I have no idea,”aniya.
He frowned. “Masyadong mahaba 'yon.”
Natawa ito nang hampasin niya ito sa dibdib. Then he took her hand and kissed her palm. “Yum With Kisses,” malamlam ang mga matang turan nito.
Humaba yata ng ilang metro ang buhok niya nang mga sandaling iyon. Kung tutuusin ay napaka-baduy ng pangalang napili nito, pero kiber ba? Ilang libong babae ang nagpapantasya na sana ay may dumating na korning lalaki sa buhay ng mga ito. At ngayong may isang naligaw sa kanya ay hindi na niya iyon pakakawalan pa.
“Yum With Kisses? Puwede na,” she stifled a smile.
He chuckled.“Choosy ka pa,”anito at pinisil ang ilong niya.
Naisip niya, iyon pa rin kaya ang ipapangalan nito sa restaurant na itatayo nito kahit na wala na sila? Or was he going to change it to the name of his present girlfriend? Or wife?
Biglang nanikip ang dibdib niya. Parang hindi kayang tanggapin ng henyong utak niya ang mga salitang iyon.
What do you expect, Yuki? Na mananatili itong single habang buhay? That he would keep his promise to you? Huwag kang ambisyosa, girl. Ikaw ang nang-iwan. Get a grip of yourself!
I promise to love you. Always and forever...
Napabuga siya ng hangin nang umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip niya. Hindi na talaga dapat niya iniisip ang mga bagay na iyon. Matagal ng natapos ang lahat sa kanila. Their relationship ended. Tapos na. Finished.
Move on, Yuki!
PAGSAPIT ng hapon ay muli siyang tinawagan ni Aimon. He reminded her about their dinner date later. Sinabihan pa siya nito na magbihis ng maganda na ipinagtaka niya. Kahit kailan ay hindi siya nito pinakialaman sa kanyang wardrobe. But then, she thought, maybe he just wanted her to look good since they’d be celebrating their first year anniversary. Hindi naman siya mukhang gusgusin, pero kontento na siya palagi sa kanyang long sleeves at slacks na outfit.
Pasado alas-singko ng hapon nang magdesisyon siyang maghanda na. Tamang-tama lamang iyon kapag sinundo siya nito ng alas-siyete. Naligo siya at nagbihis. Pinili niya ang isang simpleng bestida na hanggang tuhod. It’s a tube dress showing her curves. Hinayaan niya lang na nakalugay ang tuwid niyang buhok at nag-apply ng kaunting make-up.
She opened the drawer where she put her jewelries, when she saw the hairpin Jester gave him before.
“Bagay sa'yo,” mula sa kanyang likuran ay sumungaw ang ulo ng kanyang nobyo.
Nasa isang boutique sila at namimili siya ng pang-ipit sa buhok nang iabot nito sa kanya ang hairpin na hawak niya. Isa iyong maliit na korteng puso at napapalamutian ng mga kumikinang na bato. It was beautiful.
“Akin na,” wika nito.
“Ita-try mo rin?” biro niya.
He chuckled. “Hindi. Baka kasi ma-insecure ka,” pagsakay nito sa kanya bago bumaling sa isang saleslady na nakangiti sa kanila.
“I’ll buy this one,” sabi nito sa babae.
Nang makalabas sila sa boutique ay ibinigay nito sa kanya ang biniling hairpin.
“Stay as beautiful as you are. As beautiful as your heart, okay?” nakangiting sambit nito.
Hindi niya napigilang maluha sa mga sinabi nito. Sa harap ng maraming tao ay bigla na lamang niya itong nilundag ng yakap. How could she deserve someone like him? Ipinapangako niya sa kanyang sarili na mamahalin niya ito hanggang kaya niyang magmahal. As always and forever. And if forever might be a lie, then she would love him for the rest of her life. And to her next and next and next, until it reached forever.
A promise she aimed to fulfill.
Napaigtad si Yuki nang makarinig ng sunud-sunod na katok. Kung saan-saan na naman inanod ang diwa niya.
She took another glance in the mirror. The woman looking at her was beautiful. But with sad and teary-eyes. She’s empty. Akala niya ay tapos na siya sa yugto ng buhay niya kung saan puno iyon ng kalungkutan. Everything seemed to be doing just fine. But then she had a glimpse of him, and she’s back at square one again.
She heaved a deep sigh. Niyuko niya ang hairclip na hawak, pagkatapos ng ilang sandali ay ibinalik niya iyon sa drawer. What she was doing now was so wrong. Hindi niya puwedeng isipin si Jester habang nasa isang relasyon siya. Nagiging unfair siya kay Aimon. She needed to do something.
Muli siyang nakarinig ng mas malalakas na katok. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang naiinip na mukha ng nobyo.
“'Sorry,” hinging paumanhin niya rito.
Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa bago mabagal na ngumiti. “Forgiven,” wika nito sabay abot ng isang pumpon ng bulaklak sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi bago pumasok sa loob ng apartment niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito. Kung tutuusin ay hindi na siya lugi kay Aimon. He was handsome, nice and sweet. Matalino rin ito at may ipagyayabang sa buhay. Hindi na nga siya nagtaka nang hindi man lang tumutol ang kanyang mommy nang ipakilala niya ito. In fact, she was so eager to meet him. Kung sana ay ganoon rin ito sa unang lalaking minahal niya.
“You’re staring at me, babe,” puna sa kanya ni Aimon.
She smiled. “Ang guwapo mo kasi,” aniya.
Umangat ang kilay nito na tila hindi naniniwala sa kanya, pero maya-maya lang ay gumanti rin ito ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Playing With Forever
RomanceIt only took a heartbeat when Yuki and Jester fell in love with each other. Kahit na parehong nasa magkaibang mundo, ay hindi iyon naging hadlang para sa pagmamahalan nilang dalawa. Their relationship was quite close to perfect, hanggang sa nakialam...