Entry 000 - 09/11/17
AKO AY ISANG KUNEHOAko'y isang munting puting kuneho,
Makulit at matakaw na puting kuneho.
Noodles na hilaw ang aking paborito
At mahal na mahal ko ang higaan ko.Ako'y isang kunehong makata-kuno,
Isang baguhang manunula tulad ninyo.
Nais gumawa ng mga tugma at liriko
Ngunit madalang magsanay, kaya napag-iiwan ako.Ako'y isang kunehong medyo otaku
Musikang hapon ang laman ng playlist ko.
Mga theme song ng mga anime at mga tokusatsu
Mga lyrics ay matiyagang kinakabisado.Ako'y isang kunehong fan ng tokusatsu
Kamen Rider at Super Sentai ang inaabangan kada linggo.
Kahanga-hanga ang kanilang mga giant robo
Rider Kick ang iaalay upang maipagtanggol ang mundo!Ako'y isang kunehong medyo moody
Minsan sad, minsan happy, pero madalas talagang crazy!
Magugulat ka na lang sa bigla kong pagngiti
At pagsayaw at pagliligalig sa isang tabi.Ako'y isang malambing na puting kuneho
Maalalahanin sa mga nagiging kaibigan ko.
Di man ipakita, ngunit ipapadama sa inyo
Kayo'y tutulungan sa abot ng makakaya ko.Ako'y isang kunehong maraming kapintasan
Minsan ay manhid at may pagkamayabang.
Kapag nabugnot ay biglang magsusuplado
Ngunit handang itama ang mga pagkakamali ko.Ako'y isang kunehong maituturing na anino
Anino ng aking dating pagkatao
Pagkataong winasak ng taong minahal ko
Inakalang totoo, ngunit ginamit lang pala ako.Ako'y isang kunehong kung magmahal ay totoo
Di hahayaang masaktan ang minamahal ko.
Asahang hindi ako mawawala sa tabi mo.
Ayos lang sa'kin kung hanggang kaibigan lang ako.Ako'y isang munting puting kuneho
Isang kakaibang puting kuneho.
Oo nga pala, nalimutan kong magpakilala.
Hiro ang pangalan ko, ikaw--anong ngalan mo?
BINABASA MO ANG
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.