Extra 007 - 07/11/19
TULA NG NILALAGNATLagnat nga ba, o lab-nat? Hindi kasi nag-iingat!
Bakit ng ba kasi 'di pag-isipan ang lahat?
Dahil sa malamig na patak ng ulan sa'king balat
Ngayon tuloy ay nagkasakit--inaapoy na ng lagnat!Bakit nga ba nagpaulan kahit galing sa puyatan
Matiyak lamang na ligtas ang kanyang paroroonan?
Dahil ba sa kanya, na di mawala sa'king isipan
Kaya ba muling gumagawa ng mga katangahan?Bakit ba hinahayaan ang sarili na masaktan
Kahit na marahil ako'y pinagtitripan niya lang?
Bakit sa iyo pa, na matagal ko nang kakulitan?
Ako ba'y nahulog na--o nagugulumihanan lang?Ba't 'di kayang maging tapat sa tunay kong nadarama?
Bakit di pa umamin sa taong aking sinisinta?
Teka nga lang--ano bang silbi kung sabihin ko sa 'yo?
Hindi naman siguro ako ang taong gusto mo, no?---o---
Ginawa ko 'to nung hindi pa kami ng bebe ko. Akala ko kasi... Haha!
BINABASA MO ANG
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.