Extra 006 - 11/16/18
HAIKU NG MGA BITTER
(Para sa mga taong ampalaya.)000: Forever
Hahahahaha!
Seryoso? Patawa ka?
Walang ganun, ha!001: Ikaw
Asan ka na ba?
Kailan ka uuwi?
Miss na kita, eh.002: Sa'yo
Di ko na kaya.
Pagod na'kong umasa.
Sakit talaga.003: Siya
Tama na, tanga!
Huwag magpakahangal!
Di ka niya mahal!004: Ako
Di mo man gusto,
Ika'y mamahalin ko.
Puso ko'y sa'yo.005: Crush
Gusto nga kita!
Bakit di mo makita?
Manhid talaga!006: Kayo
Wag nang umasa.
Hanggang pangarap lang.
Iyak ka na lang.---o---
Matagal na rin 'tong nakaimbak sa cellphone ko. Mga one year na siguro. Ngayon lang naglakas-loob. Hahaha!
BINABASA MO ANG
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.