Entry 024 - 08/10/19
PAGSISISI'Di nag-iisip ng husto dati,
Kaya ngayon ay nahihirapan.
Tunay ngang huli ang pagsisisi--
Mga problema'y kaliwa't kanan.Ginagawa ko naman ang lahat
Ngunit palaging may humahadlang.
Pakiramdam ko'y hindi pa sapat
Tila lahat ng gawin ay kulang.Kung bibigyan ng pagkakataon,
Sarili ko'y aking babaguhin.
Babalik sa nagdaang panahon
Nang makamtan ang aking mithiin.Sa ngayon, tanging magagawa ko
Palagi nang maging positibo.
BINABASA MO ANG
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.