Entry 012 - 10/14/17
SA PAGLISAN MOAyos lang.
Ayos lang sa'kin.
Ayos lang talaga sa'kin--kahit kinalimutan mo na ako.
Hindi lang naman sa isang tulad ko iikot ang iyong mundo.
Lalayo na rin ako, kung iyan ang nais mo.
Hindi na rin ako kailanman mang-iistorbo.Okay lang ako.
Magiging okay lang ako.
Magiging okay rin ako--kahit na 'di ko alam kung paano.
Umasa ako sa mga pangako mo, ngunit iiwan mo rin pala ako.
Pasensiya na mahal, kung hindi ako naging sapat.
Pasensiya na kung hindi man maibigay sa'yo ang lahat.Kaya ko.
Kakayanin ko.
Pangako, kakayanin ko--kahit na isip ay gulong-gulo.
Kailangan kong masanay nang wala sa piling mo.
Mahihigpit mong yakap ay hahanap-hanapin ko.
Sa panaginip na lang siguro kita laging makakatagpo.Paalam na.
Paalam na sa 'yo.
Paalam sa 'yo, at salamat dahil ika'y nakilala ko--
Ang nais kong iparating, kahit na puso ko'y nagdurugo.
Maging masaya ka sana sa iyong piniling daan.
Tunay kitang minamahal, iyan ang iyong pakatandaan.
BINABASA MO ANG
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.