Chapter 7

2K 38 0
                                    

Denden POV

Ang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyari? Tsk. Hmm. Date namin ni Myco, Break up tapos nag Bar ako. Oo nga pala :( Wala na kami, ang sakit. Pero teka? Panong nandito na ako sa kwarto? Eh wala naman akong natatandaan na may tinawagan?

"Besh. Buti gising kana, Tara kain na tayo. Buti wala tayong training ngayon"sabi ni Besh

"B-besh si M-myco niloko niya ako. Hindi na daw niya ako mahal kasi may iba na."

Bigla nalang nag unahan ang mga luha ko, Lumapit naman si Besh at niyakap ako.

"Sige besh, iiyak mo lang lahat ng yan. Pero sana last na to Besh, ayoko na makita kang nasasaktan ng ganito."sabi ni Besh habang hinihimas ang likod ko

"*sobs* Besh bakit ginawa niya sa akin yun? ano ba kulang sa akin? lahat naman ginawa ko para makuntento siya pero bakit niya ako ipinagpalit?"ako

"Kasi Besh manloloko siya. Besh wala kang kasalanan. Una palang talaga di ko na siya gusto para sayo eh."sabi naman niya

"Sana nakinig nalang ako sa inyo. Edi sana hindi ako nasaktan ng ganito."ako

"Besh, hindi mo naman kasalanan na mainlove. Syempre Love yan eh. Kaya tayo nasasaktan kasi minsan may mga tao talagang hindi makuntento."Besh

"Besh.. thank you ha. Kasi nandito ka."ako

"Sus ikaw pa ba? Love kita eh."sabi niya

Pinahid ko na luha ko.

"So ok kana ba?" siya

"Magiging ok din ako Besh"sabi ko at pilit na ngumiti

"Hay. Sige. O maligo kana, at bumaba. May niluto si Captain na soup para ma wala hang over mo"Besh

"Ah besh. Galit ba si Capt?"ako

"Nagalala lang kami kagabi. Pero di naman siguro. Kausapin ka nalang daw niya."besh

"Ah ok. Teka besh panu pala ako nakauwi?"Tanong ko

"Binuhat ka ni Ly."sabi niya. Teka Ano daw?

"Hahaha. Gulat ka nu? Oo Binuhat ka ni Ly papuntang kotse. Kasi lasing na lasing ka kagabi. Nakatulog ka na nga sa Bar eh. Buti mabait yung si Kuya na Bartender tinawagan ako. Kaya yun sinundo ka namin ni Ly."sabi niya

"Nakakahiya naman. Asan siya? Para naman mapasalamatan ko"sabi ko

"Umalis si Ly eh"sabi ni Besh

"Ah ganun ba. Sige. Pero teka bakit Ly nalang? wala ng Baby?"tanong ko

"Kasi naman eh. Na Beshzoned ako :(" sabi niya. Hahaha

"So siya na Besh mo?"mataray kung tanong pero joke lang.

"Hala hindi pareho kayo ang Besh ko kaya wag kana magalit Besh tsaka tinulungan ka naman niya diba kaya wag kana magalit."sabi niya

"Oo na. Akala ko ipagpapalit mo na ako eh."sabi ko

"di ah. Edi payag kana na TeamBesh tayong tatlo?"siya. Hahaha

"dami mo talagang alam besh. oo na po."sabi ko.

"Yeshhhh!!"sigaw niya

"o sige na. maliligo na ako."ako

"sige sa baba nalang kita antayin."sabi niya tapos bumaba na.

Hayy. di ko alam kung pano ako magsisimula. Ang hirap naman kasi ng ganito. Masakit pa din talaga. :( Hayy. Niligpit ko na higaan ko, at kumuha ng damit at naligo. Pagkatapos kung mag bihis ay bumaba na ako. Pababa ako sa hagdanan, lahat sila nakatingin sa akin. Di ko alam kung maiilang ba ako o ano eh.

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon