Chapter 9

1.7K 38 0
                                    

FilleChen na muna tayo. Baka maumay kayo sa AlyDen ☺️

Fille POV

Nakakainis. Kanina pa ako wala sa mood mag mula ng kumanta si Gretch. Sino ba kasi mahal niya? Bat di ko alam? Nakakainis. Inum lang ako ng inum hanggang sa matapos na silang apat kumanta. Eto na nakaupo na siya sa tabi ko pero di ko siya pinapansin. Kasi naman panay pa cute dun sa babae sa kabilang table. Teka? Si Michele Gumabao tu ah? Kaya pala panay pa cute niya Crush niya pala ang nasa kabilang table. Hindi ko na talaga kaya. Ang sakit na ang Landi parang di niya ako kasama ah! Tumayo na ako at tumakbo palabas narinig ko pang sumigaw si Gretch pero di ko pinansin dirediretso na ako sa parking lot. Naiiyak na ako ang sakit na kasi may mahal na siya huli na ako :(

"Fille.."humarap ako sa kanya.

Di ko na napigilan ang luha ko. Kaya yumuko nalang ulit ako.

"Sweetie. B-bakit ka umiiyak? May problima ba?"Tanong niya. Pero di ko siya sinagot patuloy pa din ako sa pag iyak.

"Fille. May kasalanan ba ako? Sorry na."sabi niya pa

"Fille.."

"H-huli na ba ako?"bigla kung tanong

"Ha?"Gretch

"May mahal kana pala. D-di mo sinabi sa akin. Ang sakit kasi akala ko.. Akala ko pwede tayo.. P-pero huli na yata ako"Naiiyak nanaman ako.

"A-ano ang ibig mong sabihin Fille?"siya

"Mahal kita. Sorry hindi ko naman balak guluhin ang lahat. Kaya kung mas masaya ka kay Michele ipauubaya na kita."sabi ko

Habang sinasabi ko yun, nakatingin lang ako sa kanya. Nagulat siya siguro kasi natigilan siya. Kaya aalis na muna ako. Pero nagulat ako nang hilain niya ako papunta sa kanya at niyakap.

"Wag kang umalis. Di mo ba itatanong kung sino ba talaga ang mahal ko?"Sabi niya habang nakayakap sa akin

"Alam ko naman kung sino eh. Si Michele diba? Kaya please. Hayaan mo na ako." Nagpupumilit ako na humiwalay sa pagkakayakap niya. Pero masyado siyang malakas kaya pinabayaan ko na nalang.

"Sweetie. Mahal kita."sabi niya

"Oo pero bilang Bestfriend lang diba? Alam ko naman. Wag mo na ipamukha."umiyak nanaman ako.

"Ssshhh. Wag ka na umiyak. Mahal kita matagal na Fille. Ikaw ang mahal ko ikaw ang tinitibok nito."Sabay turo sa puso niya

"Mahal kita kaya ok lang na masaktan ako nang malaman ko na nililigawan ka ni Lino. Mahal kita kaya ok lang na masaktan ako sa tuwing kinikilig ka sa mga pinapadala niya sayo. Mahal kita kahit selos na selos na ako sa tuwing bibisita siya sa Dorm. At mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na."Sabi niya habang nakatingin lang sa akin

Hindi ako makapagsalita. Totoo ba na ako ang Mahal ni Gretch?

"Di ka pa din ba naniniwala?"siya

"Magsalita kana man Fill--" pinutol ko ang sasabihin niya

Hinalikan ko siya at ikinagulat naman niya yun.

"Ang ingay mo. Hindi lang ako makapaniwala kasi. Buong akala ko iba Mahal mo."ako

"Hindi ka pa din ba makapaniwala? Kiss mo nalang ako ulit."Sabi niya

Kaya binatukan ko siya.

"Wag ka nga. Manligaw ka muna."ako

"Ikaw kaya nangkikiss ka bigla"siya

"Edi wag."sabi ko aalis na sana ako pero hinila niya nanaman ako.

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon