Chapter 8

2K 42 0
                                    

Denden POV

Bakit sa dinami dami ng Buffet Restaurant dito pa talaga. Ang sakit makita ang taong mahal mo na masaya kasama ang taong mahal niya.

"Den.." sabi ni Aly

"Ah. Ly. Punta muna ako ng Lady's Room ha?"Sabi ko. At umalis na.

Dirediretso ako papuntang Lady's room. Pumasok ako sa isang Cubicle at Pagkasara na pagkasara ko ng pinto eh bumagsak na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Shit lang. Ang sakit sakit. Bakit ganun? Bakit ko ba nararanasan ito?

"Besh.. Buksan mo ang pinto please" Besh Ella

Binuksan ko naman ang pinto at pagkabukas eh agad ko siyang niyakap.

"Besh bakit siya ganun? Bakit kailangan niya pa ipakita sa akin na hindi na niya talaga ako mahal Besh? Bakit niya ba ginagawa sa akin tu? Ang sakit na Besh. Sobrang sakit na talaga Besh."Sabi ko habang umiiyak ako

"Besh. Ssssh. Tahan na andito lang kami ok? Andito lang ako hindi kita pababayaan.."Sabi niya

Iyak pa din ako ng iyak. Buti andito si Besh. Hindi niya ako iniwan hanggang sa tumahan na ako.

"Thank you Besh. Ok na ako."sabi ko sa kanya. Tapos nag hilamos na.

"Andito lang ako para sayo Besh."Siya

"Ate Ells si Ate Den- ate den? ok kana Ba? yaan mo na, umalis na sila. Binugbug na ni Ate Gretch at ate Marge."sabi Baby Jho

"Pasalamat talaga siya wala ako dun."Besh

"Besh. Tama na ok na ako. Tara na. Tara na Baby Jho."sabi ko

At naglakad na kami papunta sa pwesto namin. Tinignan naman ako ng Team.

"Uy kain na. Para kayo namatayan eh. Ok na ako. Thank you Guys."sabi ko at pilit na ngumiti.

"Den ok lang na wag tayo tumuloy sa Bar. Next time nalang siguro."Aly

"No. Ayoko naman na hindi matuloy dahil lang sa nangyari ok? Ok na ako kaya tuloy pa din tayo. So Guys kain na baka malate pa tayo."sabi ko

"Sigurado kaba Dennise?"Captain

"Yes Capt."sabi ko at ngumiti

At yun kumain na kami. Ang tahimik nga eh.

"Guys para naman tayong namatayan. Di ako sanay."Sabi ko

"Oo nga eh. Nakakabingi nga eh. Puro pag nguya lang ni ate Ella naririnig ko"Baby Jho

"Aba ayos ka Jho ah. Ako nga akala ko may Vacant seat dyan sa gitna ni Amy at Jia eh." sabi ni Besh

Natawa naman kami. Buti nalang at Medyo gumaan atmosphere. Kaya nag kwentuhan nalang kami habang kumakain. Ang saya ng may mga kaibigang handa kang ipagtanggol at alagaan sa oras na may kailangan ka. Hindi ko man kaya sa ngayon alam ko malalampasan ko ang pagsubok na ito kasama itong mga tunay na nagmamahal sa akin.

Fille POV

Finally. Akala ko nakalimutan ng Miss Author na mag ka POV ako. Tsk. Well I'm Fille Saint Merced Cainglet an AB Psychology student. Maliit, Medyo mataray at May lihim na pagtingin sa Bestfriend kung si Gretch. Yup. oo May gusto ako kay Greta. Di ko lang alam kung ramdam niya. Hindi naman talaga nanliligaw si Lino sa akin. Yung mga ipinapadala niyang mga chocolates at flowers eh mga pakulo lang namin yun kasi naman gusto ko makita na magselos si Gretch. Pero parang wala naman :( sa totoo lang tinutulungan lang naman ako ni Lino. Actually may Girlfriend na yan eh. Hahaha. Pero game pa din sa mga kalokohan ko. Alam din naman ng Gf niya kaya walang problema.

"Uy sweetie bat ang tahimik mo? may problima ba?"tanong ni Gretch habang nag ddrive papuntang bar. Katabi niya ako sa Driver seat

"Nope. Nag alala lang talaga ako kay Den."sabi ko

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon