Chapter 24

1.2K 33 2
                                    

Denden POV

Maaga akong nagising. Except for training ay may kailangan akong puntahan. Kaya nag prepare na ako at bumaba na papuntang kusina.

"Good Morning Besh. Kamusta tulog?"Bati ni Besh

"Good Morning din Besh. Ok naman. Bakit?"tanong ko

"Wala naman. Tara kain na tayo."Besh

Umupo naman ako sa tabi niya at kumuha ng pagkain.

"Good Morning beautiful ladies."Bati ni Bea

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Pasipsip ka din De leon. Wag ka mag alala hindi ko ilalayo si Jho sayo. Basta may foods lagi ah."Besh

"Kumakain ka pa nga pagkain na agad nasa isip mo Donya. Good Morning ate Den."Bati ni Jho.

"Good Morning Baby Jho."ako

"Tigil tigilan mo ako Maraguinot baka ilayo kita diyan sa jowa mo."Besh

"Wag naman ate Ells."sabi ni Jho sabay kapit sa braso ni Bea

Nailing nalang ako sa kakulitan nila.

"Hala siya oh. Ang aga aga harutan na agad. Hoy aral muna bago landi. Ay andito ka pala ate Den. Good Morning ate Den and ate Ella."bati ni Baby Jia

"Buti pa tung taong libro na tu pag aaral ang inaatupag. Good Morning Jia."Inirapan naman ni Baby Jia si Besh

"Kaw talaga Besh. Good Morning din Baby Jia. Kumain na nga kayo."Aya ko

Naupo naman sila at nagsimulang kumain.

"Nasaan pala si Ate Fille at at Jirah? Pati si Gretch at Marge?"Tanong ko

"Nauna na ata sa BEG ate Den eh."Baby Jho

Ang aga naman nila. Tinapos na namin ang pagkain at umalis na papuntang BEG. Andun na din pala ang iba naming team. Nag warm up na kami at nag simula ng maglaro. Wala si Coach Tai kaya hindi masyado mahirap ang training namin ngayon. Pagkatapos ay nag pahinga na muna kami bago mag shower. Nakaupo lang ako sa may bench habang tinitignan ang mga Lovers. Ang sweet nila. Sana ganyan din kami ngayon kung andito pa siya. Parang gusto nanamang pumatak ng luha ko kaya binaling ko sa iba ang paningin ko. Ayoko na umiyak. Pagod na ako.

"May mga bagay na kailangan mong bitawan kung nasasaktan kana. Baka sakali doon mo mahanap ang tunay mong kasiyahan."lumingon ako sa nagsalita si Captain pala.

"C-capt.."naiiyak ako pero kailangan kong pigilan.

"Ate nalang muna ngayon. Baka kasi kailangan mo ng mag aadvice sayo eh."sabi niya tapos binuka niya ang mga braso niya ibig sabihin pwede ko siyang yakapin.

Niyakap ko siya. Hindi ko na napigilan kaya umiyak nanaman ako.

"Sige iiyak mo lang. Pero sana kung sawa kana at kung ayaw mo na itigil mo na. Kasi kailangan mo din maging masaya."sabi Capt habang nakayakap pa din sa akin.

"Den. Nasasaktan ka man ngayon dadating ang araw na magiging masaya ka din. Dumadating ang mga pagsubok na ito ng may rason. Hindi ibig sabihin na nadapa ka ay hindi kana makakabangon."Capt

"A-ate Dzi.. Salamat po. At S-sorry po ulit kagabi. Hindi na po mauulit."ako

"Dapat na hindi maulit. Baka sa susunod mapaparusahan na kita."sabi niya

"Hinding hindi na po."ako

"Sige na. Maligo kana at may klase pa tayo."ate Dzi

"Ah ate. Magpapaalam pala ako sayo na hindi muna ako uuwi mamaya sa dorm. Sa bahay muna ako matutulog."ako

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon