Chapter 32

1.3K 28 0
                                    

Denden POV

"Ateeee!!!!"sigaw ni Mosh

Kakarating ko lang kasi galing sa bakasyon namin.

"Ate na miss kita."sabi ni Mosh habang nakayakap sa akin

Ngumiti naman ako at niyakap siya.

"Sus naglalambing nanaman ang bunso namin."ako

"Iha. Nakarating kana pala. Kamusta ang bakasyon?"tinignan ko si Dad

Galit? Siguro yun nga ang nararamdman ko ngayon para sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan pero nagpipigil ako dahil ayoko na makita ng kapatid ko.

"Yes Dad. Mosh magpapahinga na muna si Ate ha? Pagod pa ako."sabi ko at naglakad na papuntang kwarto

"Iha. May problima ba?"sumunod pala si Dad

"Meron ba Dad? May dapat ka bang ipaliwanag sa akin? o may dapat ba akong malaman?"sarkastiko kung tanong

"Anak.."Dad

"So totoo nga? Totoo na ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Alyssa?"Pinipigilan ko ang sarili ko na wag sumigaw

"Anak. Alam ko na naging makasarili ako dahil sa mga nagawa ko. Patawarin mo ako anak." Sabi ni Dad

"I don't know Dad. Wala akong masabi."sabi ko sabay pasok sa kwarto.

Masakit para sa akin ang lahat. Buong akala ko ay ok na kami ni Dad. Akala ko lang pala.

Alyssa POV

Pamilyar ang nararamdaman ko ngayon. Ganito din yun nang huli naming pagkikita. Gusto kong umatras pero kailangan ko itong gawin. Pagkapasok ko sa Coffe shop ay agad kong hinanap ang kikitain ko. Nang makita ko siya ay agad akong lumapit.

"Good Morning Mr. Lazaro."bati ko sa kanya

"Good Morning Miss Valdez. Maupo ka."siya

Tinignan ko siya. Seryoso pa din siya. Pero may iba sa mga mata niya. Malungkot ba siya?

"Are yo mu trying to read my mind Miss Valdez?"tanong niya

"A-ah no Sir."Ako

"Stop Calling me Sir Miss Valdez. Parang nagiging matanda ako dahil diyan."hindi ako makapag react. Nagbibiro ba siya?

"S-sorry po."utal kong sagot

"Ako ang dapat na humingi nang patawad Alyssa."siya

"S-sir?"ako

"Alam ko na naging makasarili ako dahil sa mga nagawa ko. At pinagsisihan ko ang lahat ng yun. Dahil sa desisyun kung iyon ay naging malungkot ang anak ko."sabi niya

Hindi ako makapagsalita..

"Mali ako dahil inilayo ko ang nagiisang nagpapaligaya sa anak ko. Patawarin mo ako Alyssa."habang sinasabi niya lahat ng yun ay nakatingin lang ako sa kanya.

"Matagal ko na po kayong napatawad. Alam ko po na mahal niyo ang anak niyo kaya mas gusto niyong mapabuti siya."sabi ko

"Maraming salamat Alyssa. Pwede ba akong humingi nang isang pabor?"bigla nanaman akong kinabahan.

Wag naman sana..

"Maari mo bang pasiyahin ulit ang anak ko?"nagulat ako sa sinabi niya

Ibig sabihin?

"Akala ko ba mahal mo ang anak ko?"Tanong niya

"P-payag na po kayo sa relasyon namin?"tanong ko din sa kanya

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon