Chapter 26

1.1K 29 2
                                    

Denden POV

Limang taon na ang lumipas. Marami na ang nag bago. Naka graduate na ako pero di ko na muna pinag patuloy ang pag do doctor ko. Nawalan na ako ng gana. Pangarap ko kasi yun na kasama siya. Pero nung umalis siya eh nawala na.

"Seryoso ah. Sino nanaman yang nasa isip mo? Selos na ako."lumingon ako sa nagsalita si LA pala.

"Selos mo mukha mo."sabi ko at naupo

Natawa naman siya.

"Sungit mo nanaman ah. Meron ka ba?"siya

"Tigil tigilan mo ako LA ah."ako

"I love you Den."sabi niya

"I love you.. Mo mukha mo! umalis ka nga dito nakakairita mukha mo."sigaw ko sa kanya

"Ang harsh mo Den."siya

"Asan ba Boyfriend mo at ako kinukulit mo dito?"tanong ko

Yep. Tama po pagkakabasa niyo. Gay po si LA at may Boyfriend po siya.

"Nasa office pa si Babe, kaya pwede ba dito na muna ako."siya

"At may trabaho din ako."sabi ko at binuklat ang mga papeles na naka patong sa table ko

"My God Dennise pwede ba? Puro ka nalang trabaho. Hello? Hindi ka naman pini pressure ni Tito Mike ah?"sagot niya

Totoo yan. Sa limang taon na nag daan ay natutunan ko na ding intindihin si Dad. Kaya siguro hindi ko na pinagpatuloy ang pag D-doctor dahil isa na din sa dahilan ay gusto kong i manage ang kumpanya namin.

"Mabuti nalang pala hindi natuloy kasal natin. Baka nga hindi tayo magtagal sa sobrang busy mo sa work."dugtong niya

Ngumiti ako. Naalala ko ang nangyari noon.

Flashback

Pagkatapos ng training ay dumiretso na ako ng bahay. Pinuntahan ko si Dad sa Library. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Hey Iha. Di naman kita pina uwi bakit ka naparito?"tanong niya

"Payag na akong ikasal kay LA."sabi ko

"Ha? Akala ko ba ayaw mo?"siya

"Napag isip isip ko na tama po kayo."malungkot kong sagot

"Well masaya ako at yan ang disisyon mo. At alam ko na tama ang disisyon ko na ipakasal ka sa anak ni Luis."Dad

"I know Dad. Magpapahinga na po ako."paalam ko.

Lumabas na ako ng Library at nag tungo sa kwarto ko. Doon ko binuhos ang kanina pang gustong lumabas na luha.

"Ito ba ang gusto mo Alyssa? Ang masaktan ako?"para akong timang na kinakausap ang hangin

Tama ba ang disisyon ko? Tama ba na gawin ko ito?

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay Engagement Party namin at doon gaganapin sa bahay ng mga Revilla

"Besh.. Totoo ba ito? Ikakasal kana?"tanong ni Besh habang nag aayos kami

Inimbitahan ko kasi sila.

"OA ka naman Ate Ells eh. Engaged palang kasal na agad?"baby jho

"Doon pa din papunta yun Maraguinot. Seryoso Besh? Wag kana tumuloy please."Besh

Since that day (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon