"Para saakin past time lang yang mga babae, kung papakipot, edi iwan agad." Ayon kay Brian na sobrang yabang! "Alam naman nating yang mga babae ay sobrang pakipot pero pag nakuha mo ang loob sila na ang maghahabol" sabi pa nya.
GELA P.O.V
"Hay nako sobrang nakakainis na iyan si Brian" sabi ko sa isip isip ko habang nakikinig sa usapan nila Brian at mga kaibigan nya sa hagdan kaya narinig ko sila nagtatawanan sa mga nakarelasyon nila at nagkwekwetuhan sa mga nabiktima nilang babae.
Ako nga pala si Gella Garcia ay 18 years old, nag aaral sa SJUNI 2nd year college na ako at kumukuha ng BS Psychology. Inis na inis ako kay Brian dahil sa sobrang hangin ng utak na grabe ang tingin sa mga babae. Si Brian Campos naman ay 19 years old na isang taon lang ang agwat saakin 3rd year college na sya at sobrang playboy halos linggo linggo nagpapalit ng girlfriend, kasi ginagawa nyang past time ang mga ito.
"Eh, nakakainis talaga mga lalaking katulad nya! Dapat sakanila tinatali ng pati warik!" bulong ni gella sa sarili nya.
Hindi ko alam na may nakakakita saakin habang nakikinig ako kina Brian at si Jun Villa! Kaibigan nila Brian na tila numero unong sumbungero sa magtotropa. "Hoy anong ginagawa mo dyan, umalis ka nga dyan!" sabi ni Jun sakin, "Ahh wala!" Sabi ko at tumakbo palabas ng building! Hinihingal pa ko nun baka sinundan ako? Hay, kainis naman sila pano na to baka pagtripan ako nito.
"Nakakainis balang araw talaga may araw sila!" – Gella
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker </3 (Ongoing)
Teen FictionIto any hango sa kanta ni Ne-yo, gagawin kong story dahil siguradong makakarelate ang mga nafall at mga naging pafall. Sa lyrics ng kanta may sentence na "Watch out for heartbreakers all they do is take your love and leave" Kaya payong kaibigan i...