CHAPTER IX - Aksidente nga ba o Sinasadya?

60 4 3
                                    

Gella P.O.V

                Pauwi na ako ng bahay para doon mag lunch, mahaba haba pa naman vacant time ko eh.

Pero bakit kaya ganun? Si Brian hindi ako sinundo…

Hala? Bakit ko ba naiisip yun….

Palibhasa kasi parehas sila ng istilo ng ex ko na yun.

Pero bakit ko ba nahihintulad ko ba yung taong yun sa ex ko mas matino pa nga yun kaysa sakanya

Papatawid na ako ng kalsada ng may nakita akong sasakyan na sobrang bilis ang takbo  ang bilis ng pangyayari nang biglang nandilim ang lahat…

 Mika P.O.V

                Hindi sa lahat ng bagay Gella ikaw ang Masaya!  Dapat magsama kayo ng kapatid mong malandi. -_-

Kayong magkapatid hindi nyo naman talaga ako tinuring na kaibigan ginawa nyo kong tanga sa taon na nagkakasama tayo! Sayang effort ko sainyo, malandi ka rin pala katulad ng kapatid mong mang-aagaw!

                Sinabi ko yan pag-katapos kong sagasaan si Gella sa kalsada! Oo tama ako ang sumagasa sakanya, pero wala naman makakaalam na ako yun…

Wala ..

Wala

Wala

WALA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!

Nag ring ang cellphone ko..

Si Dennis tumatawag Bakit kaya??

“Mika? Asan ka? Si Gella nasagasaan,”

Alam ko! Hahaha” sabi ko sakanya.

“Ha paano mo nalaman? Ikaw ba may gawa?” tanong nya . Nataranta na ako!!

“Hu? H-hindi ha? Bat ko gagawin yun, nandito ako sa coffee shop. Chaka paano ko magagawa yun sa kaibigan ko no?” sagot ko sakanya..

“Pumunta ka na dito hospital, nandito kmi nila Brian” sinabi nya at binababa nya ang phone,

ANO AKO? Pupunta ? Duuuhh! Ayoko nga

Pero baka naman mahalata ako? :O

.

.

.

.

.

.

.

Okay…… Pupunta na ako! :D Pero kailangan kong magpalit ng damit para makasigurado.

Pagkatapos ko magpalit, agad agad akong pumunta sa hospital kung saan sinugod si Gella

Agad agad kong nakita si Dennis, Brian, at yung isa pa nilang kaibigan na ang sama ng tingin saakin? Bat kaya?

“Kamusta na si Gella? Tatawagan ko muna sina Tita baka nag-aalala nay un kay Gella.” Sabi ko sa tatlong lalaki

“Wag na, alam na nila ang nangyari, tinwagan na sila ni Jean yung isa pang kaibigan ni Gella” sabi ni Brian

“Ayyy teka? Diba ikaw yung kadate ni Dennis nung nasa Bar kami? So kaibigan mo rin pala si Gella” habol nyang sabi… Nagtinginan kami ni Dennis, kumabog bigla puso ko baka maalala nya si Nicole.

“Oo ako nga yun, Mika nga pala ^^,” sabi ko nalang.

-____-

“Ahh, sigee ^__^ so Mika pala pangalan mo ha, Nice to meet you” sabi ni Brian sakin, ngumiti nalang ako sakanya. Saktong lumabas si dok at sinabi ang kalagayan ni Gella.

The Heartbreaker </3 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon