Identifying

43.1K 1.3K 15
                                    

Chapter 7:

Anikka's POV:

She was just reading.. and just lying on her bed the whole day, tinatamad siyang gumala sa kung saan, tumanggi din siya sa anyaya ng mga kaibigan niyang lumabas sila at gumala sa mall but then wala siyang gana.

Suddenly, bar hopping came boring.

Bakit? Dahil ka Grant? Tanong ng isip niya, hindi niya iyon pinansin.

But then bigla niyang naalala si Grant, kung gaano ito kagwapo and his hunky body..and his junk.

Namula siya.

Tumayo siya at agad na uminom ng tubig para mawala ang nararamdaman.

Bumuntong hininga siya.

Para siyang pusang in- heat.

She rolled her eyes.

She's so pathetic.

Nung sumapit ang hapon ay lumabas siya to buy some groceries at saka lang niya naramdaman ang gutom niya nung dinner niya, saka lang niya naalala na wala pa siyang kinakain sa araw na 'to.

When she arrived on her small house, she just called some pizza delivery as her dinner, kaya naman niyang magluto kung tutuusin, pero her natural parasites can't wait anymore.

She smirked.

When the pizza arrived she could almost eat all of it, she was currently munching another one when her doorbell rang.

Sumilip siya sa peephole ng gate.

"Hey girl! Kami 'to!" Narinig niyang sabi ng mga kaibigan niya.

Nung pagbukas niya ay agad na pumasok ang mga ito sa bahay niya, ilang beses na ding nakapunta ang mga ito sa bahay niya for a sleep over, or to just chill, gusto kasi ng mga itong magbasa ng mga collection niyang libro.

"Timing pala kaming dalawa" tumawa ang mga ito dahil nakita ng mga ito ang pizza na kinakain niya, she rolled her eyes.

"Grab on" sabi na lang niya at saka niya naamoy ang mga amoy ng alak sa mga ito.

"Guess what?" Sabi ni Yasmin.

"What?" She asked and she sips her orange juice.

"Pumunta kami sa bar para hanapin si Hunky" sukat sa sinabi nito at bigla niyang naibuga ang iniinom na juice...sa harap ng mga ito.

"What the hell, Nick!" Tumili ang mga ito.

"You guys deserves it!" Bulalas niya, hindi niya akalaing pupunta pa ang mga ito sa bar na iyon para hanapin si Grant eh ang laki ng kasalanan nila sa taong iyon.

"Gusto lang namin siyang hanapin para mag sorry sa kanya, huwag ka namang magselos diyan!" Tumatawang sabi ni Briana.

"Shut up!" Inis na sabi niya.

"Finally, Nick, you are alive" sabi ni Yasmin at nag apiran pa ang mga ito.

Tumahimik siya at inikutan ang mga ito ng mata.

Tumawa namana ang mga ito, tama nga naman sila, Grant deserves an apology.

At kailangang gawin nga nila iyon, pero handa na ba siyang harapin ito?

No. Her mind says.

Sa isipin na hahanapin niya ito ay parang tumalon ang puso niya, sa tingin niya tama ang mga kaibigan niya, she's alive.

"Uyyy, tumahimik siya" tudyo ng isa.

"Kumain ka na lang diyan" sabi niya sa mga ito.

"Pero seriously, paano natin siya haharapin pagkatapos ng ginawa natin?" Tanong niya, tinignan siya ng mga ito ng makahulugan.

Beautifully Damaged: Grant (PTSD) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon