Over

40.5K 1.2K 74
                                    

Chapter 8:

Anikka's POV:

Naalimpungatan siya nung naramdaman niyang parang may humahaplos sa pisngi niya, may insekto bang nakapasok sa bahay niya?

Pinakiramdaman niya kung babalik pa iyong insekto, nung bumalik iyon sa pisngi niya ay umungol siya sa magrereklamo.

Mukhang may nakapasok nga yata.

Ang alam niya ang nakapasok lang kanina ay si Grant..

Si Grant!

Agad siyang napamulagat at napatayo bigla, agad siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon at napahawak sa ulo.

Panaginip lang ba na dumating kanina si Grant? Pero nasa kwarto na siya at kanina lang inihagis niya an-

"Are you okay?" Sabi ng isang mababang boses.

Tumili siya nung nakita niya si Grant na nakatayo sa may malapit sa kama niya.

"Oh my god! Nandito ka nga!.." Akmang lalapit ito pero binalaan niya ito at tumayo siya mula sa kama niya at sumiksik sa gilid doon.

Akala niya panaginip lang na nandito ito.

"Diyan ka lang!" Sabi niya.

Pero nung gumalaw ito papalapit at nagbaba na siya.

"Pag sinubukan mo akong hahawakan, sisigaw ako!" Banta niya.

"I just wan-"

"Huwag kang magsasalita!" Sabi niya at inilibot ang mata at naghanap ng pwedeng i-armas.

"Stop finding a weapon, I can see you" sabi nito at biglang lumapit ito kaya naman tumili siya.

Agad nitong tinakpan ang labi niya, pero hindi gaya kanina na kamay nito ang ginamit, kungdi ang mga labi nito!

Nanlalaki ang matang itinutulak niya ito pero walang nangyari at naipit ang tili niya nung naipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

Napakurap siya dahil sa ragasa ng isang sensasyon sa kanyang katawan dahil sa paghalik nito.

Naipikit niya ang mata at ninanamnam ang mga halik nito sa kanya.

Pero teka, bakit nga ba ito nandito?

Ah oo nga pala, alam na nitong pinagpustahan namin siya ad now he's here to make me pay..

Sa naisip ay agad siyang napamulagat at itinulak ito saka ito binigyan ng isang malakas na sampal.

Dumilim ang mukha nito.

"H-huwag.." Naiusal niya.

Hinintay niya ang pagdapo ng kamay nito pero wala.

"Why are you acting like this, Anikka? I'm not a bad person" narinig niya sabi nito.

Idinilat niya ang isang mata at kita niya sa mga mata nito ang sakit, nasaktan ba ito sa sampal niya? Napalakas ba?

"I'm sorry" mahinang sabi niya.

"For?"

"Dahil pinagpustahan ka namin, I'm sorry!" Mabilis na hingi niya ng paumanhin.

Nang wala siyang naririnig mula dito ay tinignan niya ito, his eyes were telling her something she can't read.

Baka naman?

"Sorry kung nasampal kita, ikaw kasi eh, tinakot mo ako" sabi niya, pero hindi ito ulit nagsalita.

Hindi kaya?

Beautifully Damaged: Grant (PTSD) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon