Pito

15 0 0
                                    

Ba't ba'y lagi kang nasa isip?
Hindi mabura-bura ang iyong mga ngiti at labi sa aking isip
Palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw ang laman ng isip

Hindi na makatulog, makakain kakaisip ng iyong mga salita
Salitang hindi mo kayang ibigkas pero kayang-kaya mo namang ipadama

Ba't ba'y sa'yo pa nahulog
Ang pusong laging hinahamon ng pagsubok?
Ang pusong ang iyong pangala'y tinitibok?
Huwag kang mag-alala andito ako palagi
Naghihintay sa puso mong namamalagi

Pagdating ng panahon, maging tayo man o hindi
May kinabukasan man o wala
Tandaan mong, hinding-hindi ko pagsisihan
Na minahal kitang walang hangganan

Letters To You (Sulat Para Sa Iyo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon