Masyadong masakit kapag bumabalik ang damdamin
Pilit naaalala ang sariling katangahan
Umiiba na naman ang ihip ng hangin
Totoo nga bang sumibol muli ang nararamdamang pilit kinalimutan?
Ayaw ko nang bumalik
Ngunit ang puso'y nangungulila sa damdaming pinaramdam noon
Sabik na makapiling at makitang muli
Ano pa ba ang babalikan ko sapagkat kinalimutan mo na ako?
Bumalik ka na naman sa aking utak
Makulit ang iyong imahe sa aking isip
Tila ba hindi umepekto ang humanap ng iba at alak
Ayaw ko nang bumalik sa dati kong anyo kaya pakiusap
tigilan
mo
na
ako
