Ano nga ba ako sa'yo?
Bakit mo ako ginaganito?Kahit isang saglit, pinahalagahan mo ba?
Sa'yo ba'y ako'y may halaga?Ano yung mga pinakita at pinaramdam mo sakin?
Lahat ng pagmamahal at sakit sa puso kong iyong inangkin?O nagbulag-bulagan at nagtatangahan lamang ako?
Nagbahay-bahayan sa isip kong ito?Oo, ginusto at gusto kita
Pero dahil yon sa pinakita mo
Hindi ako una nahulog sa'yo dahil sa iyong mala-tsokolateng mata
Buhok mong 'kay kulot-kulot na palagi kong nilalaruanKundi iyon ay sa kung sino ka
Mga salitang binigkas at sinulat mo
Mga pangakong 'di natuloy at tulad ng rosas ay nalanta
Ako'y naging totoo sa'yo pero ako'y naging laruanPaalam, Sining
Hinding-hindi na kita guguluhin
Simula ngayon, di na ikaw
Papahalagahan ko na ang sarili ko
Paalam
