Nanaginip ako pero 'di na ikaw ang kasama ko
Nakakalito dahil hindi ko naman siya gusto
Pero napakakomportable niyang kasama
Parang kompleto na at wala nang kulangNanaginip akong may kahawak akong kamay
Siya'y nakahagkan sa akin at sa hindi malamang dahilan, hinayaan ko siya
Akala ko ba gusto kita pero ba't ganun?
Kahit saan ako, siya'y pa rin aking nililingunSiguro wala lang iyon
Sadyang naglalaro lang ang aking isipan
Hindi ko sasabihin na gusto ko na siya dahil alam kongGusto pa rin kita