Kathrina's POV...
Makalipas ang ilang araw binabagabag pa rin ako ng pagbalik ni Andrei sa Pilipinas.
Akal ko naman mag-stay na sya sa U.K. for good. Naiinis na talaga ko eh!
Puro kamalasan nalang lahat ng nangyari sakin.
Di na ako nakakapag-aral ng maayos First Grading palang, puro line of 8 lang.
JUSKOOO!
"Kathrina! Kathrina Laurice! kumain ka na, kanina ka pa hindi kumakain!" kalabog ng pinto ni ate Aicel sa kwarto ko.
"Mamaya na ate. Pagod pa ako." tugon ko.
Mayamaya, ay tumigil na rin ang pangungulit ni ate sa pagkatok sa kwarto ko.
Tutal, sabado naman ngayon naisipan kong mag-libang sa mall, para maibsan yung mg nararamdaman ko.
"Jericho. Gusto mong sumama?" aya ko habang kinukuha ang bag ko sa lamesa."Huh? saan ate? biglaan yata..." pagtataka nya.
"Basta, tara na. nahiya pa eh. bahala ka nga dyan." iiwan ko na sana sya pero pinigilan nya uli ako.
"Sama na nga ako! Wait mo ko ate." umakyat sya sa taas para magayos habang ako sumakay na sa kotse.
"Kuya Jeff. Sa mall lang kami, tatawagan nalang siguro kita kapag uuwi na kami." paalala ko.
"Sige.." maikli nyang sagot. "Sila ate Aicel mo ba, hindi mo aayain?" tanong nya pa.
"Nope. Gusto ko kami lang muna ni Jericho." sagot ko.
"Okaaay." naginat muna sya bago buksan yung radyo.
~Now playing: Di mo lang alam by Seira Briones
Yan yung kanta na unang kinanta sakin ni Andrei bago nya ako ligawan. Grade 8 palang ako nun, then after recognition nakipag-break sya sakin.
I don't know anything about his reason kaya nasaktan ako ng sobra.
Ang sabi ng kaibigan nya, may iba na daw kinakasama si Andrei, si Andrea daw.
That time, I don't know what to do anymore. Sinubukan kong magpaka-matay pero I think di ko pa oras.
Di ako kumain at natulog. Pero nung bumalik sya ngayon after 2 years bumalik na naman yung sakit.
Kaya nung makilala ko si Ezekiel, inis na inis ako sakanya. Halos lahat ng lalaki ngayon kina-susuklaman ko na.
"Ate, tara na?" bigla akong nagising ng ibagsak ni Jericho ang pintuan ng kotse. Naka-idlip pala ako.
"Bat ang tagal mo?" pagtataray ko.
"HEHE..."
---
"Thank you, Kuya Jeff." kaway namin sakanya bago sya makalayo.
"Tara na!" excited na tugon ni Jericho. "Ano bang gagawin natin dito, Ate Kath?" tanong nya.
"Wala, maglilibang lang." sambit ko.
"Ice cream tayo, Ate..."
"Okaaay." pumasok kami sa isang Ice Cream Shop at bumili.
"Ateee.. bili mo ako ng rubber shoes, pleaseee." kakatapos lang namin kumain pero humirit na naman sya.
"Kay, Kuya Aaron ka magpa-bili! Hindi pa ba nagpapadala sayo ng allowance sila Mom?" tanong ko habang palabas kami ng shop.
Umiling naman sya bilang sagot.
"Samahan mo muna ako sa Boutique bibili lang ako ngd damit." aya ko.
"PSH. pero pag ako nagpapabili, ayaw mo. Ewan ko sayo!" naglakad sya palayo na kunwari'y nagtampo.
Hinabol ko sya pero may nakabangga ako.
"AYY! SORRY POOO..." pagso-sorry ko.
Nakayuko sya at nakashades. Parang Pamilyar sya sakin.
"Kathrina?" tinanggal nya ang shades nya at tumingala sakin.
"Andrei? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.
SHIIIT! sabi ko nagpunta ako dito para maglibang hindi para makabunggo ang isang kamalasan! PWE
"Woah. Alam mo, Kathrina. Di naman masamang mag-assume pero BAWAL mag-assume pag di sigurado." biglang sumulpot ang isang ahas na parang Cobra na may halong Sawa.
"Andrea! Nice to meet you.." pilit Kong ngumiti sakanya at nag-yakapan pa kami. Iba rin ang nagagawa ng nga plastik eh. Lume-level up.
"Kamusta ka na bes?"
"Okay lang naman bes." ngumiti ako ng bahagya sakanya at inirapan naman nya ako.
"A-ahmm.. EHEEEM. excuse me girls." sabat uli ni Andrei. "Andrea. Bakit ka ba nandito? Umalis ka na! Baka ikaw ang sumusunod sakin?" pambabara ni Andrei sakanya.
"WOAAAH. Andrei? Pagkatapos ng nangyari satin kagabi, pagtatabuyan mo nalang ako bigla? HEEELL!" umirap si Andrea bago tumalikod samin habang kaming dalawa ni Andrei ay nakatayo pa rin.
Ang sakit. Ang sakit-sakit.
Di ko maipinta yung mukha ko ngayon. Parang nawasak na mamahaling vase. Na nalaglag ng bata.
AYOKOOO NA EH! kahit na 2 years na ang nakakalipas, nandito pa rin eh. Kasi minahal ko sya ng sobra. Minahal ko ng totoo eh.
Ng maramdaman ko ang mainit na likido sa mga mata ko ay aga akong tumalikod kay Andrei at tumakbo palayo.
Habang tumutulo ang luha ko galing sa mata ko ay ramdam na ramdam ko ang sakit.
Pagpasok ko ng Comfort Room ay doon ako humagulgol. After kong umiyak at naibuhos na lahat ng luha ko agad akong naghilamos at naghugas ng kamay.
Paglabas ko ay sakto may tumawag sakin.
"Kathrina!" kuma-kaway kaway pa sya sakin habang tinitignan ko sya.
Teka, nasan na ba si Jericho? Kanina pa sya hindi bumabalik eh.
"Bakit ka nandito? Epal ka naman eh. Para kang kabute." inirapan ko sya habang magkalapit kami.
"Maybe, It's just destiny?" napangisi ako sa sinabi nya.
Kahit kailan talaga nakakairita tong lalaki na toh eh.
"Destiny, ka dyan! Dami mong alam!" tinalikuran ko sya.
Nagpunta ako sa isang cafe para magkape.
"Miss... One Frappe Cappuccino please." sambit ko.
"Yes Ma'am, number 13 on table B!"
Umupo ako sa table B at hinintay ang order ko.
Papalapit na sana yung waiter at nakalagay sa plate yung number 13 pero may biglang sumingit na epal.
"Uhm! Kuya, It's mine. I'm Andrea Domingo." sambit nya.
NAKOOO!
"Uhm. Pero ang nakalagay po sa cup 'Kathrina Mariano' eh." sambit nung waiter.
"Would you give it to me? Or I'll report you o your manager?" aba! sumusobra na tong sawa na to ah!
"Excuse me, I'm Ms. Mariano, anak ng sikat na bussiness man sa iba't ibang bansa. My name is Kathrina Mariano. Wag kang makikinig sakanya, because I'm the owner." ngumiti ako sa waiter at hindi na tinignan yung Sawa na katabi ko.
"NO! I'm the real owner, and I own this one! Sa ayaw at gusto nyo!" sigaw ni Andrea na ikina-tingin ng mga tao sa paligid.
"Edi sayo! Tutal, ganyan ka naman eh. MANGAAGAW! special skill mo HIHIHI." pang-aasar ko sa muka nya.
"WHAAAT?!" nang-gagalaiting singhal ni Andrea.
"HEY! what's happening on here?" napatingin ang waiter sa labas ng pinto.
"Boss."
ano daw?! BOSS?! sya ang mayari ng coffee shop na 'toh?! THE HELL!
"Ikaw ang may-ari nito?!"
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Destined to be Yours (On-Going)
Teen Fiction"Isang malaking pangyayari ang nangyari sa buhay ko. At yun ay I'm Destined to be Yours." -Kathrina Mariano Welcome! I'm Girly_m16, hope you'll like the story. I'm not a professional author, so don't expect too much from me. Yun lang! Thank you❤ Lov...